[katoliko] Mga pagbasa sa araw ng Pasko Dec 25

16 views
Skip to first unread message

Eric Piczon

unread,
Dec 27, 2007, 4:49:41 AM12/27/07
to kato...@yahoogroups.com


Hello groupmates!

Sa araw ng Pasko, tatlo ang mga pagbasa natin tulad ng na ishare ko last December 2005:

  • Vigil:  Mat 1:1-25 showing Christ's geneaology na gumagamit ng number 14, dahil ang letters ng pangalan na David sa Aramaic, pag tinranslate sa numbers ay nagto-total ng 14. tatlong letters para sa tatlong groupings ng mga generations (Abraham to David, David  hanggang sa Babylonian captivity, mula sa Babylonian captivity hanggang sa Messias)
  • Midnight: Luke 2:1-14 Ginamit ni St. Luke ang "fulfilled" ng walong beses sa Chapter 1 at 2. Pinapakita na ang panahon ng pag-iintay ay magtatapos sa pagdating ng Messiah.
  • Dawn: Luke 2:15-20 Nang makita ng mga shepherds si Jesus sa sabsaban, naintindihan nila ng mga sinabi tungkol sa Bata.(naalala ko ulit ang mga role ng mga maliit sa lipunan natin, na pinili ng Diyos na unang makakita sa Kanya. Tulad na lang siguro ng mga role ng mga simpleng mga Hobbits (lalo na si Frodo) sa Lord of the Rings sa paggawa ng malaking katungkulan.
  • Day: Showing God's plan for our salvation. The Word became flesh, and dwelt among us para tayo ay maging anak ng Diyos.

Share ko lang ang mga sharing namin ni Dwen last 2005/2006 about sa Gospel for Dec 28.


////////////////////////////////////////////////////////////////
Hello Groupmates!
Tamang tama at nakikinig ako sa series na Priest for Life sa EWTN
 
Dec 28th Holy Innocents
*1St Reading: Ang pagkakapanganak kay Jesus ay pagtawag sa atin na mabuhay sa Liwanag at hindi sa dilim.
*Resp Psalm: Pagkakaligtas ng mga bata kay Herod.
*Gospel ay tungkol sa pagpatay ng mga Holy innocents ang kaganapan ng sinabi ni Jeremiah nasa sa lugar ng pinaglibingan ni Rachel, sa Ramah ay magdadalamhati.
 
 
****************
 
Sinasabi sa Catechism of the Catholic Church:
 
"2319 Every human life, from the moment of conception until death, is sacred because the human person has been willed for its own sake in the image and likeness of the living and holy God."

Mali ang pumatay ng bata sa loob at labas ng sinapupunan ng ina. Sa ganitong usapan, sasabihin ng mga pro-choice(naniniwala na ang pag-aabort ay nasa desisyon ng ina) na ang issue na ito ay base lang sa religious belief.
 
Parang nagiging mali lang ang  pagpatay depende sa kung nasaan ang batang pinapatay: Nasa loob ba o nasa labas ng ina? Nakasalalay din para sa kanila ang kamalian, kung ang pinapatay nila ay maitatrato na nilang tao o hindi. Pero kung di sila sigurado na tao nga, bakit pa nila ito tinutuloy?Ang paniniwala kasi ng iba ay kung ang bata ay naipanganak na, duon sila dapat na maprotektahan. Ngunit nakakalungkot isipin na para masagot nila ang kamalian na ito, sinasabi pa nila na  hindi lahat ng buhay ay magkakasing-halaga. Pero ang buhay ba ng tao ay mas mahalaga sa ika-7 buwan kaysa sa ika-6 na buwan ng pagbubuntis?mas dapat bang proteksyunan ang bagong panganak o ang fetus? Parang tinatanong natin na masa maganda bang labanan ang abortion o payagan ang pagpatay ng mga bata!
 
 
Sa panahon natin, may mga institusyon na pumapatay maski ang bata ay nasa labas ng ina. Halimbawa na lang ay ang nangyari sa Indiana, USA sa batang may sakit ng Down Syndrome. Si Baby Doe ay may digestive problem na pwede sanang malunasan. Ang nangyari ay di ginusto ng mga magulang na magkaroon ng retarded  na bata at ang nangangalaga ay nasabihan na huwag pakainin ang bata hanggang sa namatay ang bata sa gutom ng may dugo na lumalabas sa bibig.
 
Masasabi ba natin na marami na tayong pinoproblema sa buhay at di na kailangang madagdagan pa para sa issue na ito? Para na din nating sinabi na hindi masamang alisan ng buhay ang mga bata. Dapat nating iparating sa mga inang nag-iisip na gumawa nito na kakampi nila tayo. Na gusto natin silang maging malaya at nang sila ay matulungan. Iniisip natin ang kapakanan ng ina. Hindi natin kinakalaban ang mga ina na nagpa-abort, inaanyayahan natin sila sa Awa at pagpapatawad ng Diyos. Hindi tayo laban sa kanilang pagdedesisyon pero laban sa pagpatay ng mga bata.  
 
Sino tayo para maki-alam? Tayo ay naglalayon na tumulong sa kapwa tao. Dapat nating ipaalam sa kanila ang maraming alternatibo.Si Jesus ay nagdaan din sa proseso ito bago Siya ipanganak. Kaya nga puwede nating sabihin na pwede " we can worship the unborn Jesus".
 
"In the Announciation, Mary was troubled with angel's greetings but did God's will. Pray for those who are troubled with their pregnancy  to trust in God's will. "
 
kumuha ng notes sa Priest for life series (Episode 5 and 6) sa EWTN
eric
 
 ///////////////////////////////////////////////////
Sister Dwen wrote:


 

Dec 28 , 2005 (Mt. 2: 13-18 )
 Tumakas Sila Papuntang Egipto
 13Nang sila ay nakauwi na, nangyari na ang isang anghel ng Panginoon ay nagpakita kay Jose sa isang panaginip. Sinabi ng anghel: Bumangon ka, dalhin mo ang bata at ang kaniyang ina. Tumakas kayo papuntang Egipto sapagkat ipahahanap na ni Herodes ang bata upang patayin. Manatili kayo roon hanggang sa sabihin ko sa iyo.
 14Bumangon siya at sa kinagabihan, dinala niya ang bata at ang ina nito papuntang Egipto. 15Nanatili sila roon hanggang sa pagkamatay ni Herodes. Ito ay upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi: Tinawag ko ang aking anak mula sa Egipto.
     16Nang magkagayon, nakita ni Herodes na nalinlang siya ng mga lalaking pantas. Labis siyang nagalit at nag-utos siya na patayin ang lahat ng mga batang lalaki sa Bethlehem at sa buong palibot nito. Ang mga batang ipinapatay ay mula sa gulang na dalawang taon pababa, batay sa panahon na maingat niyang tinanong sa mga lalaking pantas. 17Nang magkagayon, natupad ang sinabi ng propetang Jeremias, na sinasabi:
    
18Isang tinig ang narinig sa Rama. Panaghoy, pananangis at pagdadalamhati. Tinatangisan ni Rachel ang kaniyang mga anak. Hindi niya ibig na maaliw sapagkat sila ay wala na.
 
SHARING
Ang daming buhay ng bata ang nasayang. Kay daming ina na tumangis na wala man lang makapigil sa kanilang matinding hinagpis. Napakabigat na krimen ang nagawa ni Herodes. Bukod sa inagawan niyang saya na mga ina, matinding kasalanan ito sa harap ng Panginooon. Sa kasalukuyan, hindi na mabilang ang mga bansa ngayon na may population implosion. Sa isang salita, may krisis sa underpopulation. Gawa ito ng paniniil ng buhay ng mga inosenteng buhay sa aborsyon at mga kontrasepsyon. Sa Rusya lang, hinihimok ang mga mamamayan na magkaanak ng marami dahil daw nangangamba sila na balang araw, maubos ang lahi nila. Sa Singapore naman, nag-iisponsor na sila ng matchmaker service para ibalik ang wastong dami ng kanilang populasyon. Ganundin sa mga bansa na dating booming sa populasyon, bumaba na ang fertility rate tulad sa India, sa Mexico, sa China, at dito sa ating bansa. Hihintayin pa ba natin na pagsisihan din natin sa huli ang desisyon nating ikontrol sa artipisyal na paraan ang handog ng buhay ng Diyos? Tama nga bang gawin pang batas ang paglimita ng dami ng anak? Sana ang dahilan, hindi tulad kay Herodes na kasakiman sa posisyon at katigasan ng loob sa Diyos. Hindi ba ang mas mainam na tawaging pagpaplano ng pamilya at pagkalinga sa kinabukasan ay yung palakihin ang mga anak na may banal na takot sa Diyos, na may pagmamahal sa kapwa, sa bayan, at sa paggawa? Kung ang bawat isa sa atin matanim ang may ganitong katangian, tiyak na babalik ang kaunlaran ng ating bansa. Ang bansang pinili ng Diyos. Kaya’t totoo nga bang kailangang siilin pa ang buhay na napakagandang handog ng Diyos? Amen
God bless Us !!!



www.ewtn.com,www.catholicexchange.com/css,www.newadvent.com
www.salvationhistory.com,www.catholic.com,www.geocities.com/eric_piczon
www.scripturecatholic.com
"Bravos Indios"


Never miss a thing. Make Yahoo your homepage.

__._,_.___
Visit our Katoliko Geocities Homepage www.geocities.com/katolikogroup
Katoliko Group 360 Yahoo Page http://blog.360.yahoo.com/katolikogroup
and our Katoliko Group Youtube http://youtube.com/katolikogroup
Recent Activity
Visit Your Group
Moderator Central

An online resource

for moderators

of Yahoo! Groups.

Popular Y! Groups

Is your group one?

Check it out and

see.

Health & Fitness

on Yahoo! Groups

Useful info for the

health conscious.

.

__,_._,___
Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages