JULY 29, 07
BSOA
ANG LIBRO NI JONAS
Ang mga propeta ay may dalawang uri or TYPES
SINAUNANG PROPETA
HULING PROPETA
Ang SINAUNANG PROPETA ay Hindi nagsulat at ito matatagpuan sa mga aklat Joshua, Judges, 2 Samuel (2 Kings) Elias, Elisiah, Nathan, at David.
“”” ang libro ng Samuel ay isang libro lamang na naging dalawa dahil sa pagsasalin sa Greek ganun din ang libro ng Kings. “”’
Ang mga libro na ito, ay matatawag natin na, di nagsulat pero mukhang sikat.
HULING PROPETA ito naman ay yung mga propetang kilala natin, at NAGSULAT, at ito ay dalawang grupo
MAJOR PROPHETS
MINOR PROPHETS
Bakit Major at bakit Minor? Ang Major ay malalaking at mas mahahabang libro, ang Minor naman ay maliliit na libro lamang.
Katulad nila Isaiah, Jeremiah (Jeremias), Ezekiel, sa MAJOR
ito, ang libro na Isaiah ay isang aklat lamang, pero nahahati sa tatlong bahagi
Chapter 1-39 Ang unang Isaiah, ang orihinal na Propeta ang nagsulat nito.
Chapter 40-66 Ito ay ibang Isaiah na ang pinag uusapan natin, pagkatapos ng pagkaka EXCILE ng mga Israelita, and ofcourse ang isang koleksyon ng 12 Dozen minor na propeta, ang Minor ay napagkakasya sa isang balumbon (scroll) noon mahal ang pael, nagtitipid, ang bibliya noon ay 73 na hiwa hiwalay na mga libro (ang dami ano) “imagine” (pahiram ng word Fr Jun Lingad) dadalhin nila ang 73 books,
Minor ::Hosea (Osee): Joel, Amos, Obadiah (Abdias), Jonah (Jonas), Micah (Micheas), Nahum, Habakkuk (Habacuc), Zephaniah (Sophonias), Haggai (Aggeus), Zechariah (Zacharias), Malachi (Malachias)
Ang mga Minor at Major prophets ay nangaral bago mag excile ang mga Esraelita, ang iba naman ay ay pagkatapos ng excile.
May mga propetang nagsulat ay nanunuligsa, karamihan sa kanila ay tinawag na PROPETANG NANUNULIGSA, pagkatapos ng excile, karamihan sa kanila ay naging propeta ng PAG ASA, katuald na lang ni JOB the prophets ng consilation. Kaya sa later part ng Isiah sa 2nd and 3rd part nito, puro pag asa na. ang simula ng pangalawang propeta ay “comfort, comport my people” kasi ang mga ito ay nagdusa sa pagkakatapon.
JONAS sa Hebreo ang ibig sabihin nito ang KALAPATI, or DOVE.
Nagdadala ng kapayapaan, pero siya sinugo ng Panginoon upang magpahayag ng hindi kapayapaan, katulad ng sinabi ni Hesus, “I came here not to bring Peace but sword” na akma kay Jonas. Syay nanakot at nagbibigay ng babala, itong si JONAS ay napakahalaga sa New
testament, dahil bukod tangi lamang ito na ki Quote ni Hesus “Special” katulad sa
Mateo 12:40 (Ang Salita ng Diyos)
40Ito ay sapagkat kung paanong si Jonas ay nasa loob ng tiyan ng balyena sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi, gayundin naman ang Anak ng Tao. Siya ay pupunta sa kailaliman ng lupa sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi.
Parang naging talinhaga si Jonas, para sa pang unawa natin na lagi ang Panginoon sa kalagayan ng kamatayan bago nabuhay na mag uli sa
Mateo 16:4 (Ang Salita ng
Diyos)
4Ang mga tao sa panahong ito ay masama at mapangalunya. Mahigpit silang naghahangad ng isang tanda. Ngunit walang ibibigay na tanda sa kanila kundi ang tanda ni propeta Jonas. Umalis si Jesus at iniwan sila.
