Joel Reyes
unread,Mar 10, 2012, 10:11:10 PM3/10/12Sign in to reply to author
Sign in to forward
You do not have permission to delete messages in this group
Either email addresses are anonymous for this group or you need the view member email addresses permission to view the original message
to Pinoy Story w/ m2m & f2f
Bale anim kaming magkakaharap sa inumang iyon - ako, si Kuya
Dadoy, si Pareng Alex, si Amon na kadarating pa lang, si Anton na
katuwang ko sa pag-aanak at si Elmer na kapatid ni Kuya Dadoy. Uso
doon ang tagayan sa pag-inom sa baso ng nescafe. Beer ang iniinom
namin. Bihirang mag-beer ang mga manginginom doon dahil mahal daw kaya
karaniwan nang Tanduay ang inumin nila. Ako ang nagpakuha ng 3 case na
beer (Manila beer) para inumin. San Miguel ang pinakukuha ko pero sabi
ni Amon di gaanong mabili ang tunay na beer (San Miguel nga) kasi
mahal.
Kahit nabubunsol ako sa biglaang pag-inom sa isang basong puno ay
nakipag-sabayan ako sa kanila.
'Big time pala itong si Pareng Joel, beer pa ang pinakuha,' sabi
ng katuwang kong si Anton.
'Di naman, pare. Binyag kasi ito ng inaanak nating si Dennis kaya
dapat konting espesyal ang iinumin natin,' tugon ko naman.
'Okey talaga itong si Kuya Joel. Kaya matagal na silang mag-
barkada ni Kuya Alex. Inaanak nga niya si Carlo na anak ni Kuya Joel,'
sabad naman ni Amon.
'Kaya nga siya 'best man' ko sa kasal ko,' sabi ni Pareng Alex.
'Bakit bayaw, matutuloy na ba kayo ni Nancy?' tanong naman ni
Kuya Dadoy.
'Oo, Kuya Dadoy. Sa isang linggo na kami mamamanhikan nina Ama,'
tugon naman ni Pareng Alex.
Komo beer ang iniinom namin, mabilis mapuno ang pantog namin.
Dahilan upang madalas ang pag-ihi. Di naman kami lumalayo pag umiihi.
Sa gilid ng kulungan lang na manok ay nakakaraos na kami. Nang tumayo
ako upang umihi ay sumunod si Amon sa akin.
Habang hawak ko si junior ay sumabay din ng ihi si Amon.
Nagtanong siya sa akin, ' Kuya, sasama ka ba sa pamamanhikan kina Ate
Nancy?
'Hindi na siguro. Malayo rin ang Nueva Ecija dito sa Batangas.
Baka di ako payagan mag-VL dahil magsa-shutdown kami,' tugon ko naman
habang nagsasara ng siper ng pantalon ko.
Lumakad ako pabalik sa umpukan namin. Sumunod naman si Amon na
noon ay tapos na ring umihi.
Masarap ang kwentuhan namin na karaniwang usapang-lasing ay
napupunta sa sex ang usapan. Hindi ko mawari kung paano napunta ang
usapan sa palakihan ng ari ng mga lalaki.
'Mga pare, baka di ninyo naitatanong, ang akin ay kasing-taba ng
Ligong sardinas pag tigas,' pagmamalaki ni Kuya Dadoy. 'Kaya laging
may plaster sa sintindo si Daring pagkatapos naming magpangana.'
'Ganun ba, pare. Ipakita mo nga ang pruweba?' hamon naman ni
Pareng Anton.
'Pasensya ka na kay Kuya Dadoy, ' bulong sa akin ng kapatid
niyang si Elmer.
'Ayos lang yan. Masaya nga ang kwentuhan natin eh,' sagot ko
naman.
Tumayo si Kuya Dadoy upang siya naman ang umihi, Sumunod sina
Pareng Alex at Anton. Humilera sila sa gilid ng kulungan ng manok at
sabay-sabay na nagdilig ng lupa. Naka-akbay pa si Kuya Dadoy kay
Anton.
Napa-tingin ako sa kanila tapos ay itinaas ko ang paningin ko.
Nabigla ako sa nakita ko. Naka-panungaw sina Karen at Lanie at naka-
tunghay sa mga umiihi. Alam kong kitang-kita nila ang mga tarugo ng
mga umiihi.
Napa-kamot ako ng ulo ko. 'Nakita rin kaya nila ang tarugo namin
ni Amon?'
- Itutuloy -