CONFESSIONS OF A MARRIED MAN 190

78 views
Skip to first unread message

Joel Reyes

unread,
Dec 30, 2011, 9:50:00 AM12/30/11
to Pinoy Story w/ m2m & f2f
Nag-diretso na kami kina Kuya Dadoy at Ate Daring para mag-inom.
Kami lang nina Pareng Alex, Amon at Kuya Dadoy ang magkakaharap sa
inuman. Dinala ko na rin ang isusuot ni Dennis na pambinyag.

'Pare, nakita kong nagbulungan kayo ni Karen kanina,' sabi ni
Kuya Dadoy.

'Ah yun ba? Sabi ko mamasyal kami sa perya mamaya,' sagot ko
naman.

'Syota na naman ni Kuya Joel si Karen noon pa,' pakli naman ni
Amon.

'Amon, baka may makarinig sa iyo, akalain na totoo,' sansala ko
kay Amon.

Sa likod-bahay nina Ate Daring kami nag-iinom. Tumayo ako at
nagkubli sa isang puno upang umihi. Sumunod sa akin si Pareng Alex.

'Pare, ingat ka kay Karen. Baka malaman ni mare yan, ikaw rin',
babala ni Pareng Alex sa akin.

'Bakit, sasabihin mo ba?' tanong ko naman. 'Alam naman ni Karen
na may asawa ako kaya wala naman sigurong magiging problema.'

Sandali pa'y kahilera na namin si Kuya Dadoy at umihi rin.

'Ano ba pinag-bubulungan ninyo diyang mag-kumpare?' tanong ni
Kuya Dadoy.

'Wala naman. Sabi ko lang medyo may talab na ako.' tugon ko.

'Hus, pare, gusto mo lang yatang pumunta na sa perya. Ha ha ha,'
panunudyo ni Kuya Dadoy.

'Halata ba? Ha ha ha' sabi ko naman.

'O sige ubusin na lang natin ang natitira sa bote at lumarga ana
kayo,' si Kuya Dadoy uli.

Nang maubos nga namin ang aming iniinom ay lumakad na kami
papunta sa perya. Maraming tao sa perya kaya hindi ko agad nakita si
Karen. Si Amon ay nakakita ng isa niyang barkada at nagpaalam sa amin
na sasama raw doon.

Nasa nagbe-beto-beto kami ni Pareng Alex nang may kumalabit sa
amin. Paglingon ko ay si Karen pala. May kasama siya na katulong din
nila sa tindahan, si Belen. Bata pa si Belen, baka 12 anyos pa lang.

'Pare, me pupuntahan lang kami ni Karen,' paalam ko kay Pareng
Alex.

Tumango lang si Pareng Alex at sabi'y mauuna na lang siyang uuwi
pag siya ay inantok. Naglakad-lakad muna kami ni Karen hanggang ihatid
muna namin si Belensa tindahan. Nagtuloy kami ni Karen sa tabing-
dagat.

- Itutuloy -
Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages