CONFESSIONS OF A MARRIED MAN 209

129 views
Skip to first unread message

Joel Reyes

unread,
Jun 9, 2012, 6:17:40 AM6/9/12
to Pinoy Story w/ m2m & f2f
Kinabukasan ay maaga kaming parehong gumising ni misis. Nakita
naming gising na rin si Carlo at nasa gitna na pala namin. Pareho
kaming hubu't hubad pa ni misis pero wala pa namang malisya si Carlo
kaya tahimik lang kaming nagbihis.

Paglabas namin ay gising na rin si Tiya Magda at nakaluto na ng
almusal. Sabay-sabay kaming nag-almusal. Masarap ang sinangag at
tinapang bangus na may sawsawang bagoong at talong na isinapaw sa
kanin.

'Tiya Magda, makakauwi ka bang mag-isa? Sabay tayo hanggang
istasyon ng BLTB sa Pasay pero kami ay Batangas ang sasakyan namin,
ikaw ay Nasugbu,' tanong ko kay Tiya Magda.

'Oo naman. Di ba ang byaheng-Nasugbu ay diretso lang? tanong
naman ni Tiya Magda.

'Oho. Ang baba ninyo ay sa tapat na mismo ng Bayabasan (ang
barangay ni Tiya Magda).

Matapos kaming mag-almusal ay naghanda na kami ng mga dadalhin.
Ibinilin namin sa may ari ng bahay ang aming inuupahan. Hindi naman
uso dito sa Mariveles ang nakawan kaya wala kaming kaba na iwanan ang
aming bahay.

Bandang alas nuwebe ng umaga ay sakay na kami ng Phil. Rabbit,
tapos ay sumakay naman kami ng jeep-Pasay. Bumaba kami sa istasyon ng
BLTB. Kumain na kami ng tanghalian doon sa restawran na nasa loob ng
istasyon. Ibinigay ni misis ang sweldo ni Tiya Magda. Isinakay muna
namin siya sa byaheng-Nasugbu bago kami sumakay naman ng byaheng-
Batangas.

Sa loob ng bus ay nakatulog si Carlo. Pinabayaan namin na matulog
siya. Parang naaaliw naman si misis sa mga nadadaanan namin lalo na sa
San Jose na may mga punong-lansones na hitik sa bunga.

'Daddy, tingnan mo mo oh, hitik sa bunga ang mga puno ng
lansones. Para palang ubas na kumpol-kumpol din kung mamunga,' tuwang
sabi sa akin ni misis.

'Oo marami dito sa San Jose niyan pero sa Bauan ay wala,' sagot
ko naman.

Alas singko na nang hapon kami dumating sa inuupahan ko sa Bauan.
Ipinasok namin sa kwarto ang aming dalang mga bag. Si Carlo naman ay
nahiga agad sa papag.

- Itutuloy -
Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages