ANO ANG DAPAT NATING GAWIN UPANG TAYO AY MALIGTAS?
Pinakamainam sa lahat, ang pangakong buhay na walang hanggan ay “regalo” ng Diyos sa atin (CCC 1727). Ang kapatawaran at kahatulan sa atin ay mga bagay na Diyos lamang ang siyang nagbibigay hindi sa ganang sarili nating kapasiyahan (CCC 2010). Si Jesus ang nagiging tulay natin sa pagkakahiwalay natin sa Diyos dahil sa kasalanan (1 Timoteo 2:5). Siya’y naging tulay natin nang ialay niya ang kanyang sariling buhay para sa atin. Pinili niya tayo upang makasama sa plano niya ng kaligtasan (1 Corinto 3:9)
Itinuturo ng Simbahang Katoliko kung ano ang mga itinuro ng mga alagad at ng Biblia: Ang wika ng mga Bible Christians. Tayo ay naliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya lamang “by faith alone”. Ito ay hindi totoo sapagkat ang pananampalatayang walang kalakip na gawa ay pananampalatayang patay. (Santiago 2:17-26).
Kapag tayo ay lumapit sa Diyos ng may katapatan (iyon ay,
nakipag-ugnayan tayo sa tamang paraan sa Diyos), walang nauuna sa katapatan “justification” maging ang pananampalataya, o mabuting gawa, Itinanim ng Diyos sa ating puso ang kanyang pag-ibig kaya kailangang ipamuhay natin ang ating pananampalataya ng may lakip na pag-ibig (Galacia 6:2).
Ang pagpapadama natin ng pagmamahal sa ating kapwa ay kalugod-lugod sa Diyos at may pabuyang buhay na walang hanggan (Roma 2:6-7, Galacia 6:6-10). “Sa ganitong paraan ang mabuting gawa ay pinapabuyaan”. Nang unang lumapit tayo sa Diyos ng may pananampalataya, wala tayo sa ating mga kamay na maiihandog sa kanya. Binigyan niya tayo ng pag-ibig upang sundin ang kanyang mga kautusan tugkol sa pag-ibig at papabuyaan niya tayo ng kaligtasan kapag ibinalik natin sa kanya ang pag-ibig na ito. (Roma 2:6-11, Galacia 6:6-10, Mateo 25: 34 -40)
Ang wika ni Jesus hindi sapat na manampalataya tayo sa kanya; kailangan din nating sundin ang kanyang mga kautusan. “Bakit mo ako
tatawaging Panginoon, Panginoon kung ‘di mo naman sinusunod ang mga ipinaguutos ko”. (Lucas 6:46, Mateo 7:21-23, 19: 16-21).
Hindi natin nakakamtan ang kaligtasan sa pamamagitan ng mabubuting gawa (Epeso 2: 8-9, Roma 9:16 ) kundi ang pananampalataya natin kay Kristo ang siyang naglalagay sa atin sa natatanging kaugnayan natin sa Diyos na puno ng pag-ibig ng sa ganon ang ating pagiging masunurin at pag-ibig, kalakip ng pananampalataya ay magantimpalaan ng buhay na walang hanggan. (Roma 2:7, Galacia 6: 8-9 )
Ang wika ni Pablo, “Ang Diyos ang nagbibigay sa inyo ng pagnanasa at kakayahang maisagawa ang kanyang kalooban” ( Filipos 2:13 ). Ipinaliwanag ni Juan na “Nakatitiyak tayong nakikilala natin ang Diyos kung sinisunod natin ang kanyang mga utos. Ang nagsasabing, “Nakikilala ko siya,” ngunit sumusuway naman sa kanyang mga utos ay sinungaling, at wala sa kanya ang katotohanan (1 Juan 2:3-4, 3:19-24, 5:3-4).
Walang regalo na maaaring ipagpilitan sa
pinagbibigyan—ang regalo ay maaaring tanggihan—kahit na ito ay sadyang para sa kanya, maaari nating itapon ang regalo ng kaligtasan. Itinatapon natin ito sa pamamagitan ng mabibigat na kasalanan “mortal sin” ( Juan 15: 5 -6, Roma 11: 22 -23, 1 Corinto 15: 1 -2; CCC 1854-1863 ) Sinabi ni Pablo sa atin, “Kamatayan ang kabayaran ng kasalanan” (Roma 6: 23).
Basahin ninyo ang mga sulat na ito at tingnan ninyo kung gaano kalimit na binabalaan ni Pablo ang mga Kristiyano tungkol sa kasalanan! Napilitan siyang gawin ito sapagkat alam niyang ang mga kasalanan ay dahilan upang hindi tayo makapasok sa langit (tingnan natin halimbawa, 1 Corinto 6: 9-10, Galacia 5: 19-21)
Pinaalalahanan ni Pablo ang mga Kristiyano sa Roma na “Ang Diyos ang gaganti sa lahat ng tao ayon sa kanilang gawa. Ang mga nagpapatuloy ng paggawa ng mabuti sa paghahangad ng karangalan, kadakilaan at kawalang kamatayan ay bibigyan niya ng buhay na walang hanggan. Datapwat matinding galit at poot ang
babagsak sa lumilikha ng pagkakabaha-bahagi at ayaw sumunod sa katotohanan kundi sa kalikuan” (Roma 2:6-8 )
Ang kasalanan ay walang iba kundi ang mga masasamang gawa (CCC 1849-1850). Maiiwasan natin ang kasalanan kung uugaliin nating gumawa ng mabuti. Ang bawat banal ay alam nila na ang pinakamabuting gawin upang makaiwas sa mga kasalanan ay ang pagyakap sa regular na pananalangin, ang mga sakramento(ang Eukaristiya, una sa lahat), at mga kawanggawa
Salamat sa sharing na ito bro Prinz!
Ang topic na ito ay minsang nakakalito para sa marami. Sinasabi ng iba na "Di na tayo dapat gumawa ng mabubuti, ginawa na ni Hesus ang lahat para tayo ay maligtas.". Sa article na iyong nai-share, malinaw na kailangan nating sundin palagi ang kalooban ng Diyos
Sasabihin ng iba "Ang gawa ba natin ang nakakapagdala sa atin para maligtas?". Di ganito ang pananaw ng Katolikong Simbahan. Nagawa na ni Hesus ang lahat ng dapat Niyang gampanan para tayo ay maligtas tulad ng pagsabi Niya ng "Natapos na !" Kung ganon, itatanong ng iba, ano ang gagampanan ng ating mga gagawin para sa ating kaligtasan?
PRINZ LUV <for_evr_luvprinz@yahoo.ca> wrote:
ANO ANG DAPAT NATING GAWIN UPANG TAYO AY MALIGTAS?
Pinakamainam sa lahat, ang pangakong buhay na walang hanggan ay “regalo” ng Diyos sa atin (CCC 1727). Ang kapatawaran at kahatulan sa atin ay mga bagay na Diyos lamang ang siyang nagbibigay hindi sa ganang sarili nating kapasiyahan (CCC 2010). Si Jesus ang nagiging tulay natin sa pagkakahiwalay natin sa Diyos dahil sa kasalanan (1 Timoteo 2:5). Siya’y naging tulay natin nang ialay niya ang kanyang sariling buhay para sa atin. Pinili niya tayo upang makasama sa plano niya ng kaligtasan (1 Corinto 3:9)
Itinuturo ng Simbahang Katoliko kung ano ang mga itinuro ng mga alagad at ng Biblia: Ang wika ng mga Bible Christians. Tayo ay naliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya lamang “by faith alone”. Ito ay hindi totoo sapagkat ang pananampalatayang walang kalakip na gawa ay pananampalatayang patay. (Santiago 2:17-26).
Kapag tayo ay lumapit sa Diyos ng may katapatan (iyon ay, nakipag-ugnayan tayo sa tamang paraan sa Diyos), walang nauuna sa katapatan “justification” maging ang pananampalataya, o mabuting gawa, Itinanim ng Diyos sa ating puso ang kanyang pag-ibig kaya kailangang ipamuhay natin ang ating pananampalataya ng may lakip na pag-ibig (Galacia 6:2).
Ang pagpapadama natin ng pagmamahal sa ating kapwa ay kalugod-lugod sa Diyos at may pabuyang buhay na walang hanggan (Roma 2:6-7, Galacia 6:6-10). “Sa ganitong paraan ang mabuting gawa ay pinapabuyaan”. Nang unang lumapit tayo sa Diyos ng may pananampalataya, wala tayo sa ating mga kamay na maiihandog sa kanya. Binigyan niya tayo ng pag-ibig upang sundin ang kanyang mga kautusan tugkol sa pag-ibig at papabuyaan niya tayo ng kaligtasan kapag ibinalik natin sa kanya ang pag-ibig na ito. (Roma 2:6-11, Galacia 6:6-10, Mateo 25: 34 -40)
Ang wika ni Jesus hindi sapat na manampalataya tayo sa kanya; kailangan din nating sundin ang kanyang mga kautusan. “Bakit mo ako tatawaging Panginoon, Panginoon kung ‘di mo naman sinusunod ang mga ipinaguutos ko”. (Lucas 6:46, Mateo 7:21-23, 19: 16-21).
