'Nasaan ang mag-ina mo?' hanap sa akin kina misis at Carlo.
'Hindi po kasi pinayagang magbakasyon,' sagot ko naman.
'Sayang, akala ko pa naman ay makikilala ko na sila,' sabi ni
Inay Lucing.
Lumabas ng kwarto sina Lucy at Linda. Nauna na silang umuwi
kahapon. May nag-service sa kanilang jeep na nagmula pa sa Mariveles.
Marami kasing taga-San Diego na nagtra-trabaho sa EPZA.
'Nandito na pala sina Kuya Alex at Kuya Joel, pwede na tayong
kumain,' bungad ni Lucy na bunso nina Pareng Alex.
'Sige at ihahanda ko na ang mesa,' sabat naman ni Linda.
Luto na ang mga handa nila para sa pista kinabukasan. Chopsuey na
lang ang lulutuin bukas kasi panisin daw ang gulay. Menudo at
relyenong bangus ang ulam na nakahain. Dumating si Amon na may dalang
Coke at yelo. Napasarap ang kain namin kaya nabusog kami.
Nagpapahinga kami sa terrace nang dumating si Kuya Dadoy na bayaw
ni Pareng Alex. Siya ang ama ni Dennis na aanakin ko sa binyag.
'Pare, lipat muna kayo sa amin nang makita mo naman ang aanakin
mo,' yaya sa akin ni Kuya Dadoy.
'Oo ba, sino ba kamukha ng aanakin ko?' tanong ko naman.
'Ikaw yata, Pare,' sagot naman ni Pareng Alex na patungkol sa
akin.
'Aba eh di guwapo kung ganoon,' kasat ko naman sabay tawa.
Malapit lang naman ang bahay nina Kuya Dadoy at Ate Daring sa
bahay nina Ama. Siguro ay mga limang bahay lang ang pagitan at sa
gitna noon ay ang tindahan nina Karen. Nagkatitigan kami ni Kareng
habang dumadaan kami sa tindahan.
Tumigil si Kuya Dadoy sa paglakad at dumiretso sa tindahan.
Sumunod kami ni Pareng Alex. Bumili ng Tanduay at yelo si Kuya Dadoy.
Bago kami umalis ay binulungan ko si Karen.
'Pasyal tayo sa perya mamaya,' bulong ko sa kanya.
Tumango si Karen.
- Itutuloy -
--
You received this message because you are subscribed to the Google Groups "Pinoy Story w/ m2m & f2f" group.
To post to this group, send email to pinoy-stor...@googlegroups.com.
To unsubscribe from this group, send email to pinoy-story-w-m2...@googlegroups.com.
For more options, visit this group at http://groups.google.com/group/pinoy-story-w-m2m-f2f?hl=en.
hello po,