Joel Reyes
unread,Oct 29, 2011, 6:13:49 PM10/29/11Sign in to reply to author
Sign in to forward
You do not have permission to delete messages in this group
Either email addresses are anonymous for this group or you need the view member email addresses permission to view the original message
to Pinoy Story w/ m2m & f2f
Bandang alas dos ng hapon ay umalis na kami papuntang Nasugbu.
Sumakay kami ng jeep pa-Lemery. Pagdating sa Lemery at lumipat naman
kami ng jeep pa-Balayan. At pagdating sa Balayan saka kami sumakay ng
jeep pa-Nasugbu. Nakakainip ang byahe. Pinupuno pa kasi ang jeep bago
umalis sa terminal. Sa papuntang Nasugbu ay may pandong ang mga babae
dahil sa alikabok na sumasama sa hangin. Kung wala silang pandong ay
para silang binudburan ng arina sa ulo.
Nag-meryenda muna kami ni Pareng Alex sa Balayan bago tuluyang
sumakay ng jeep pa-Nasugbu. Goto at coke. Iba ang gotong-Batangas
dahil wala itong kasamang kanin na tulad ng binebenta sa iba.
Halos alas sais na nang dumating kami sa San Diego. Halatang
pista na kinabukasan dahil may mga gayak sa daan. May munting perya
din kaming nadaanan. Maraming bata na naglilibot sa perya.
Nasalubong namin si Amon na pinabibili raw ng yelo ni Amang Celo.
Tuwang-tuwa ng makita ako. Sinuntok pa niya ako nang mahina sa
balikat.
'Lalo kang pumopogi, Kuya Joel,' pambobola sa akin.
'Ulol, wala akong barya,' sagot ko naman. 'Sige kita tayo sa
bahay mamaya.'
Nagpatuloy kami sa paglakad ni Pareng Alex hanggang madaanan
namin ang tindahan nina Karen. Napatingin si Karen sa amin at kumaway.
Tumango naman ako at kumaway din.
- Itutuloy -