June 11, 2007
CORPUS CHRISTI
CORPUS CHRISTI Isa ito sa mga tanong ng mga kapatid natin na hindi
KATOLIKO. Sa sandali ng konsegrasion ng pari ang Ostia, at sambitin
nya ang salitang "ito ang aking katawan", ang Ostia ay nagiging
tunay na katawan ni Kristo, gayon din sa alak, kapag itinaas ang
copa at bangitin ang "ito ang aking dugo", ang alak sa copa ay
nagiging tunay na dugo ni Kristo ang Misa ay pag aalay ng Diyos ng
katawan at dugo na iyan sa anyong ostia at alak. Ang doktrinang ito
ay binase sa mga salita ng huling hapunan ni Kristo, "ito ang aking
katawan, ito ang aking dugo" (Matthew 26:26-28) na dapat intindihin
ng mabuti, napakalinaw ng ebanghelyo ni san Pablo na dapat itong
intindihin sa patalinghagang kahulugan (Figurative meaning)
Pagkatapos sa huling hapunan sa Luke 22:14-17 ang sinabi ni Jesus sa
verse 18 ay "Sinasabi ko sa inyo na mula ngayo'y hindi na ako iinom
nitong katas ng ubas hangga't di dumarating ang kaharian ng Diyos."
Ang alak , matapos niyang sabihin na "ito ang aking dugo" ay alak
pa rin, dapat sana ang sinabi nya "mula ngayo'y hindi ako iinom ng
dugong ito hanggang hindi dumarating ang kaharian ng Diyos" kung
literal ang gusto nya. Gayun din si San Pablo sa 1 Corrithians 11:25-
26 " Ang sinumang kumakain ng tinapay at umiinom ng saro ng
Panginoon nang di nararapat ay nagkakasala sa katawan at dugo ng
Panginoon, kaya dapat siyasatin ng tao ang kanyang sarili bago
kumain ng tinapay at uminom ng saro". Dapat sana sinabi
niyang "Siyasatin ng tao ang kanyang sarili bago kumain at uminom ng
dugo ng Panginoon." Kapag literal ang pagkaka intindi sa mga salita
ni Kristo sa huling hapunan, ang pagkain ng literal sa katawan at
pag inom ng tunay na dugo ay kadibalismo, sapagkat ang kanibalismo
ay pagkain ng laman ng tao. Nang sabihin ng Panginoon ang "gawin
ninyo ito bilang pag aalala sa akin" ang tinutukoy hindi magic na
pagbabago sa alak at katawan, kundi ang kahanga hangang pagkamatay
ng ating AMA sa krus at ang kabutihan nito sa sanlibutan, ang alak
at tinapay ay magpapaalala lamang sa katawan at dugo at hindi tunay
na katawan at dugo. Kapag nagpakita ka ng litrato ng girlfriend mo
sa isang kaibigan (katulad ng isa dyan na nakita ang poster ni
Bernadette Sembrano) at sinabi mong "ito ang aking girlfriend"
napakadaling intindihin na hindi ang papel ang girlfriend mo. Gayun
din dapat na intindihin natin ang ITO ANG AKING KATAWAN. Sinabi ni
Kristo na sya ang pintuan (John 10:7) at hindi niya ibig sabihin na
literal na may kandado at bisagra. Sinabi niya, "Ako ang puno ng
ubas, kayo ang mga sanga" pero walang umintidi dito na si Kristo ay
isang baging. Sinabi niya, Hwag kayong magtaka sa sinabi ko sa
inyo, "Lahat ay kailangang ipanganak na muli" ang tinutukoy niya ay
spiritual na kapanganakan, sinabi nya, Kayo'y asin sa sanlibutan"
at "Kayo'y ilaw ng sanlibutan" walang isa man ang inintindi nang
literal. Kapag ang konsegra ang puting apa, ito ay tinatawag na
ostia, ito ngayon ang niluluhuran at sinasamba bilang Diyos, sa
ating Katoliko. Pero ang doktrina ng pagbabago ng tinapay sa katawan
ni Kristo ay mali, ang ostia ay walang pinag kaiba sa ordinaryong
tinapay, kung wala pala doon ang espiritu at pagka Diyos ni Kristo
ito ay "idolatry". Ang misa ay tinatag ni Kristo sa huling
hapunan,kung gayon ang tawag noong araw dito ay hindi "misa"
kundi "Banal na Hapunan" sa 1 Corrinthians 11:20 o "Hapunan ng
Panginoon" Sa John 6 ( buong chapter, katulad ng Oral Presentation
ni Eric) matatagpuan natin ang kasagutan kung ang Eukaristiya ba ay
simbolo o tunay na katawan ni Kristo. Sa gusto siyang gawing hari ng
mga tao para hindi sa kailangan magtrabaho. Sa verses 1-15, pinakain
ni Kristo ang limang libo at sa verses 14-15 gusto siyang gawing
hari ng mga tao para para hindi na kailangang magtrabaho. Nang
Makita ng tao ang kababalaghang ginawa n Jesus, sinabi nila "Tunay
nga na ito na propetang paririto sa sanlibutan" Nahalata ni Jesus na
lalapit ang mga tao at pilit siyang kukunin upang gawing hari, kaya
muli siyang umalis na mag isa patungo sa kabuluran. Sa verses 16-21
lumakad si Jesus sa tubig patungo sa bangka ng mga alagad at sa
verses 22-24 hinanap ng mga tao si Kristo. Iyan ang pagbungad sa
pagtalakay ni San Juan sa Eukaristiya. Ito ay pagkain na nagbibigay
ng buhay na walang haggan. Idadagdag ko lang sa Oral Presentaion ni
Eric ito,… (kung mamarapatin lang sana) Sinasabi ko sa inyo ang
nananalig sa akin ay may buhay na walang hanggan. Ako ang pagkaing
nagbibigay buhay. Kumain ng manna ang inyong ninuno ng sila'y nasa
ilang, gayunma'y namatay sila. Ngunit ang sinumang kumain ng
pagkaing bumaba mula sa langit ay hindi mamamatay. Ako ang pagkaing
nagbibigay buhay at bumaba mula sa langit. Mabubuhay magpakailanman
ang sinumang kumain nito. AT NANG PAGKAIN IBIBIGAY KO SA IKABUBUHAY
NG SANLIBUTAN AY ANG AKING LAMAN. Dahil dito nagtalo talo ang mga
Judio "Paanong maibibigay sa atin ng taong ito ang kanyang laman
upang kainin natin? Tanong nila. Kaya't sinabi ni Jesus. Tandaan
ninyo: maliban na kanin ninyo ang laman ng Anak ng Tao at inumin ang
kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay. Ang kumakain ng aking
laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at
muli ko siyang bubuhayin sa huling araw, sapagkat ang aking laman ay
tunay na pagkain at ang aking dugo ay tunay na inumin. Ang kumakain
ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananahan sa akin at ako
sa kanya (John 6:47-56). Narinig ito ng kanyang alagad at marami sa
kanila ang nagsabi, "Mabigat na pananalita ito, sino ang
makakatangap nito? Tungkol dito, kaya't sinabi niya, Dahil ba rito'y
tatalikuran na ninyo ako? Gaano pa kaya kung Makita ninyong umakyat
ang Anak ng tao sa dati niyang kinaroroonan?" (John 6:60-62). "Mula
noo'y marami sa kanyang mga alagad ang tumalikod at hindi na sumama
sa kanya. Kaya't tinnanong ni Jesus ang labindalawa din ba ninyong
umalis? Sumagot si Simon Pedro, Panginoon, kanino po kami pupunta?
Nasa inyo ang mga salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan.
Naniniwala kami at ngayo'y natitiyaknming kayo ang Banal na Diyos".
