MAC: PANGWAKAS NA PANANALITA SA PAGDIRIWANG NG PWU ARAW NG WIKA AT KULTURA

4,408 views
Skip to first unread message

MARIAN A. CAAMPUED

unread,
Aug 27, 2010, 1:57:13 AM8/27/10
to ANIWAYA COLLECTIVE, EFD_INFO, lasal...@yahoogroups.com, lucia pavia ticzon, LORENCE SVENNERBORG, Rogerson Dennis Fernandez, Junley Lazaga, DR. PURIFICACION DELIMA, DR. TESS MANANSALA, TIN, ALLAN DERAIN, BEMBIE DECHAVEZ, Del Rosario Giovani H., EDWIN GALVEZ, MA'AM EVA PUERTOLLANO, eporo...@yahoo.com, PS 399 2 SY 09-10, PS 301, PS 302, CARMEL PADILLA, TEACHER AMPEE ALFARO, Jasmin N. Galace, ARISTON CASLIB, cca...@gmail.com, MA'AM MELA, buga...@yahoo.com, PINKY SERAFICA, LOUISSE AMANTE, Gelly TANDOG, Ma.Teresa de Guzman, Imcs Etd, deped imcs, mlr...@yahoo.com, MA'AM MARIAN ARIAS, MS. JEANETE DAROY

PANGWAKAS NA PANANALITA
Araw ng Wika at Kultura*, Ika-27 ng Agosto 2010
The Philippine Womens University – Manila


Tema para sa ngayong taon ayon sa Komisyon ng Wikang Filipino: Sa pangangalaga
ng Wika at Kalikasan; Wagas na Pagmamahal, Talagang Kailangan


Wika at Kalikasan . . . Dalawang mahahalagang salita na matama nating nabigyan
ng ugnayan, sapat na pagkilala at ibayong pagpapahalaga ngayong araw na ito. Sa
mga klase ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino, ipinakita natin ang abang
kalagayan at ugnayan ng dalawang konseptong ito --- parehong mahalaga, parehong
KSP (kulang sa pansin) sa lipunan, parehong nanganganib, parehong naglalaho. Ang
ipinamalas ninyong galing at kakayahang magpahayag sa iba’t ibang anyong sining
salat man sa panahon at resorses ay maitutumbas hindi lamang sa pagpaparangal
sa wika at kalikasan ngunit lalong higit sa buhay, kultura at lipunan bilang mga
kabataan at mamamayan hindi lamang ng Pilipinas at ngunit pati ng daigdig.
Bigyan natin ng isang paikot na palakpak ang ating mga sarili.

Gayunpaman, hindi nagtatapos sa pagpapahayag lamang ang ating pagtataya o
komitment at mga nasimulan sa pagtataguyod ng Wika at Kalikasan. Alam kong sa
usaping pangwika, mangangahulugan ng matinding pang-unawa ang ating
kakailanganin sa paggiit ng intelektuwalisadong Filipino sa maraming sulok ng
akademiya. Alam kong mangangahulugan ng ibayong sakripisyo ang sinumang magbigay
interbensiyon sa paggamit ng wikang Filipino sa mga diskorses sa iba’t ibang
disiplina. Mahirap basagin ang kulturang banyaga, na ipinapalaganap ngayon ng
iba’t ibang institusyon lalo na ng midya. Matindi ang mangyayaring pingkian sa
atityud at nakasanayan niyong mga kabataan sa tapat na pagkalinga sa kalikasan
ito man ay nasa micro lebel ng sarili. Sino nga ba ang handa na sa inyong hindi
na gumamit ng net? Sino sa atin ang patuloy na nagke-CLAY Go (Clean as you go)
pagtapos kumain sa kantina? Sino ang pagtitiisang ihiwalay ang mga basura at
itapon ito tamang lalagyan? Sino sa atin ang handa nang hindi gumamit ng plastic
bilang pangtakip ng ating mga libro, notbuk, mga larawan? Sino sa ating mga guro
ang handa nang magpagamit ng recycled paper para sa mga sulating papel? Sino ang
handa nang magpatay ng aircon alang-alang sa Kalikasan? Handa na ba tayo? Bukas
ba tayong maghanda?

Tandaan natin, sa paggamit ng Wika sumasabay dito ang ating pagkasino at
identidad. Hahayaan ba nating jejemon na lamang ang debelopment n gating wika?
Hahayaan ba nating sa Boksing at Beauty Pageant na lamang naisusulong ang ating
kultura? Hahayaan ba nating manatali sa abang sitwasyon an g ating flora at
fauna, agrikultura, ang ating mga bood o malmag (tarsier), pilandok (deer),
butanding, dugong, haribon at lahat-lahat pang kumakanlong sa ating kalikasan
kabilang na ang ating mga sarili?


Sa paggamit ng wika, nalilinang ang ating kultura. At sa paglinang ng ating
kultura, asahan nating humuhugis rin ang ating mga pagpapahalaga (values)
paninindigan at mga prinsipyo. Huwag tayong matakot umunawa. Huwag tayong
matakot mag-sakripisyo. Huwag tayong matakot tumaya at manindigan para sa isang
mundong maka-tao, maka-Bathala (anumang tawag natin sa Kanya – Diyos, Allah,
Uniberso) at lalong lalong na, ang maging maka-kalikasan. Ang pagtataguyod ng
wika at kalikasan ay hiyas (precious), di kayang tumabasan at kahit kailan ay
hinding-hindi dapat ipinagkakasundo (non negotiable).


Pangunahan nawa niyong kabataan ang pagsasakripisyo tungo sa pagtataguyod ng
adhikang ito.
Bigyan natin ng isang bagsak, isang padyak at isang wow ang mga sumusunod:


Nagpapasalamat tayo sa lahat ng mga tumulong maging ganap ang pagdiriwang na ito
---

Dr. Talisayon, Pangalawang Pangulo sa mga Gawaing
Pang-akademiko;
Dr. Gaerlan, mahal na Dekana para sa Paaralan ng Agham at
Sining;
Dr. Fiel Nierva, Pinuno sa mga Gawaing External;
Ma’am Luisa Mirasol sa Multimedia;
Ma’am Mirasol ng IS;
Edgar ng Janitorial Services;
Mga Kuya sa Sound System at AVR;
Kaguruan ng Filipino na sina Prop. Corazon Cruz at Prop. Rikki
Gaddi;
Kaguruan ng Paaralan ng Sining at Agaham (SAS);
At sa lahat pang hindi nabanggit rito.


Humayo tayo at magparami.


Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages