DESAPARESIDOS – ang bagong nobela ni Lualhati Bautista

95 views
Skip to first unread message

greg star

unread,
Jun 27, 2008, 10:46:21 PM6/27/08
to pilipina...@yahoogroups.com, PilosopongTas...@googlegroups.com, pinoy_deb...@yahoogroups.com, pinoy_...@yahoogroups.com, pinoy_ma...@yahoogroups.com, pinoy_m...@yahoogroups.com, pinoy_techn...@yahoogroups.com, pluma...@yahoogroups.com

DESAPARESIDOS – ang bagong nobela ni Lualhati Bautista

 

Nang mapagawi ako kahapon, Hunyo 27, 2008, sa National Bookstore sa Ali Mall branch sa Cubao, nakita ko sa literary section ang bagong nobela ni Lualhati Bautista na may pamagat na “Desaparecidos”. Agad ko itong binili kahit na kaunti na lang ang pera ko sa bulsa. Ang Introduksyon ai isinulat ni Bienvenido Lumbera, National Artist for Literature, na may petsang Nobyembre 2007 sa Quezon City.

 

Si Lualhati Bautista ang may-akda ng mga kinikilalang aklat at isinapelikulang nobelang “Dekada ‘70”, at “Bata, Bata, Paano Ka Ginawa?”, at nobelang “Gapo”.

 

Ito ang nakatala sa likurang pabalat (back cover) ng aklat na hinango sa Introduksyon ni Lumbera:

“Akala natin ay nasabi nang lahat ang gustong sabihin ni Lualhati Bautista tungkol sa ... Martial Law ... sa kanyang Dekada ’70. Pero narito ang Desaparecidos, at kalunos-lunos ang nilalaman ng bagong nobela tungkol sa paglasog ng mga kabuktutang militar sa pamilya ng mga rebolusyonaryong nasa kanayunan... Kahanga-hanga ang ipinamalas dito ni Bautista na kakayahang maigting na hagipin ang kamalayan ng mambabasa... Ito na marahil ang ... katibayan na tunay na karapatan ng awtor na angkinin ang karangalan bilang pangunahing kontemporaryong nobelista ng ating panahon.

Ang tagumpay ni Bautista ay mahirap ihanap ng katapat sa mga akda ng kapanahon niya...

 

At sa dulo ng Introduksyon ni Lumbera sa pahina viii ay ito ang nakasulat:

“Kung paghahambingin ang timbang ng dating ng Desaparesidos at Dekada ’70, di hamak na mabigat at matindi ang bagong nobela na nagpapakilala sa atin ng manunulat na pagkaraan ng 20 taon ay tunay nang “taga sa panahon.”

 

Ang aklat na ito’y inilathala ng Cacho Publishing House nitong 2007, at mabibili sa halagang P150.00 lamang, 226 pahina, at may sukat na 5” x 7”. Ang pabalat ay kulay itim at kulay pula naman ang pamagat at pangalan ng awtor. May larawan din ng barbed wire sa ibabang bahagi ng pabalat, at sa gitna ay may pulang larawan na tila tilamsik ng dugo.

 

Magandang basahin ito, at sana’y maisapelikula rin ito. Bili na rin kayo ng kopya ninyo. Maraming salamat.

 

- greg


Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages