PANATA SA KARAPATANG PANTAO

0 views
Skip to first unread message

greg star

unread,
Nov 10, 2007, 7:59:54 AM11/10/07
to PilosopongTas...@googlegroups.com
Ipinalalaganap ng human_rights...@yahoogroups.com.
PANATA SA KARAPATANG PANTAO

Ako’y Mamamayang Pilipino
Tungkulin ko ang kilalanin, igalang at itaguyod
Ang dignidad at karapatan ng bawat tao
Maging dayuhan man o kalahi ko.

Itataguyod ko ang diwa ng pagkakapantay-pantay ng lahat
Nang walang kinikilingang kasarian, lipi, paniniwala at katungkulan sa buhay
Sa larangang Pang ekonomiya, Pampulitika, Pangkultura, Panrelihiyon at Panlipunan
At malaya sa lahat ng uri ng diskriminasyon at karahasan – kabilang na ang sa tahanan.

Diringgin ko ang tinig ng kabataan
Nang may respeto at pagkilala sa kanilang ideolohiya at kakayahan
At huhubugin sila na maging matatag na salinlahi sa kinabukasan.
Titiyakin ko na ang bawat bata ay hindi salat sa pagkalinga,
may matiwasay na lipunang ginagalawan
At ang mga pangangailangan ay natutugunan ng pamahalaan.

Igagalang ko ang nakatatanda at aalalayan kung kinakailangan
Bibigyang puwang sa lipunan ang mga may kapansanan.
Tutulungan ko ang mga biktimang nawalan ng tahanan at kabuhayan
Dulot ng kalamidad, demolisyon, militarisasyon, at armadong labanan.

Pagyayamanin ko ang kultura ng katutubong Pilipino.
Bubuhayin ko ang pag asa ng bagong buhay sa mga bilanggo.
Tututulan ko ang pagmamalabis sa kapangyarihan, katiwalian at pagyurak sa karapatan
Ng mga manggagawa sa pribadong tanggapan, sa pamahalaan
At maging ng mga Pilipino na sa ibayong dagat ay namamasukan.

Paninindigan ko, na sa aking kapwa, ako’y may pananagutan.
Babantayan na ang Estado ay nagagampanan ang obligasyon sa lipunan.
Sa ngalan ng KARAPATANG PANTAO, tayo’y makibahagi at magtulungan
Sa pagsulong sa katuparan ng lahat ng karapatan.
Distributed by human_rights...@yahoogroups.com.
Please visit our Group home page: http://groups.yahoo.com/group/human_rights_philippines
Or click:
http://us.rd.yahoo.com/evt=42879/*http://groups.yahoo.com/group/human_rights_philippines
 
 

__________________________________________________
Do You Yahoo!?
Tired of spam? Yahoo! Mail has the best spam protection around
http://mail.yahoo.com

Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages