Pambubulas Pdf

0 views
Skip to first unread message

Doménica Spielmann

unread,
Aug 5, 2024, 2:34:36 AM8/5/24
to luokenoho
Angpaghahari-harian, panunupil, pagmamaton o pambubulas ay isang uri ng pang-aapi na isa ring uri ng ugaling mapanalakay, mapaghandulong, o agresyon na kinakikitaan ng paggamit ng dahas, pamimilit o pamumuwersa, o koersiyon (sapilitan) upang maapektuhan ang ibang tao, partikular na kung ang ugali ay kinagawian at kinasasangkutan ng kawalan ng katimbangan o hindi patas ang kapangyarihan. Maaari itong kasangkutan ng panliligalig na binabanggit, pagsalakay o pamimigil na pangkatawan, at maaaring nakatuon nang paulit-ulit sa isang partikular na biktima, marahil dahil sa lahi, relihiyon, kasarian, seksuwalidad, o kakayahan.[1][2] Ang kawalan ng balanse ng kapangyarihan o lakas ay maaaring isang kapangyarihan panlipunan at/o lakas na pisikal. Ang biktima ng pangmamaton ay paminsan-minsan tinutukoy bilang isang "puntirya" o ang "pinupukol".

Sumasaklaw ang paghahari-harian mula sa payak na isang tao sa isa pang tao na paghahari-harian (nag-aastang parang hari) sa mas kumplikadong pagmamaton kung saan ang maton ay maaaring mayroong isa o maraming mga 'tenyente' na tila nagnanais na tulungan ang pangunahing maton sa kanyang mga gawain ng paghahari-harian. Ang paghahari-harian sa paaralan at sa pook ng trabaho ay tinatawag ding pang-aabuso ng kauri o pang-aabuso ng kapantay na tao.[5] Sinuri ni Robert W. Fuller ang pagmamaton sa diwa ng rankismo. Mayroon ding pagmamaton sa Internet.


Maaaring maganap ang pagmamaton sa anumang konteksto kung saan ang mga tao ay nakikipag-ugnayan o nakikipagkapwa sa bawat isa. Kabilang dito ang paaralan, simbahan, mag-anak, trabaho, tahanan, at pamayanan. Ito ay isa ring pangkaraniwang dahilan ng pagtulak na nag-uudyok ng migrasyon. Maaaring umiral ang pagmamaton sa pagitan ng mga pangkat na panlipunan, mga klaseng panlipunan, at pati na sa pagitan ng mga bansa (tingnan ang jinggoismo). Sa katunayan, sa sukatang pandaigdigan, ang nawawatasan o tunay mga kawalan ng pagkakapantay-pantay sa pagitan ng mga nasyon, kapwa sa mga sistemang pang-ekonomiya at sa mga sistemang pangtratado o pangkasunduan, ay kadalasang binabanggit bilang ilan sa pangunahing mga sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig at ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[6][7]


Ang pambu-bully o pambubulas ay isa sa pinaka malaking suliranin ng mga tao, lalo na sa mga kabataan sa loob ng paaralan. Ang pambubulas ay isang pang-aapi sa kapwa , madalasna ginagawa ng mga estudyanteng may pagmamayabang may kapit sa eskwelahan at sa mga taong mahina at kayan-kayanan. Isa sa mga samhi ng pambubulas ay ang pagkakagustong maging hari-harian sa eskwelahan, dahil ang katwiran ng iba ay kapag naging mabait sila ay sila ang bubulasin. Ang pinansyal ay isa rin sa sanhi ng pambubulas , kailangan nilang mangbugbog ng kapwa at manakot para mahingiang gusto nila at isa pang sanhi nito ay ang pagkakagusto na maging amo sa loob nga paaralan, at dahil takot sa kanila ang ibang mga estudyante ay nagagawa nila itong utos-utusan ng walang angal. Bunga ng pambubulas sa mga kabataan ay marami ang humihinto lamang sa pag- aaral dahil sa takot at pag-iwas sa pambubulas. Maraming kabataan ang nagkakaroon ng kawalang kompiyansa sa sarili dahil pakiramdam nila at tingin sa nila sa sarili ay mahina, kayat marami ang mga taong hindi nakakapagtapos ng pag-aaral.


Maraming epekto ang pambubulas sa isang tao. Maaaring hindi na ito pumasok dahil sa takot, at ang pinakamalala ay pagpapakamatay dahil sa labis na depresyon dulot ng pambubulas. Kadalasan ang binubulas ay may kakaibang pisikal na kaanyuan, galing sa mahirap na pamilya, tahimik at marami pang iba. At kung ipagwawalang bahala ito ng binubulas ay pwede itong maulit ng maulit. Kailangan na isumbong agad sa nakatatanda para matigil ito.

3a8082e126
Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages