JUAN: Tay, nagpa-tatoo po ako sa dibdib!
AMA: Wow astig ang anak ko! Agila ba o dragon?
JUAN: Pusa po!
AMA: Kakaiba yan!
JUAN:Opo, Hello Kitty!
***
#32
PEDRO: Pare,napansin ko na lagi mong kinakausap ang sarili mo!Hindi
kaya nababaliw ka na?
JUAN: Di naman siguro,kasi di ko naman SINASAGOT eh!
***
#33
Umorder si Juan ng 1 buong pizza...
CLERK: Sir, ilang slice po ang gagawin namin sa pizza nyo,6 or 8?
JUAN: 6 lang,baka hindi ko maubos ang 8!
***
#34
PEDRO: Pare,wag mong kalimutan na may handaan sa bahay bukas!
Birthday kasi ng inaanak mong KAMBAL!
JUAN: Wow,talaga? Sino sa kanilang dalawa?
***
#35
JUAN: Nay bakit kaya ako tinatawag na ANIME ng mga kalaro ko?NANAY:
Kasi 3 buwan ka ng di ngpapalit ng damit! Tuwing lalabas ka yan ang
suot mo!
***
#36
JUAN: Pare nanaginip ako kagabi, kasama ko daw ang 85 contestants ng
Ms. Universe Pageant!
PEDRO: Wow,di JACKPOT ka?
JUAN: Oo pare, AKO NANALO!
***
#37
GF: Kawawa nman yung ex-BF ko!
BF: Bkit naman?
GF: Balita ko since mgbreak kami 7 yrs ago ay palagi ng naglalasing!
BF: Wow haba ng celebration!
***
#38
MARIA: Nay, pwede po ba ako sumama sa NIGHT SWIMMING ng mga kaklase
ko?
NANAY: Ok lang anak,basta wag ka MAGPAPAGABI ha?
MARIA: Opo nay, promise!
***
#39
PEDRO: Magaapply po akong BOY.
AMO: Ok,ang job mo ifeed ang aso ng HAM s umaga STEAK s tanghali at SAUSAGE s gabi.
PEDRO: Magaapply po akong ASO!
***
#40
TATAY: Aba himala! 1 oras ka lang nagbabad sa telepono! Dati-dati 6 na oras! Sino ba yung kausap mo?
JUAN: Ewan ko po tay, WRONG NUMBER lang!
***
#41
MR: Honey, hulaan mo REGALO ko sa yo, SAKTO sa leeg mo!
MRS: Ang sweet mo naman! KWINTAS yan no?
MR: Hindi, PANGHILOD para sa LIBAG mo sa leeg!
***
#42
MISTER: Laki problem ko!
MISIS: Wag mo sbihin problem MO kundi NATIN,mag-asawa tayo! O ano
problem natin?
MISTER: Nabuntis NATIN si Inday at TAYO ang ama!
***
#44
JUAN: Last month,ipinakilala ko ang GF ko sa lolo kong milyonaryo!
PEDRO: Anong nangyari? Boto ba ang lolo mo?
JUAN: Oo!LOLA ko na siya ngayon!
***
#45
GURO: Why are you absent?
JUAN:Mam,may CARDIOVASCULAR DISEASE po ako!
GURO: Sige i-spell mo ang sakit mo!
JUAN:Joke lang po,UBO lang po tlaga!
***
#46
TITSER: Nangopya k na nman sa katabi mo no?Parehong-pareho sagot
nyo!
ANNA: Mam siguro po dahil PAREHONG-PAREHO din ang TANONG nyo!TITSER:
Grrr!
***
#47
TITSER: Kids,gayahin nyo ang mga ANTS, puro sila trabaho at DI
NAGLALAKWATSA!
MARIA: Maam,e bakit po nung magpunta kami sa LUNETA,andun din sila?
***
#48
JUAN: Ikaw na naman? 3 beses mo na kong naholdup ngayong taon ah!
HOLDAPER: Ganun talaga business, inaalagaan ang good customer!
***
#49
JUAN: Nay,muntik n ko mg Top1 s klase!
NANAY: Tlaga nak?Bat muntik lng?
JUAN: Inannounce po ung Top 1 s klase,tinuro ni Maam ung ktabi
ko.Sayang!
***
#50
PEDRO: Doc, gusto kong PUMOGI pero wala akong pera! May paraan pa ba
n mas mura?
DOCTOR: Meron!
JUAN: Paano po?
DOCTOR: Tumabi ka sa MAS PANGIT sa yo!
***
#51
Nasalubong ng lasing ang isang fat girl na my dalang aso.
LASING: Hoy,san mo nkuha yang baboy?
BABAE: Aso to, di baboy!
LASING: Wag ka sumabat yung aso kausap ko!
***
#52
JUAN: Dok, sobra lungkot dto s mental kaya sinulatan ko ang sarili
ko!
DOCTOR: Eh ano nman sinabi mo?
JUAN:Ewan ko,next week ko p matatanggap eh!
***
#53
JUAN:Heto n po ang mga libro nyo,puro lang sulat pero walang
istorya!
LIBRARIAN:Aha!Kayo pala ang kumukuha ng mga telephone directory
namin!
***
#54
TATAY: Bakit BAGSAK ka sa exam?
JUAN:Dahil po sa pag-absent tay!
TATAY:Absent ka nung itinuro?
JUAN:Hindi po! Absent yung KATABI ko nung exam!
***
#55
LORNA: Alam mo, DINEYT ako ng BF ko kagabi sa 1 malaking RESTORAN,
daming choices!
MARIA: Wow! anong name ng restoran?
LORNA: FOOD COURT daw!
***
#56
DOCTOR: Kambal anak mo, sister mo nagpangalan!
MARIA: Naku weirdo un,ano po ipinangalan?
DOCTOR: Sa girl DENICE!
MARIA: Ok un,eh sa boy?
DOC: DENEPHEW!
***
#57
TEACHER: Pedro 1 + 3?
MARIA: Maam 4 po.
TEACHER: Oh ikaw Juan. 3+ 1?
JUAN: Ayan na! Ayan na! Langya... pag mahirap akin...!
FAVORITISM....!
***
#58
GURO: Ganyan talaga iha, pag maganda karaniwan di matalino. pag
MATALINO madalas PANGIT!
MARIA: Salamat po maam, ang TALI-TALINO nyo talaga!
***
#59
PARROT:Pssst!Pangit!Pangit!
JUAN:(inis)Hoy!Sa susunod na tawagin mo akong pangit,litsunin kita!
PARROT:Pssst!
JUAN: Ano?PARROT:Alam mo na!
***
#60
HOLDAPER 1: Yey! mayaman na tayo!
HOLDAPER 2: Bilangin mo na!
HOLDAPER 1: Alam mo naman mahina ako sa Math. Abangan na lang natin
sa news mamaya!
***
DALAGA: Talaga, may-ari ka na ng mga condo units at negosyo? Wow,
ang yaman mo naman pala! Saang lugar naman yan?
SUITOR: Sa CityVille, FB
***
#62
MISIS: Honey, malapit na tayong maging tatlo dito sa bahay!
MISTER: Talaga honey? Magiging daddy na ako?
MISIS: Hindi pa, dito na titira nanay ko!
***
#63
JUAN: Pare nasaksak ako! Mauubusan na ako ng dugo! Please call me a
doctor, call me a doctor!
PEDRO: Ok, YOU'RE A DOCTOR! DOKTOR KA Juan!
***
#64
JUAN: Away kami ni misis kagabi, nagdilim paningin ko!
PEDRO: Sinaktan mo?
JUAN: Sinakal ako, NAGDILIM PANINGIN KO, nawalan ako ng malay!
***
#65
ADEK: Payag ka na bang magpakasal sa akin?
GRO: Oo pero ok lang ba sa iyo kung meron akong past?
ADEK: Ok lang, wala naman akong future eh!
***
#66
JUAN: Kahit tindero ako ng fishball, me anak ako sa Ateneo, UP at
LaSalle!
PEDRO: Wow, ano course?
JUAN: Ala, titinda din ng fishball!
***
#67
JUAN: Tay, ang CORRESPONDENCE po ba ay dalawang R?
TATAY: Gawin mo ng tatlo anak, para sigurado!
JUAN:Galing nyo talaga tay, sigurista!
***
#68
Sa harap ng Statue of Liberty...
ITALIAN: Magnifico!
BRITISH: Brilliant!
AMERICAN: Amazing!
PINOY: Picture! Picture! Pang-Facebook!
***
#69
Pumasok ang isang pasyente sa klinika...
PASYENTE: Dok, tulungan nyo po ako...pakiramdam ko, binabalewala ako
ng mga tao!
DOKTOR: Next!
***
#70
FRANK: Alam mo ba na nauutusan ko ang aso ko na bumili ng dyaryo
para sa akin!
PNOY: Alam ko.
FRANK: Pano mo nalaman?
PNOY: Knuwento sakin ng aso ko!
***
#71
Sa Jollibee...
BUSINESSMAN: Excuse me, may wi-fi ba kayo dito?
PNOY: Naku sir ala po! But you can try our apple-fi or mango-fi sir!
***
#72
Isang babae sa gilid ng rooftop...
PULIS: Miss huwag! May solusyon ang lahat ng problema!
BABAE: Huwag kang makialam! Di ako maka-SEND!
***
#73
KRIS: Nay, nay, tingnan nyo po ang drawing ko oh!
NANAY: Wow!! Ang galing namang mag-drawing ng MONKEY ng bunso ko!
KRIS: Nay, kayo po yan!
***
#74
TATAY: Anak, totoo ba na sa school, nagbibigay-galang ang lahat pag
dumadaan ka? Astig ah! Ano sabi nila?
JUAN:"Mabuhay ang mahal na reyna!"
***
#75
Baliw tumawag s mental...
BALIW: Hello, may tao pa ba sa Room 28?
OPERATOR: Wala na bakit po?
BALIW: Check ko lang kung nakatakas talaga ko!
OPERATOR: Aha!
***
#76
MISIS: Bat may blackeye ka?!
MISTER: Kita ko naipit ang palda ng ale sa pwet nya...hinila ko,
sinuntok nya ako...
MISIS: Sa dalawang mata?
MISTER: Akala ko ayaw nya hilahin ko...binalik ko. Sinuntok uli
ako...
***
#77
Sosyal nakiinom sa baryo...
GIRL: Where galing your water?
LOLA: Sa ilog iha!
GIRL: Eeww, NAIINOM ba yan?
LOLA: Nasa iyo iha kung gusto mo NGUYAIN!
***
#78
MAX: Pare bakit may tali ka sa paa?
JUAN: MAGBIBIGTI ako!
MAX: Eh bakit sa PAA, dapat sa LEEG!
JUAN: Sinubukan ko na kanina, hindi ako MAKAHINGA eh!
***
#79
MAN: Si sir mo to, nabangga ako, I need cash!
INDAY: Aru! Dugo-dugo gang ka no?
MAN: Inday si sir mo to!
INDAY: Weh, si sir ang tawag sa akin CUPCAKE!
***
#80
JUAN: May kaeyebol ako mamaya, kamukha daw nya na celebrity ""SH""
simula ng name!
FRANK: Wow baka SHARON o SHAINA!..pagkatapus ng eyebol...
FRANK: Bat ka malungkot?
JUAN: SHREK!
***
JUAN: Nay alam nyo pinatayo ako ni itay sa bus para ibigay upuan ko
sa babae!
INAY: Anak magandang asal yun!
JUAN: Kahit nakakandong po ako kay itay?
***
#82
JUAN: Alam mo, ayaw na ayaw kong makakita ng nakatayong babae sa bus
habang ako eh nakaupo!
MAX: Kaya pinapaupo mo?
JUAN: Hindi, natutulog ako!
***
#83
INAY: Binigay na ba card nyo?
PNOY: Opo nay, good news ala na po ako line of 7!
INAY: Talaga? Patingin! English-65 Math-60 Science-69 Pilipino-
67..Ala nga!
***
#84
INAY: Bat ka umiiyak?
BERTING: Si kuya po sinabihan ako PANGIT!
INAY: Totoo ba sumbong ng kapatid mo?
JUAN: Wag po kau maniwala sa sinasabi ng pangit na yan!
***
#85
GURO: Imagine na kayo ay MILYONARYO. Isulat ang iyong activities.
ALL: Yes mam!
GURO: Juan bat di ka nagsusulat?
JUAN: Intay ko po ang SECRETARY ko!
***
#86
BF: Kainis si Juan, sabihin ba naman na mukha ako MAGSASAKA pag
katabi kita!
GF: HAHAHA! Wag ka na magalit nagbibiro lang yun. Bakit nya naman
daw nasabi?
BF: Kasi mukha ka daw KALABAW!
GF: GRRR!
***
#87
AMO: Eto yung binili kong chalk na pamatay sa ipis, isulat mo sa
pader!
INDAY: Yes mam! Nagsulat si Inday sa pader:""EPES, MAMATAY KAYO!
LOVE, ENDAY""
***
#88
Naospital yung pamangkin, kasi buntis (dinugo). Pumuntang
emergency...
VICE: Nurse tulong!
NURSE: Ano pong nangyayari? Manganganak?
VICE: Ay hinde. Ipapatira ko pa lang. Dinudugo na nga diba. Syempre
manganganak na!
***
#89
Sa Opisina...
VICE: Pasok mo nga dito yung mga papeles ko.
ASSISTANT: Sa loob po?
VICE: Hinde sa labas, ipasok nga diba.Pwede bang ipasok sa labas.
Sige subukang mong ipasok doon sa labas!
***
#90
TEACHER: Juan, give me a sentence.
JUAN: Ma'am is beautiful, isn't she?
TEACHER: Very good! Please translate in tagalog.
JUAN: Si ma'am ay maganda, hindi naman di ba?
***
#91
TEACHER: 0k class, our lesson for today is science. Before I proceed
what is science?
JUAN: Maam!!! Maam!!! ako maam, alam ko answer!
TEACHER: Yes, Juan, what is science?
JUAN: Maam!!! Science is our lesson for to day
***
#92
INAY: Anak, may kasama daw si Bagyong Pedring na hurricane at
tsunami na kayang palubugin ang Pilipinas! Alam mo ba ibig sabihin
nun?
JUAN: Wala pong pasok bukas? Yey!
***
#93
Sa isang job interview...
B0SS: Okay! Ano ba alam mo?
JUAN: Alam ko kung saan nakatira asawa mo at alam ko rin saan
nakatira ang kabit mo.
B0SS: Tanggap kana hayop ka!
***
#94
TATAY: Anak, ibili mo nga ako ng softdrink.
ANAK: Coke or Pepsi?
TATAY: Coke.
ANAK: Diet or Regular?
TATAY: Regular.
ANAK: Bote or in can?
TATAY: Bote.
ANAK: 8 oz or litro?
TATAY:(nagalit)Tubig na lng nga!
ANAK: Mineral or distilled?
TATAY: Mineral.
ANAK: Malamig o hindi?
TATAY: Hahampasin na kita ng walis, eh.
ANAK: Tambo o tingting?
TATAY: Hayop ka!
ANAK: Baka o kambing?
***
#95
Sa Hospital.
Doc: Iha, mukhang pumapayat ka at hinang hina pa. Sinunod mo ba
advice ko na 3 meals a day?
Girl: Diyos ko! 3 meals a day ba? Akala ko 3 males a day eh!!!
***
#96
PEDRO: Sikat na talaga si Pacquiao.
JUAN: Bakit naman?
PEDRO: Bumili kasi ako ng bagong fone, may option na send to many.
JUAN: Ang tanga nito, matagal na kaya yan. Hindi naman nagrereply
yan eh.
***
#97
PROFESSOR: Sino sa inyo ang nakaexperience having sex with ghosts?
...tinaas ni Juan ang kanyang kamay...
PROFESSOR: Really? Ano ang feeling having sex with ghosts?
JUAN: Ay putcha!!! akala ko GOATS!!!
***
#98
Naiwan sa classroom ang dalawang estudyante...
BOY: Wala na yung classmates natin. Tayo na lang dalawa rito. Ano,
tara?
GIRL: Anong tara?
BOY: Sus, ano ba 'yan?! Bilisan mo na!
GIRL: Ahh, ganu'n? Bakit dito? Sige na nga! (nagmamadaling naghubad)
Tara na...
BOY: Bakit ka naghubad? Tara, uwi na rin tayo, tanga!
***
#99
Nagbalatkayo si misis para takutin ang asawang lasing...
MISTER: Shino ka?
MISIS: Ako si satanas! Kukunin na kita!
MISTER: Wag mo ko takutin! Asawa ko kapatid mo!
***
#100
PEDRO: Pangarap ko po na KUMITA ng $20,000, tulad ng TATAY ko!
TITSER: Wow! $20,000 ang suweldo ng tatay mo?
PEDRO: Hindi po! yun din PANGARAP nya!
***