[katoliko] USAPIN PAGIGING DIYOS NI HESUKRISTO

21 views
Skip to first unread message

Thess Lumaque

unread,
Jul 29, 2007, 5:27:43 AM7/29/07
to KATOLIKO, UE, rusell Riosa

 
Hello groupmtaes,
 
Isa ito sa pinakikingan namin dito, naina upload naman ni Eric, at isa ito sa Faorite nya  kaya napapakingan pa natin ito, medyo napahaba nga lang, salamat po
 
God bless
dwen
 
July 29, 2007
 
KATEKS
846 VERITAS, RADYONG TOTOO
2PM MANILA TIME
 
USAPIN PAGIGING DIYOS NI HESUKRISTO
 
Totoo po bang ang Panginoong Hesus ay hindi Diyos? Sa ating mga kapatid na di katoliko, ito ang kanilang tanong.
 
Sa 1st John 4:2-3,

1 Juan 4:2-3 (Ang Salita ng Diyos)

2Sa ganitong paraan ninyo malalaman ang Espiritu ng Diyos: Ang bawat espiritung kumikilala na si Jesucristo ay nagkatawang tao sa kaniyang pagparito ay mula sa Diyos. 3Ang bawat espiritung hindi kumikilala na si Jesucristo ay nagkatawang tao sa kaniyang pagparito ay hindi mula sa Diyos. Ito ang espiritu ng anticristo na narinig ninyong darating at narito na nga sila ngayon sa sanlibutan.
 2John 1: 7-8

2 Juan 1:7-8 (Ang Salita ng Diyos)

7Maraming manlilinlang ang narito na sa sanlibutan. Sila yaong mga ayaw kumilala na si Jesucristo ay nagkatawang-tao. Ang ganitong tao ay isang mandaraya at anticristo. 8Ingatan ninyo ang inyong sarili upang huwag mawala sa atin ang mga bagay na ating pinagpagalan kundi matanggap natin ang buong gantimpala.
 
May kapahayagan dito, si JESUS ay naging tao, ibig sabihin po nito, may katatayuan si Jesus dito, at yan po ay nasa Filipos 2:6-11

Mga Taga-Filipos 2:6-11 (Ang Salita ng Diyos)

6Bagaman siya ay nasa anyong Diyos, hindi niya itinuring na kailangang pakahawakan ang kaniyang pagiging kapantay ng Diyos. 7Bagkus ginawa niyang walang kabuluhan ang kaniyang sarili at tinanggap niya ang anyo ng isang alipin at nakitulad sa tao. 8Yamang siya ay nasumpungan sa anyong tao, siya ay nagpakumbaba at naging masunurin hanggang sa kamatayan, maging sa kamatayan sa krus. 9Kaya nga, siya naman ay lubhang itinaas ng Diyos at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan. 10Ito ay upang sa pangalan ni Jesus ay luluhod ang bawat tuhod ng mga nasa langit, ng mga nasa lupa at ng mga nasa ilalim ng lupa. 11Ito ay upang ipahayag ng bawat dila na si Jesucristo ang Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama.
Pag di mo pinahayag na si Jesus, ay naging tao, ikaw ay anti Kristo, ang turo po ng bibliya si Jesus ay naging tao, hindi tao lamang, ano ang unang kalalagayan ngating tagapagligtas noon, maliwanag po ang sinasabi sa Filipos 2:6-11, na kahit sya;y Diyos, at baka naman sabihin nila dito na hindi si Jesus ang pinagtutungkulan, kundi ang Ama,  maliwanag po na sinabi sa salita, “Sya ay nagpakababa at naging masunurin, hangang sa kamatayan sa krus, wala pong iba tinutukoy dito, kundi si KRISTO, 7Bagkus ginawa niyang walang kabuluhan ang kaniyang sarili at tinanggap niya ang anyo ng isang alipin at nakitulad sa tao, ang tinbutukoy po dito bagamatat sya ay Diyos, Malabo na po tao lang, dito sa talata ng Fil 2:9 9Kaya nga, siya naman ay lubhang itinaas ng Diyos at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan. Yan po ang ating aalamin, at tutuklasin natin ito,
 
EXODUS 3:13-15

Exodus 3:13-15 (New International Version)

 13 Moses said to God, "Suppose I go to the Israelites and say to them, 'The God of your fathers has sent me to you,' and they ask me, 'What is his name?' Then what shall I tell them?"
 14 God said to Moses, "I am who I am . [a] This is what you are to say to the Israelites: 'I AM has sent me to you.' "
 15 God also said to Moses, "Say to the Israelites, 'The LORD, [b] the God of your fathers—the God of Abraham, the God of Isaac and the God of Jacob—has sent me to you.' This is my name forever, the name by which I am to be remembered from generation to generation.
 
Sino po an gang tinutukoy dito, sabihin mong sinugo ka ni Ako’y, AKO NGA SI AKO, dun nya pinakita ang sarili nya kay propetang Moises, at ngayon po sa Bagong Tipan, John 8:24-28 at John 8:58-59.

Juan 8:24-28 (Ang Salita ng Diyos)

24Sinasabi ko nga sa inyo na kayo ay mamamatay sa inyong mga kasalanan. Ito ay sapagkat kung hindi kayo sumampalataya na ako nga iyon, mamamatay kayo sa inyong mga kasalanan.
   
 25Sinabi nga nila sa kaniya: Sino ka ba?
   Sinabi ni Jesus sa kanila: Ako yaong sinabi ko sa inyo nang pasimula pa. 26Marami akong mga bagay na sasabihin at ihahatol sa inyo. Siya na nagsugo sa akin ay totoo. Kung ano ang narinig ko mula sa kaniya ay sinasabi ko sa sanlibutan.
   
 27Hindi nila naunawaan na ang sinabi niya sa kanila ay patungkol sa Ama. 28Kaya nga, sinabi ni Jesus sa kanila: Kapag naitaas na ninyo ang Anak ng tao ay saka ninyo makikilala na ako nga siya. Malalaman ninyo na wala akong ginagawa nang sa sarili ko. Subalit kung papaano ako tinuturuan ng Ama ay gayunding sinasabi ko ang mga bagay na ito.

Juan 8:58-59 (Ang Salita ng Diyos)


 58Sinabi ni Jesus sa kanila: Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Bago pa si Abraham ay ako na. 59Dumampot nga sila ng mga bato upang siya ay batuhin ngunit si Jesus ay nagtago. Sa paglabas niya sa templo ay dumaan siya sa kalagitnaan nila sa ganoong paraan.
 
 
Sinabi ng ting Panginoon, na bago pa isinilang si Abraham, AKO AY AKO NA, ano ang reaksyon ng mga tao, dumampot sila ng bato, upang siya’y batuhin, at lumabas na templo, John 10:30-33

Juan 10:30-33 (Ang Salita ng Diyos)

30Ako at ang Ama ay iisa.
   
 31Muli ngang dumampot ng mga bato ang mga Judio upang siya ay batuhin. 32Sinabi sa kanila ni Jesus: Maraming mabubuting gawa ang ipinakita ko sa inyo mula sa aking Ama. Alin sa mga gawang iyon ang dahilan para batuhin ninyo ako?
   
 33Sumagot ang mga Judio sa kaniya na sinasabi: Hindi ka namin binabato dahil sa anumang mabuting gawa kundi dahil sa iyong pamumusong. Ginagawa mong Diyos ang sarili mo, ikaw na isang tao.
Ako at ang AMA ay IISA, ano ang naging rekasyon ng mga Judio, kumuha sila ng bato at babatuhin ang Panginoon, pero humungi ng reason ang Panginoon, bakit nyo ba ako babatuhin? Marami akong pinakitang maraming gawa, ano ba ang mali, sa ginawa ko? Sinagot naman ito ng, Hindi ka naming babatuhin sa mabubuting gawa, kundi sa lapastangan mo sa Diyos, nagpapangap ka na Diyos, gayung tao ka lang,
Yung mga Judio noon, nagpapakilala na si Jesus na Diyos, pero ang reaksyon ng mga tao, babatuhin sya, hindi po tayo naninira, nasa Bibliya ang sagot, ang kapahayagan ng ginawa ni Hesus, ngayon ang tanong katulad ka rin ba ng Judio? Na nagda doubt ka rin ba dito? Ang Panginoon ay nagpakilala AKO ANG DIYOS, ANG AMA AT AKO AY IISA.
Yun pong pagkakalahad na yun ng Panginoon, sa John 5:20

Juan 5:20 (Ang Salita ng Diyos)

20Ito ay sapagkat mahal ng Ama ang Anak at ipinapakita niya sa kaniya ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa. At higit na dakilang mga gawa kaysa sa mga ito ang ipapakita niya sa kaniya upang kayo ay mamangha.
 
Mariin po ang hinihayag dito, tayo daw po ay nasa anak ng Diyos, bigyan po tayo ng pang unawa, upang makilala natin ang tunay na Diyos, at sabi pos a pagkakasunod, at tayo po ay nasa tunay na Diyos, sa kanyang anak na si Hesukristo, at may deklarasyon po dito, ito ang tunay na Diyos, buhay na walang hanggan, maliwanag po na pinakilala na si Hesus ay Diyos, kaya lang sabi ng tao nagpapangap syang Diyos.
“AKO AT ANG AMA AY IISA”
 
Di lamang sa mga Judio nagpakilala si Hesus, sa Mateo 4:7
 

Mateo 4:7 (Ang Salita ng Diyos)

 7Sinabi sa kaniya ni Jesus: Nasusulat din naman:
      Huwag mong subukin ang Panginoon mong Diyos.
Sumagot ang panginoong Hesus, hwag mong subukan ang Panginoon mong Diyos, ang liwanag po nito, doon sa pag aayuno ng 40 days sa bundok, siya po nilapitan ng Diyablo, at sinabi na ibibigay ko say o ang lahat ng karayaan ng mundo, sumagot naming ang Panginoon, nasususlat ,, hwag mong subikin ang Panginoong mong Diyos.
Sa Isias 44:6

Isaiah 44:6 (New International Version)

The LORD, Not Idols
 6 "This is what the LORD says—
       Israel's King and Redeemer, the LORD Almighty:
       I am the first and I am the last;
       apart from me there is no God
 
So maliwanag ako ang simula ako ang wakes, walang ibang Diyos maliban sa akin sa Pahayag 21:6-7

Pahayag 21:6-7 (Ang Salita ng Diyos)

 6At sinabi niya sa akin: Ang lahat ay naganap na. Ako ang Alpha at Omega, ang simula at ang wakas. Ibibigay ko ang tubig ng buhay na walang bayad sa sinumang nauuhaw. 7Ang magtatagumpay ay magmamana ng lahat ng bagay. Ako ay kaniyang magiging Diyos at siya ay magiging anak ko
Maliwanag, ang sabi ng Panginoon, ako ang ALPHA at OMEGA, ANG SIMULA AT ANG WAKAS,
 
Ang Panginoon ay naging tao mula sa kalikasan ng pagiging Diyos. Daang libo bago duamting ang Panginoon, ipinakilala na ni propetang Isaias, bago sya isinilang ni Inang Maria, Isaias 9:6

Isaiah 9:6 (New International Version)

 6 For to us a child is born,
       to us a son is given,
       and the government will be on his shoulders.
       And he will be called
       Wonderful Counselor, [a] Mighty God,
       Everlasting Father, Prince of Peace.
 
Maliwanag ito, na sya ay makapangyarihang Diyos, Prinsipe ng kapayapaan, sya po ay magiging kamangha manghang tagapayo, makapangyarihang Diyos, dito Tito 2:13 ay may pinagtitibay din sa bagong tipan tungkol sa pagka Diyos ng Panginoon,

Kay Tito 2:13 (Ang Salita ng Diyos)

13Mamuhay tayo nang ganito habang hinihintay ang mapagpalang pag-asa at marilag na pagpapakita ng ating dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Jesucristo.
Maliwanag po ito, ating dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Jesucristo.
 
 
GOD bless
dwen
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 


Pinpoint customers who are looking for what you sell.

__._,_.___
Recent Activity
Visit Your Group
SPONSORED LINKS
Yoga Groups

Find Enlightenment

& exchange insights

with other members

Yahoo! 360°

Get Started

Create your page

Share your life

HDTV Support

on Yahoo! Groups

Help with Samsung

HDTVs and devices

.

__,_._,___

Wilberto Piczon

unread,
Jul 30, 2007, 3:14:33 AM7/30/07
to kato...@yahoogroups.com

PagkaDiyos ni Hesus 03 Jul 2005 Re: [katoliko] April 6 , 2006 (Jn 8: 51-59 )

Hello Groupmates!
 
“I will turn their weeping into gladness”, says the Lord, “I will comfort them and give them joy after sorrow.
I will overwhelm my priests with rich food, and my good things will fill my people to overflowing”. Jer 31
 
Salamat sa sharing mo Dwen!
 
Share ko lang ang naisulat ko noong Jul 2005 na related sa Gospel para sa April 6:
 
 
 
Gusto ko lang ishare ang aking natutunan sa Bibliya at
sa Catechism of the Catholic Church (CCC)

>>>>>>>>>>>>>>>>John 8:58,

Tinanong si Hesus kung gaano niya kakilala si Abraham. Sinagot niya
ang mga nagtanong sa kanya

"Talagang-talagang sinsabi ko as inyo bago pa man si
Abraham, ako nga"
"Truly, truly, I say to you, before Abraham was,I Am" na nagpapahayag
na siya si Yahweh "I Am" (Ex.
3:14).

Naintindihan mga nakikinig sa kanya ang ibig sabihin kaya't napatuloy
ang pangyayari at  "So they took up stones to throw at him; but Jesus
hid himself, and went out of the temple" (John 8:59).

Ngunit ano nga ba ang ibig sabihin ng pangalang "I AM
WHO I AM". Ayon sa CCC, ang pangalan ay nagsasabi ng
essence, identity at kahulugan ng buhay ng persona.  At
sa pagpapaalam ng Panginoon ng kanyang pangalan sa
atin, ay ang kaniya ding pagpapakilala ng Kaniyang sarili sa atin. 

>>>>>>>>> "I AM" Ang ibig sabihin ng pangalan  YAWE  o "AKO SIYANG
UMIIRAL", "SIYANG UMIIRAL"

Ang Kanyang pangalan ay misteryoso. Ito ay ang pagpapaalam ng kanyang
pangalan at pagtanggi na mapangalanan, na nagpapahayag na siya ay
walang hanggang higit sa mga bagay na ating maiintindihan o
mababanggit. CCC206

Ang Kanyang pangalan ay nangangahulugan din na kasama siya lagi ng
Kanyang bayan upang iligtas sila (CCC207).

Ang ibig ding sabihin ng  "I AM". Hindi nag iiba ang panginoon. Siya
ay walang umpisa at wala ding katapusan. Ang ibang mga nilalang ay
kung ano sila dahil nakadepende sa Diyos. Siya lang ang siya ng dahil
sa Kanyang sarili.


>>>>>>>>>>>>>Implikasyon ng sagot ni Hesus na "Ako na nga"


Sa aking sariling pananaw, misteryo ang sagot ni Hesus
nang sagutin niya ang mga nagtatanong sa kanya,

"Talagang-talagang sinsabi ko as inyo bago pa man si
Abraham, ako nga
Kaya dumampot sila ng mga baot para ibato sa kanya.
Pero  nagtago so Jesus at umalis sa Templo."

Mapapansin na sinabi ni Hesus ang sagot na "I am" at
hindi "I was" na dapat gamitin kung ang pinag-uusapan
ay ang nakaraan. Pero ginamit ni Hesus ang "I am" na
nagpapahayag ng kung ano siya sa kasalukuyan. Sa
Diyos, walang nakaraan at walang hinaharap. Ang lahat
ay kasalukuyan, at sa pagsagot niya ng ganito,
nakapaloob sa kanyang sagot ang pagpapahayag na siya
ay di saklaw ng oras, na siya ay Diyos.  He was, He is
and He will be. Walang pagbabago sa Panginoon.


>>>>>>>>>>>>>>Sa Misa
Ganon din sa Misa, dahil si Hesus ay Diyos,
ang lahat ng kanyang nagawa, ang kanyang passion,
death and Resurrection ay nagiging pangkasalukuyang
nagaganap.

At tulad ng sinabi ng isang santo, sa Misa
nasa paanan tayo ng Krus. Ang paghahandog na ginawa ni
Hesus sa kanyang Ama sa kalbaryo ay nagaganap sa Misa.
Hindi dahil ito ay inuulit natin, ngunit ang mga
pangyayari na ito ay pumasok sa lahat ng oras, sa nakaraan, ngayon
at sa hinaharap. 

 
"Here is God, our God, here he remains for ever; and for ever he will lead us and guide us"Ps 47
 
eric

www.ewtn.com,www.catholicexchange.com/css,www.newadvent.com
www.salvationhistory.com,www.catholic.com,www.geocities.com/eric_piczon
www.scripturecatholic.com
"Bravos Indios"


Get the Yahoo! toolbar and be alerted to new email wherever you're surfing.

__._,_.___
Y! Messenger

PC-to-PC calls

Call your friends

worldwide - free!

Yahoo! 360°

Start Now

Your place online

Share with friends

Yahoo! Groups

Moderator Central

An online resource

for moderators.

.

__,_._,___

Wilberto Piczon

unread,
Jul 30, 2007, 11:44:25 AM7/30/07
to kato...@yahoogroups.com

hello groupmates!

Para sa mga di nakapakinig ng programa at para sa mga gustong makinig ulit nito, ito ang palabas ng Kateks noong July 29, 2007 na nagpapatotoo sa pagka-DIyos ni Hesus! Sa ibaba  naman nito ay ang link para sa oral presentation project naman na gawa natin na kaugnay ng napakagandang paksang ito. Sana  ay mapakinggan ninyo at makapagbigay kayo ng pananaw.