(Joh 6:66-69) Ayon sa Ebanghelo ni San Juan ang doktrina ng "real
presence" ay ang sa salita ni Kristo. Ang nagsasabing siya'y
Kristiyano, pero di matangap ang aral na ito ay maitutulad sa mga
disipulong tumalikod nang marinig ang aral na ito. Hindi nila
matatangap ang literal na ibig sabihin ng aral. Hindi nga naman ito
mapapatunayan sa Chemistry at Physics. (wala pa ang pagtalakay mula
sa CCC, at sa KATESISMO PARA SA MGA PILIPINONG KATOLIKO
salamat sa Sharing Dwen tungkol sa Corpus Christi!
Marami ngang tanong ang mga katoliko at pati mga di katoliko tungkol sa Eukaristiya...Di maitatanggi, sa Bibliya at sa Sagradong Tradisyon:
Q. Paniniwala ng marami sa di katoliko na ang sinasabi daw San Pablo ay dapat itong intindihin sa patalinghagang kahulugan.
A mababasa sa 1 Cor. 11:27-29 na ang sinumang tumatanggap sa Eukaristya nang di nararapat ay nagkakasala mismo sa katawan at
dugo ni Kristo at tumatanggap ng hatol.
Q Sa Luke 22:14-17 ang sinabi ni Jesus sa
verse 18 ay "Sinasabi ko sa inyo na mula ngayo'y hindi na ako iinom
nitong katas ng ubas hangga't di dumarating ang kaharian ng Diyos.". Bakit salitang "alak" pa din ang ginamit ni Jesus?
A. Pati si San Pablo ay gumagamit din ng mga salitang tipay at alak para sa Katawan at Dugo ni Jesus kahit na naipakita natin na tunay na siyang naniniwala na ang Eukaristiya ay ang tunay na katawan at dugo ni Jesus.
Q ITO ANG AKING KATAWAN. Sinabi ni
Kristo na sya ang pintuan (John 10:7) at hindi niya ibig sabihin na
literal na may kandado at bisagra. Sinabi niya, "Ako ang puno ng
ubas, kayo ang mga sanga" pero walang umintidi dito na si Kristo ay
isang
baging. Sinabi niya, Hwag kayong magtaka sa sinabi ko sa
inyo, "Lahat ay kailangang ipanganak na muli" ang tinutukoy niya ay
spiritual na kapanganakan, sinabi nya, Kayo'y asin sa sanlibutan".
May mga patilanghaga o di literal na paghahambing si Jesus sa ibang mga bagay. May mababasa din naman kung saan ay itinatama ni Jesus ang literal na pagkakaintindi ng kanyang mga alagad tulad ng nasa Matt. 16:12. Dito, nilinaw ni Jesus na hindi literal na tinapay ang sinasabi niya. Sa John 4:31-34 na inakala ng mga alagad niya na may nauna nang nagdala ng pagkain kay Jesus dahil sinabi Niya na mayroon na Siyang pagkain. Pero nilinaw ni Jesus na hindi literal ang Kanyang tinutukoy sa ilang mga bagay na iyon.
Iba ang nangyari sa Juan 6. Ginamit ni Jesus ang salitang "phago" o "kainin" at naintindihan ito ng mga nakikinig bilang literal na pananalita. Pinagtibay pa ito ni Jesus
sa paggamit naman ng salitang "trogo" o "nguyain" hanggang sa umalis ang malaking bahagi ng Kanyang mga alagad dahil sa naiitindihan nila ang Literal na mensahe ni Jesus.
Tunay na ang Real Presence sa Eukaristiya ay ang Katawan, Dugo, at Pagka-Diyos ni Jesus!
your groupmate,
eric
www.ewtn.com,www.catholicexchange.com/css,www.newadvent.com
www.salvationhistory.com,www.catholic.com,www.geocities.com/eric_piczon
www.scripturecatholic.com
"Bravos Indios"
Show your style in
Messenger & more.