PAHAYAG NG SAN JUANICO TV

1 view
Skip to first unread message

National Union of Journalists of the Philippines

unread,
Jul 22, 2023, 12:40:20 AM7/22/23
to



Una, nagpapasalamat kami sa Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) mula sa Malacanang na pumunta sa tanggapan ng Radyo Abante- SJTV upang interbyuhin kami na mga nagrereklamo sa pangyayaring iyon.

Pangalawa sa  pamunuan ng PNP, sa pagsisikap na makita ang katotohanan at detalye sa pangyayaring ito sa pamamagitan ng imbestigasyon, at sa pauna at dagliang aksiyon.

Gumawa ng news release/statement ang PTFoMS at isinapubliko ito sa pamamagitan ng kanilang Facebook Page na may petsang Hulyo 21, 2023 pero iba ang tono nito, at lihis sa mga  napag-usapan at takbo ng aktwal na kaganapan.

Sa tono ng pahayag ng PTFoMS ay may pumipigil na taga-SJTV upang hindi iatras ang reklamo. Ito ay walang katotohanan, bagkus ay lalong lumakas ang desisyon namin na isampa ang kaso.  

Ang pangunang reklamo ay dahil sa ginawa ng  policewoman sa reporter, gaya ng makikita sa viral video- kung saan nagkapunit - punit ang uniporme ng reporter na hinahablot-hablot ng pulis sa pakay nitong maagaw  ang cellphone ng reporter na may video record, at dito na narinig ang mga putok ng baril kung saan sa pagkakataong ay nariyan na ang mga pulis.

Kung sabi ng PTFoMS hindi galing sa baril ng mga pulis ang mga putok at walang pulis na nagpaputok, ito ay pahayag nila at hindi amin.

Nagtatanong din kami. Nagsagawa ba kayo ng pagsusuri sa mga baril ng mga rumespondeng mga pulis?  

Ang pag-iinterbyu ninuman ay isang ordinaryong trabaho ng isang taga-midya para mabuo ang balita. Naging kumplikado lamang ang lahat nang pumasok sa eksena ang policewoman na hayagang walang karespe-respeto sa media.

Ngayong araw July 21, 2023, nakatakda na sana kaming pumunta sa PRO8 upang paunlakan ang imbitasyon ng PNP at mag-cooperate sa imbestigasyon.

Ngunit bago pa man kami nakaalis papunta sa Police Regional Command 8 ay pumutok na  sa social media ang  press release/statement ng PTFoMS na nagdulot ng aming pag-aalinlangan.  

Sa huli, pabayaan nalang natin na tumakbo ang imbestigasyon sa kaso.

Hintayin na lang natin ang resulta dahil naisampa na ang reklamo sa ahensiya ng gobyerno na may saklaw sa kasong ito.

Salamat sa mga tao at sa mga kapatid namin sa trabaho sa media na sumusuporta sa aming kinakaharap na hamon sa buhay at sa trabaho.

Apektado kami, aming pamilya,  aming trabaho sa lahat ng aspeto, ngunit handa kaming harapin ang magiging takbo ng kaso sa mga susunod na panahon.

Ang pamunuan ng Radyo Abante-SJTV ay naniniwala at buong ang tiwala na nagtrabaho nang tama ang tatlong  mga reporters bilang mga broadcast journalists na masasabing mga hinog na sa larangan ng kanilang trabaho.

Salamat sa inyong lahat.

--
*********************************************************************************************************************
NATIONAL UNION OF JOURNALISTS OF THE PHILIPPINES
4/L FSS Bldg. # 89 Sct. Castor corner
Sct. Tuason Street (near T. Morato Ave),
Bgry. Laging Handa, Quezon City, Philippines
Tel.: (+632) 3767330
Email: nuj...@gmail.com
Web: www.nujp.org 
Twitter:nujp
Skype:nujp
An affiliate of the International Federation of Journalists (IFJ) 

Pahayag ng San Juanico TV.jpeg
Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages