hay salamat sa buod thx hahaha tga camarin high school pla aq 4th year din di na aq mag hhap ng iba d2 nalang heheheh pa print kulang kasi ppasa nmn sa lunes date nga yun linggo agust 15 sa bkas test na nmn kailang mag aaral para makaka gruate.hehehhehe 15 years old palang aq email add ko sa facebook ay richard...@ymail.com add nyo aq sa fb...salamat god blees you
bilang isang high school student dapt tlgang magsipag, at subok ko na yan,khit medyo toxic sa homework,at iba pang activities,gnun pa man masaya pa rin. lalo na sa mga studyanteng mga tamad buti naku walang ibang aasahan kundi magsurf sa net. buti na lng may mga masisipag at may tyaga gumawa ng website para sa pagbubuod,nakakatulong to pra sa mga wlang books.salamt! pero yung kabanata 8 medyo dagdagan lng onte pa!
Thanks po kuya sa Mga Buod ng El Filibusterismo nakakatulong po talga ito sa akin kabanata 2 pa nga ako :DD thank you poooooooooo so much as innnnnn grabeh!!! Thanks to GOD so much ^_______________________^
Ang El Filibusterismo o Ang Paghahari ng Kasakiman sa wikang Filipino ay karugtong o sikwel ng Noli Me Tangere. Ang nobelang ito ay isinulat ni Dr. Jose Rizal noong Oktubre 1887 habang siya nagpapraktis ng medisina sa Calamba, Laguna.
Natapos ni Rizal ang El Filibusterismo noong Marso 29, 1891 na inilathala rin ng taon ding iyon. Isang kaibigan na nagngangalang Valentin Ventura ang nagpahiram diumano ng pera kay Rizal upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong Setyembre 22, 1891.
Sinasabing ang El Filibusterismo ay isang nobelang pampulitika na naglalayong magmulat sa kaisipan at mang-gising sa damdamin ng mga mambabasa upang ang hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan ay makamtan.
Naglalayag sa ilog Pasig ang Bapor Tabo isang umaga ng Disyembre. Patungo ito sa Laguna at lulan sa ibabaw ng kubyerta sina Don Custodio, Ben Zayb, Donya Victorina, Kapitan Heneral, Padre Irene, Padre Salvi, at Simoun.
Nagkasagutan sila ni Don Custodio na isang opisyal na konsehal at nagbigay ng solusyon na kumbinsihin na lang diumano ang mga tao na mag-alaga ng itik. Kinakain daw kasi ng mga itik ang mga suso sa ilog. Sa ganitong paraan, huhukayin daw ng mga tao ang ilog upang may makuhang suso na kanilang ipapakain sa mga alagang itik.
Tinutulan naman ito ni Isagani at sinabing hindi sila namimili ng alahas dahil hindi naman nila kailangan. Napangiti si Simoun sa sinabi ng binata. Paliwanag niya, dukha daw ang lalawigang nabanggit niya dahil ang mga pari sa simbahan ay Pilipino.
Binigkas din ni Basilio ang isang tula ni Isagani tungkol sa pagtutulong ng apoy at tubig sa pagpapatakbo sa makina (steam engine). Ngunit ayon kay Simoun ay pangarap daw iyon dahil ang makina ay hahanapin pa.
Pagkaraan ay dumating si Simoun. Aniya, sayang raw at hindi niya nakita ang mga dinaanan ng bapor. Wala daw kwenta sa kanya ang alinmang pook na kanyang makikita kung wala rin namang alamat ang mga ito.
Anang Kapitan, ito daw ay banal sa mga katutubo noong una bilang tahanan ng mga espiritu. Nang tirahan daw ito ng mga tulisan ay nawala ang takot sa espiritu, sa halip ay nasalin sa mga tulisan ang takot.
May magkasintahan umano sa Espanya at ang lalaki ay naging arsobispo sa Maynila. Nagbalatkayo daw ang babae, sinundan ang kasintahan sa Maynila at hinihiling na sundin nito ang pangako na magpakasal sila.
Upang mabago naman ang kanilang usapin ay isinalaysay ang alamat ni San Nicolas na nagligtas sa isang Intsik sa pagkamatay sa mga buwaya. Naging bato diumano ang mga buwaya ng dasalan ng Intsik ang santo.
Si Tandang Selo na umampon noon sa gubat kay Basilio ay matanda na. Ang anak nitong si Kabesang Tales ay isa nang Kabesa de Baranggay. May tatlo itong anak, sina Lucia, Tano, at Juli. Namatay si Lucia at ang kanyang asawa dahil sa malaria. Sina Tano at Juli na lamang ang buhay.
Yumaman na sila dahil sa tiyaga. Nakisama si Kabesang Tales sa namumuhunan sa bukid at nang makaipon ng kaunti ay nagbungkal ng lupa sa gubat. Nang maipagtanong na walang may-ari sa naturang lupa ay ginawa niya itong tubuhan.
Sa kanyang pagbabantay ay nagdala siya ng baril na kinumpiska ng prayle. Sumunod ay itak naman ang kanyang dinala ngunit ipinagbawal itong muli ng mga pari. Sa huli ay palakol na lamang ang dinala ng Kabesa sa pagbabantay.
Itinanong ng kutsero kay Basilio kung nakawala na ang kanang paa ni Bernardo Carpio na naipit sa kabundukan ng San Mateo. Pinaniniwalaan kasi na hari ng mga Pilipino si Bernardo Carpio na makakapagpalaya diumano sa bayan.
Sa paglalakad ni Basilio ay napansin niya na wala masyadong parol ang mga bahay at tahimik ang karamihan maliban sa bahay ni Kapitan Basilio na puno ng kaligayahan. Nakita niya dito ang alperes, ang kura, at si Simoun.
Nang sumapit ang madaling-araw ay umalis ng tahimik si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiyago saka nagtungo sa gubat ng mga Ibarra. Anibersaryo kasi ng pagpanaw ng kanyang ina sa mismong gubat na iyon. Ipinagdasal niya ang kaluluwa ng kanyang ina at inalala ang mga pangyayari labing-tatlong taon na ang nakararaan.
Naalala niya na may isang lalaki na sugatan. Inutusan siyang maghakot ng kahoy na ipansusunog sa kanyang ina at sa lalaki. May isa ring lalaki na tumulong sa kanya sa paglilibing sa lalaking sugatan pati na rin sa kanyang ina.
Sa sobrang hiraap at gutom ay ninais na niyang magpasagasa sa mga karwaheng dumadaan. Sakto namang dumaan ang karwahe ni Kapitan Tiyago na lulan din si Tiya Isabel. Kapapasok pa lamang ni Maria Clara noon sa kumbento at pauwi na sana nang madaanan nila si Basilio.
Dahil masikap sa pag-aaral si Basilio ay hinikayat siya ni Kapitan Tiyago na lumpat sa Ateneo Municipal. Namumuhi kasi si Kapitan Tiyago sa mga prayle mula nang magmongha si Maria Clara. Doon ay pinili ni Basilio ang pag-aaral ng medisina dahil ito rin naman ang kanyang hilig.
Uuwi na sana si Basilio nang may nakita siyang liwanag na paparating at makarinig ng yabag. Nagtago siya sa puno ng baliti at sa kabilang dako ng punong kanyang pinagtaguan ay tumigil ang taong dumating. Nagsimula itong maghukay gamit ang asarol.
Tumugon si Basilio at sinabi na nakikilala siya nito. Siya diumano ang taong tumulong sa kanya labing-tatlong taon na ang nakalilipas. Inakaala ng lahat na siyang patay na ngunit kinilala siya ni Basilio na ang lalaking kausap ay walang iba kundi si Ibarra.
Di rin sang-ayon si Ibarra sa plano nina Basilio na pagtatayo ng paraalan ng Wikang Kastila at sa paghingi nilang gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas at bigyan ng pantay na karapatan ang mga Kastila at Pilipino.
Bagay na pinabulaanan ni Simoun. Kailan man ay di raw magiging wikang pangkalahatan sa bayang ito ang wikang Kastila. Iilan lamang daw ang nakapagsasalita ng Kastila at ang iilang ito ay mawawalan ng sariling kakayahan, magpapailalim sa ibang utak, at paaalipin.
Tinuligsa ni Simoun ang mga pangkat na naghahangad luminang sa wikang Kastila at di sa kaalamang magsalita o sumulat sa sarili nilang wika pati ang mga nagpapanggap na di sila maalam magsalita at umunawa ng sariling wika.
Dagdag pa ni Simoun, mabuti raw kung ayaw silang turuan ng mga Kastila ng kanilang wika. Mas maigi umano na paunlarin ang isang katutubong wikain nang mawala ang pagtatangi-tangi at magkaroon ng mga layuning pambansa.
Inamin ni Simoun na ito ang dahilan kung bakit hinayaan niyang mabuhay si Basilio, Isagani at Makaraig na binalak niyang patayin dahil baka maging hadlang ang mga ito sa pinaplano niyang paghihiganti.
Napansin ni Simoun na tila hindi naantig ang kalooban ni Basilio kaya tinuya niya ito. Ani Simoun, wala namang ginagawa si Basilio kundi tangisan ang bangkay ng kanyang ina na parang isang babae. Tutulungan daw niya si Basilio sa paghihiganti.
Nagpasalamat naman si Basilio at iniiwan si Simoun na nag-iisip. Di raw kaya niya napaniwala si Basilio sa paghihiganti o may balak din itong maghiganti ngunit naglilihim lamang at nais sarilinin o sadyang wala nang hangad na maghiganti?
Anang ilan, kung di lamang daw umalis si Kabaesang Tales ay baka hindi hindi daw nangyayari iyon kay Tandang Selo. Nag-usap-usap din ang mga ito kung sino ba ang may kasalanan kaya nangyari ang kamalasan kay Tandang Selo.
Nakipanuluyan si Simoun sa bahay ni Kabesang Tales na nasa pagitan ng bayan ng San Diego at ng Tiyani. Naghihirap na noon si Kabesang Tales samantalang dala nang lahat ni Simoun ang pagkain at ibang kailangan at dalawang kaban ng mga alahas.
Ngunit ayon kay Hermana Penchang ay hindi daw dapat iyon ipagbili ni Kabesang Tales dahil minabitu pa ni Huli ang paalila kaysa ipagbili iyon. Isangguni raw muna ni Kabesang Tales sa anak ang bagay na iyon na sinang-ayunan naman ni Simoun.
Humingi ng paumanhin si Kabesang Tales sa pagkuha niya ng baril ng mag-aalahas dahil kinailangan niyang sumapi sa mga tulisan. Pinagbilinan din niya si Simoun na mag-ingat sa mga tulisan dahil mapahamak ang mga ito.
Nangaso ang Kapitan Heneral sa Boso-Boso ngunit wala siyang nahuli dahil natatakot ang mga hayop sa dala niyang musiko. Ikinatuwa naman ito ng Heneral dahil ayaw niyang malaman ng mga kasama na wala siyang alam sa pangangaso. Kaya naman sila ay umuwi na lamang sa bahay ng Kapitan Heneral.
Sa isang bahay-aliwan sa Los Baos ay naglaro ng baraha sina Padre Irene, Padre Sybila at ang Kapitan. Naiinis naman si Padre Camora dahil lagi siyang talo. Hindi nagtagal ay pinalitan siya ni Simoun sa paglalaro.
Pumayag si Simoun na itaya ang kanyang mga alahas sa kondisyong ipupusta ng mga prayle ang pangakong magpapakasama sa loob ng limang araw. Sa Kapitan Heneral naman ay ang pagbibigay ng kapangyarihan kay Simoun na magpakulong at magpatapon ng kahit na sinong kanyang nanaisin.
Dahil sa mga kakaibang kundisyong ito ng pagsusugal ay napalapit sina Don Custodio, Padre Fernandez at ang Mataas na Kawani. Ang Mataas na Kawani ay nagtanong kung ano ang mapapala ni Simoun sa kanyang mga hiling.
Isa na dito ang pagbabawal ng Heneral sa armas de salon. Tutol man ang Mataas na Kawani dito ngunit wala naman siyang nagawa. Nagbigay pa ng payo si Simoun na huwag ipagbawal ang armas de salon sa halip ay magkaroon na lamang ng iisang sukat na kasalukuyang nabibili noon. At ito ang nasunod.
c80f0f1006