CONFESSIONS OF A MARRIED MAN 200

97 views
Skip to first unread message

Joel Reyes

unread,
Mar 14, 2012, 11:53:43 AM3/14/12
to Pinoy Story w/ m2m & f2f
Tumingin uli ako sa bintana at hinintay kong mapa-tingin sa gawi
ko si Karen. Nagtatawanan sila ni Lanie dahil siguro sa libreng boso
nila sa mga tarugo ng nasa ibaba nila. Saglit pa'y dumako nga ang
tingin ni Karen sa akin. Umiling ako upang ipaalam na umalis sila sa
bintana. Sumunod naman ang dalawa kaya nawala sa bintana.

'Pare, nakikita pala pag-ihi natin sa itaas ng bintana,' bulong
ko kay Pareng Alex sabay-nguso ko sa itaas.

'Sino nakakita?' tanong niya.

'Sina Karen at Lanie,' sagot ko naman. 'Siguro nakita rin nila
nang umihi kami ni Amon.'

'Bayaan mo silang maglaway. Wala ka na namang itatago kay Karen.
Ilang beses na rin naman niyang natikman iyang neto mo,' patuloy ni
Pareng Alex.

Hindi na ako kumibo dahil baka may makarinig pa ng pinag-uusapan
namin.

'Pareng Joel, kelan ang balik mo sa Bauan?' tanong naman ni Kuya
Dadoy.

'Bukas na nang umaga pero uuwi rin ako sa Mariveles dahil nataong
day off na ko,' tugon ko.

'Sasabay na ko sa iyo para sabay na tayong umuwi sa Mariveles,'
sabad naman ni Pareng Alex. 'Sina Linda at Lucy ay sasabay sa kinuhang
service na jeep bukas nang madaling-araw.'

Nagpaalam ako saglit na may sasabihin lang kay Ate Daring sa
itaas ng bahay. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay karga ni Ate Daring si
Dennis. Lumapit ako at inilagay sa kamay ni Dennis ang sobre ng
pakimkim ko.

'Sabayan mo sina Karen at Mareng Lanie na kumain ng leche flan.
Tabihan mo sila sa mesa,' anyaya ni Ate Daring sa akin. Lumapit naman
ako at naupo sa tabi ni Karen. Ipinaglagay niya ako ng leche flan sa
platito.

'Nasiyahan ba kayo sa nakita ninyo kanina?' tanong-biro ko sa
kanila.

'Hindi naman namin sinasadya,' si Lanie ang sumagot.

'Kayo kasing mga lalaki, hindi maingat. Basta makakita ng bakod,
pwede nang dyumingel,' sabi naman ni Karen.

'Kami ni Amon, nabosohan rin ninyo?' tanong ko.

'Hindi ah...,' halos sabay nilang sagot.

'Bukas nang umaga ang balik ko sa Bauan, pasyal uli tayo sa
aplaya mamayang gabi,' bulong ko kay Karen.

Tumingin muna si Karen kay Lanie at nang makitang nakayuko ito ay
dagliang hinalikan ako sa pisngi sabay tango.

Noon naman ay pumanhik si Pareng Alex at nang makita ako, ' Pare,
ilang tagay na ang nalampasan mo. Babawiin namin yun sa iyo pagbalik
mo. Inakbayan niya ako pababa sa umpukan namin. Humabol naman ako ng
kindat kay Karen sabay-buka ng bibig ko, ' Mamaya' kahit walang tunog
na lumabas dito.

- Itutuloy -

Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages