Joel Reyes
unread,Mar 18, 2012, 11:18:40 AM3/18/12Sign in to reply to author
Sign in to forward
You do not have permission to delete messages in this group
Either email addresses are anonymous for this group or you need the view member email addresses permission to view the original message
to Pinoy Story w/ m2m & f2f
Hapon na nang matapos kami sa tagayan kina Kuya Dadoy. Umuwi kami
kina Pareng Alex at nadatnan namin ang mga kababata ni Amon na si
Amang Celo ang kaharap sa inuman.
'O eto na pala mga binata ko. Kanina pa naghihintay sina Berto sa
inyo,' bati ni Amang Celo sa amin.
'Sana pinasunod ninyo kina Ate Daring,' sagot naman ni Amon.
'Sinabi ko nga sa kanila pero nahihiya raw', sabi naman ni Inay
Lucing.
Naupo kami sa harap ng mga barkada ni Amon. Tatlo sila - sina
Berto, Boyet at Gardo. Hard ang iniinom nila at tagay din. Maliit na
baso lang naman ang gamit nila. Di ko karaniwan pinaghahalo ang beer
at hard pero nahihiya naman ako sa mga barkada ni Amon kaya nakipag-
sabayan na rin ako. Ulam na menudo ang pulutan namin. Nakita kong
tatlong long neck na Emperador ang nasa harapan namin.
Nang maka-apat na tagay ako ay nagpaalam ako upang mag-shower.
Sabi ko'y magsa-shower lang ako. Gusto kong mawala ang pagka-lasing
ko. Pumasok ako sa kwarto para kumuha ng twalya. Sumunod pala si
Pareng Alex.
'Mukhang tinamaan ka na, Pare, ah,' bati ni Pareng Alex.
'Oo saka naiinitan ako,' sagot ko naman habang naghuhubad ako.
Hinubad ko ang aking pantalon at t-shirt. Pinatungan ko ng short ang
aking brief.
'Ikaw, di ka ba magsa-shower?' tanong ko kay Pare.
'Mamaya na lang, mahihiga lang ako. Parang may tama na rin ako,'
sagot naman niya.
Lumabas ako at pumasok sa banyo sa loob ng bahay. Mas maliit ang
banyo sa loob ng bahay kesa sa banyo sa labas. Inalis ko lahat ng
saplot sa katawan ko saka ako nagbuhos ng tubig. Nagsabon akong mabuti
para mabango ako mamaya sa pagkikita namin ni Karen.
Nang makatapos ako ay muli akong pumasok sa kwarto. Nakita kong
naka-higa si Pareng Alex na naka-brief lang. Natutulog siya at mukhang
mahimbing. Lumabas ako upang bumalik sana sa umpukan nina Amon pero
nakauwi na pala ang mga ito. Si Amon na lang ang inabutan ko na
nagliligpit ng mga pinag-inuman namin.
'Ang bango mo, Kuya Joel ah. Parang may lakad ka,' biro ni Amon.
'Si Kuya Alex?'
'Natutulog sa kwarto,' sagot ko naman.
Tinawag kami ni Inay Lucing upang mag-hapunan. Nasa mesa na sina
Amang Celo, Linda at Lucy. Tinawag na raw nila si Pareng Alex pero
mahimbing ang tulog. Noon ay pasado alas-otso na.
Matapos ang hapunan ay naupo kami ni Amon sa balkonahe.
'Saan ang lakad mo, Kuya?' tanong sa akin ni Amon.
'May usapan kami ni Karen na pupunta sa aplaya,' pagsasabi ko
nang totoo kay Amon.
'Hindi ka papayagan ni Ama na umalis nang walang kasama. Tulog
naman ang Pards mo,' sabi ni Amon.
Totoo nga na nang magpaalam ako kay Amang Celo na mamamasyal ay
isama ko arw si Amon at baka kung ano mangyari sa akin. Noon kasi ay
nabalita na dalawang kasamahang mangingisda ni Kuya Dadoy ay tatlong
araw nang nawawala.
Pasado alas nuwebe ay lumakad na kami ni Amon. Nagtuloy kami sa
tindahan nina Karen. Bihis na si Karen - maiksing paldang hapit at t-
shirt na puti.
'Sumabay sa akin si Amon. Pupunta siya sa perya,' bungad ko kay
Karen upang huwag nang magtanong kung bakit may tsaperon pa ako.
Lumakad na kami at nagpaiwan nga si Amon sa perya. Madadaanan naman
namin siya pagkagaling namin ni Karen sa aplaya.
- Itutuloy -