Hindi natin nakakamtan ang kaligtasan sa pamamagitan ng mabubuting gawa (Epeso 2: 8-9, Roma 9:16 ) kundi ang pananampalataya natin kay Kristo ang siyang naglalagay sa atin sa natatanging kaugnayan natin sa Diyos na puno ng pag-ibig ng sa ganon ang ating pagiging masunurin at pag-ibig, kalakip ng pananampalataya ay magantimpalaan ng buhay na walang hanggan. (Roma 2:7, Galacia 6: 8-9 )
Ang wika ni Pablo, “Ang Diyos ang nagbibigay sa inyo ng pagnanasa at kakayahang maisagawa ang kanyang kalooban” ( Filipos 2:13 ). Ipinaliwanag ni Juan na “Nakatitiyak tayong nakikilala natin ang Diyos kung sinisunod natin ang kanyang mga utos. Ang nagsasabing, “Nakikilala ko siya,” ngunit sumusuway naman sa kanyang mga utos ay sinungaling, at wala sa kanya ang katotohanan (1 Juan 2:3-4, 3:19-24, 5:3-4).
Walang regalo na maaaring ipagpilitan sa pinagbibigyan—ang regalo ay maaaring tanggihan—kahit na ito ay sadyang para sa kanya, maaari nating itapon ang regalo ng kaligtasan. Itinatapon natin ito sa pamamagitan ng mabibigat na kasalanan “mortal sin” ( Juan 15: 5 -6, Roma 11: 22 -23, 1 Corinto 15: 1 -2; CCC 1854-1863 ) Sinabi ni Pablo sa atin, “Kamatayan ang kabayaran ng kasalanan” (Roma 6: 23).
Basahin ninyo ang mga sulat na ito at tingnan ninyo kung gaano kalimit na binabalaan ni Pablo ang mga Kristiyano tungkol sa kasalanan! Napilitan siyang gawin ito sapagkat alam niyang ang mga kasalanan ay dahilan upang hindi tayo makapasok sa langit (tingnan natin halimbawa, 1 Corinto 6: 9-10, Galacia 5: 19-21)
Pinaalalahanan ni Pablo ang mga Kristiyano sa Roma na “Ang Diyos ang gaganti sa lahat ng tao ayon sa kanilang gawa. Ang mga nagpapatuloy ng paggawa ng mabuti sa paghahangad ng karangalan, kadakilaan at kawalang kamatayan ay bibigyan niya ng buhay na walang hanggan. Datapwat matinding galit at poot ang babagsak sa lumilikha ng pagkakabaha-bahagi at ayaw sumunod sa katotohanan kundi sa kalikuan” (Roma 2:6-8 )
Ang kasalanan ay walang iba kundi ang mga masasamang gawa (CCC 1849-1850). Maiiwasan natin ang kasalanan kung uugaliin nating gumawa ng mabuti. Ang bawat banal ay alam nila na ang pinakamabuting gawin upang makaiwas sa mga kasalanan ay ang pagyakap sa regular na pananalangin, ang mga sakramento(ang Eukaristiya, una sa lahat), at mga kawanggawaFOR EVR LUVPRINZ FOR EVR LUVPRINZ FOR EVR LUVPRINZ
Looking for the perfect gift? Give the gift of Flickr!
www.ewtn.com,www.catholicexchange.com/css,www.newadvent.com
www.salvationhistory.com,www.catholic.com,www.geocities.com/eric_piczon
www.scripturecatholic.com
"Bravos Indios"
Salamt sa paliwanag Bro Eric,
Kung Minsan kahit tagalog na ang Article mahirap pa ring Intindihin , pano pa kaya kung iniinglis pa ntin ang mga post natin, kaya siguro pinakamaganda kung Iiklian at ssimplehan lng ang mga post ,para sa mga mababaw ang mga pagkakakaintinde at walang time magbasa tulad ko,pagpasensyahan nyo po ako mga kapatid.