Joel Reyes
unread,May 7, 2012, 11:13:32 AM5/7/12Sign in to reply to author
Sign in to forward
You do not have permission to delete messages in this group
Either email addresses are anonymous for this group or you need the view member email addresses permission to view the original message
to Pinoy Story w/ m2m & f2f
Alas syete na ng umaga nang lumabas kami ni Pareng Alex sa
kwarto. Sabay na kaming nag-almusal ni Amon.
'Kuya Joel, anong oeas kang umuwi kagabi? Ang tagal mo kaya umuwi
na ako,' tanong ni Amon.
'Hatinggabi na. Dumaan nga ako sa perya pero wala ka na doon.
Pero naabutan ko Kuya mo sa terasa,' sagot ko naman.
'Dumating yan na parang nanlalambot,' pabirong wika ni Pareng
Alex.
'Bakit naman manlalambot si Joel?' tanong ni Ama na nakikinig
pala.
'Wala ho. Nagbibiro lang ho ang anak ninyo,' sagot ko naman.
Matapos kumain ay gumayak na kami ni Pareng Alex para umuwi sa
boarding house ko sa Bauan. Kukunin ko lang ang bag ko ng gamit at
uuwi na rin kami sa Mariveles. Nang naglalakad na kami ay nadaan kami
sa tindahan nina Karen. Nakita ko si Karen na naka-tingin sa amin.
'Hoy, aalis na ba kayo?' tanong ni Karen.
'Oo dadaan muna kami sa Bauan at tutuloy na kami pauwi sa
Mariveles,' sagot ni Pareng Alex.
'Kelan kaya ako mapapasyal sa Bauan?' muli ay si Karen.
'Sino naman ang papasyalan mo sa Bauan?' tanong ko naman na alam
kong ako ang pinariringgan.
'Wala lang. Kung sino lang ang mag-imbita,' patuloy ni Karen.
'Hayaan mo at sa fiesta ng Bauan, kukumbidahin kita,' tugon ko
naman,
'Talaga? Kelan ba ang fiesta ng Bauan?' sabik na tanong ni Karen.
'June 31,' sagot ko sabay yaya na kay Pareng Alex.
'Pangako yan ha?' parang batang hindi nakahalata si Karen na wala
namang June 31.
Hanggang makarating kami ng Bauan ay nagkakatawanan pa rin kami
ni Pareng Alex. Kumain muna kami ng tanghalian na dala namin mula sa
tirang handa ng pista bago kami umalis pauwi sa Mariveles.
Tiyak na gabi na kami darating sa Mariveles.
- Itutuloy -