Joel Reyes
unread,Oct 7, 2011, 5:49:09 AM10/7/11Sign in to reply to author
Sign in to forward
You do not have permission to delete messages in this group
Either email addresses are anonymous for this group or you need the view member email addresses permission to view the original message
to Pinoy Story w/ m2m & f2f
Pag-alis ni Ka Lita ay nagtungo ako sa tindahan ni Ka Marta para
bumili ng lutong ulam at yelo. May nakaupo doon na isang lalaki na
siguro ay mga 5'5" ang taas, maputi at nag-iisang umiinom ng beer sa
mahabang upuan. Napatingin ako sa kanya at binati niya ako ng
pagtango.
'Ikaw yung nakatira kina Ka Lita ano?' bati niya sa akin.
'Oo, Joel pare,' sagot ko naman sabay lahad ng kamay ko.
'Eric,' sagot niya sa akin sabay abot naman ng kamay ko at
nagkamay kami. 'Umiinom ka ba? Sabayan mo ko,' yaya niya sa akin.
Nagbigay puwang siya upang makaupo ako.
'Ka Marta, isang beer pa nga ho,' order niya.
Nagbukas naman ng isang beer si Ka Marta inabot kay Eric na
ibinigay naman sa akin.Malamig ang beer at masarap ang hagod sa aking
lalamunan.
Nagka-kwentuhan kami. Sinabi kong process engineer ako sa LMG
pero sa Batangas nakatira ang pamilya ko. Umuuwi ako kako every other
day off ko at kadarating ko lang ngayon mula sa Mariveles. Nabanggit
ko rin na nagtra-trabaho si misis sa EPZA kaya hindi makasama sa akin
dito sa Batangas. Pati si Carlo ay naikwento ko rin sa kanya na magda-
dalawang taon na.
Nalaman ko naman na siya ay halos kaedad ko lang at nagtra-
trabaho naman sa Babcock Hitachi bilang isang personnel assistant ng
HR department kahit na ang tinapos niya ay Accounting. Binata pa siya
pero may anak daw siya sa pagka-binata. Nabuntis niya ang girlfriend
niya bago siya nag-abroad sa Saudi. Kaya wala siya sa Pilipinas nang
ipinanganak ang anak niya. Medyo malabo ang bahagi kung bakit hindi
niya pinakasalan ang girlfriend niya nang umuwi siya ng bansa. Ayoko
namang maging mausisa dahil unang pagkikilala pa lang namin iyon.
'Okey ka ah,' sabi niya sa akin. 'Ipakikilala kita sa barkada at
tiyak na makakasundo mo rin sila, okey ba sa iyo?'
'Oo naman. Mabuti nga iyon nang marami akong maging barkada dito
sa lugar ninyo,' sagot ko naman.
Naka-tig-tatlong beer kami bago kami naghiwalay. Nag-aabot ako sa
kanya ng share ko sa pagbabayad dahil nahihiya ako. Pero hindi niya
miyon tinanggap. Sabi niya, ako naman ang taya sa susunod.
Pag-uwi ko sa boarding house ay inabutan ko doon si Cito.
- Itutuloy -