Maraming salamat!

your groupmate,
eric

kateks072907.wmv

59 min 49 sec - Jul 30, 2007

Extended Version: Si Kristo ay Diyos! Oral Presentation Project ng Katoliko Yahoo Group

1 hr 8 min 5 sec - Dec 5, 2006


Shape Yahoo! in your own image. Join our Network Research Panel today!

Y! Messenger

Instant hello

Chat in real-time

with your friends.

Yahoo! 360°

Get Started

Create your page

Share your life

Yahoo! Groups

Endurance Zone

b/c every athlete

needs an edge.

.

__,_._,___

Wilberto Piczon

unread,
Aug 5, 2007, 12:57:01 AM8/5/07
to kato...@yahoogroups.com

Hello groupmates!
ito ang isa sa tanong ng isa sa mga groupmates sa programang kateks

Ang daming binagong mga batas sa Lumang Tipan sa pagdating sa Bagong Tipan.  Sino ang nagbago noon? Halimbawa,  dati sumpung utos, ngayon dalawa na lang. Pati na din  yung mga bawal non pwede na nagyon tulad ng baboy

Hindi ito nabago, na nangangahulugang inalis nang tuluyan. Pero ito ay nabago ng ituro ni Hesus ang  kaganapan ng mga 10 utos nang dahil na din  kay  Kristo. Mababasa natin sa Catechism of the Catholic Church na  nanduon pa din ang 10 commandments. Ngunit sa Bagong Tipan, nagkaroon ito ng mas malalim na kahulugan. Sabi ni Kristo " I came not to abolish but to fulfill" kaya nga para sa atin, di lang sa literal na pagsunod ang pagtupad sa mga kautusan na mga ito pero ating sinusundan ang pinaka espiritu ng batas na siya namang pinaka buod ay ang dalawang utos ni Kristo,
1)"Mahalin ang Diyos nang buo" at ang
2)"Mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal sa sarili"

Pero may aspeto ng batas kung saan ito ay natanggal na ng tuluyan. Ang mga batas na ito yung mga lumang ritual, mga legal at liturhikal na parte ng dating relihiyon (kabilang na ang di pagkain ng baboy at dugo). Ngunit mananatili ang moral na nilalaman ng batas. Magkakaroon naman ng kaganapan o fulfillment ang mga lumang ritwal sa mas makahulugang at lubos na mas makapangyarihang ritwal tulad ng:

pagtutuli - napalitan ng pagbabautismo
pagsasakripisyo sa Lumang Templo- Sakripisyo sa Misa

Kung baga, ang mga sinusundo sa Lumang Tipan ay nagtuturo ng magaganap sa Bagong Tipan. At ang mga bagay sa Lumang Tipan ay mga anino ng kung ano ang meron sa Bagong Tipan.

Ang mga moral law yun ang di napalitan, mas pinatindi pa nga dahil sa Espiritu mismo ng Diyos ang nasa atin. Ang mga batas na Legal, liturhikal at ritwal ay naibigay ng Diyos para maipakita na di kaya ng tao na maging matuwid sa pamamagitan kanyang gawa lang. Kung baga, di natin kayang pagtrabahuhan ang paging matuwid. Kung gayon, ang mga ito ay ginamit na isang "teaching tool" at bahagi ng pedagogy o paraan ng pagtuturo ng Diyos para makita natin na di natin makakayanan kung ibabase natin ang lahat sa ating mga sariling gawa. Napakaimposible na matupad iyon na sinasabi natin na tanging si Kristo lang ang nakatupad ng lahat ng iyon.
Kaya nga sa Bagong Tipan, nasa Bagong batas tayo ni Kristo, ang Batas ng Grasya na kung sino ang manampalataya sa kanya at sumunod sa abot ng kanyang makakaya  ay maliligtas, di dahil sa gawa natin pero dahil sa kanyang Grasya. At lagi nating tandaan na ang grasya na iyon ang nagpapagalaw sa atin para sundin si Hesus at kung ano ang nagagawa ng mga gawa natin at bunga nito ay dahil lang sa Grasya ng Diyos, ang buhay Banal ng Santatlo (Holy Trinity) sa atin.


Be a better Heartthrob. Get better relationship answers from someone who knows.
Yahoo! Answers - Check it out.

Recent Activity
Visit Your Group
Yahoo! 360°

Get Started

Create your page

Share your life

Y! Messenger

Instant smiles

Share photos while

you IM friends.

Yahoo! Groups

Moderator Central

get help and provide

feedback on Groups.

.

__,_._,___
Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages