Kasunod ng Rebolusyong EDSA ng 1986 na nagpatalsik kay Ferdinand Marcos at kasunod ng kaniyang pasinaya, ipinahayag ni Aquino ang Proklamasyon Blg. 3 noong Marso 1986 na nagdedeklara ng pambansang patakaran upang ipatupad ang mga repormang ipinanukala ng mga tao, mangangalaga ng kanilang mga pangunahing karapatan, pagtanggap ng isang pansamantalang saligang batas at pagbibigay ng maayos na salin sa isang pamahalaang nasa ilalim ng bagong saligang batas. Proklamasyon Blg. 9 na lumilikha ng isang komisyong konstitusyonal (na pinaikling "Con-Com") upang ibalangkas ang isang bagong saligang batas na magpapalit sa Saligang Batas ng 1973 na ipinatupad noong panahon ng batas militar sa ilalim ng rehimeng Marcos.