Naalala ba natin na naghahanap ng Tanda ang mga tao, sabi ng Panginoon.. Naku ito’y masamang lahi, ang linaw linaw na ng tanda, naghahanap pa kayo ng iba, walang ibang tanda na ibibigay sa kanila kundi ang tanda ni Jonas. Dahil si Jonas ay namalagi ng talong araw sa tiyan ng balyena, parang ito yung nagiging analogy mula sa Panginoong Hesukisto na namalagi naman ng 3 araw sa libingan, yung paggamit ng Panginoon ay consistent sa pagiging matalinghaga ng aklat na ito.
Kakaiba ito, meron talagang propetang pangalan ay Jonas, marami sa dalubhasa na nagsasabi na ang aklat na ito ay kathang isip lamang, teka ang ibig sabihin ng kathang isip ay hindi totoo, marami sa mga bagay na totoo ay di pinahahayag sa natural na lenguahe or language, kung minsan ito’y ipapahayag sa isang kwento o isang talinhaga at gumagamit ng tunay nbg Historical na character. Sa aklat na ito, di natin kilala ang nagsulat nito, pero definitely di ang propetang Jonas, pero ginagamit nya ang character ni Jonas na binabangit sa ikalawang aklat ng mga hari 14:25, at dyan sa verse ay maririnig natin ang napakaikling description kay Jonas, ayon sa 2kings sya nabuhay at nangaral noong panahon ng Jeroboam, kapanahon sya ni propetang Amos, at Josea, pero asan ang panulat nya? Noong panahon ni Jeroboam, dapat nangaral si Jona sa lugar na Israelita, sa Northern Kingdom, sa Ninie ng asiria sya nangaral, imagine that, alam ninyo ang asiria, ang lugar ay Iraq ngayon, medyo
FANTASTIC sa takbo ng pananaliksi ng manunuri ng banal ng kasulatan, ito ay isang magkahalong Aligoria at talinhaga, ang Aligoria ay isang kwento na gumagamit ng mga persona at di eksakto, may tinutukoy na iba, tulad halimbawa ng meron kang character, napagwawari mo kung sino na yung character, aklat ni JOB, lahat na lang nawala sa kanya, kung ikaw na ang magbabasa nito, sasabihin mo na nasasalamin mo ang sarili mo, nakaka relate ka.
Jonas aligoria, na pamamaraan, malalim na katotohanan ng Israel, Special aklat ng propeta, nagtataglay ng aral, tungkol sa misyon ng propeta, at di lang iisa ang propeta dito, pag sinuri mong mabuti, nabi visualize mo ang bayan ng Israel na nilamon din ng balyena, para bang ang balyena dito ay ang bansang Babylonia, at sinuka sya, ito yung kakaiba, ang alam natin na tradisyon ng propeta ay individual na prophets dito ka lang makaka tagpo at makaka isip ang buong bayan ay tinatawag sa isang
misyon na propetiko, na tayo bilang isang sambayanan, ay tinawag na maging saksi ni Yaheweh, san natin ito naririnig ito, sa Isaiah. Ang bagong pag asa, unti unti nyang pinamulat sa bayan ng Israel na meron silang Misyon, na parang hinirang ng Diyos, naga antay kayo ng darating na Messias, baliktarin natin, kayo ang hinirang ng Diyos na pantubos sa sandaigdigan, (ang galing ng twist ano) naa apply natin ito, sa simbahan, save community pero kaya tayo nililigtas ng Panginoon upang maging kaisa ng kanyang katawan, hindi ba Iglesia ay katawan ni Kristo, ayon kay San Pablo. Kung tayo kabahagi sa katawan ni Kristo, tayo ay kabahagi ng katawan ng manunubos, kaya kaisa tayo sa misyon ng Messiah, ang masa mahalaga ay hindi sa a save community, kundi a saving community. Source ng misyon na yan, hindi pala original sa ating mga Kristiyano, ang mga Judio, ang Isaiah ay 5th Gospel, dahil itong pinaka favorite, sa katerbang mga verse ng Isaiah, lalo na yung
2nd at 3rd part nito, ay punong puno ng mabuting balita, nakakabasa ka na ng Gospel, pero higit sa lahat sa 2nd part nito, ang magiintroduce ng concept isang Israel na may misyon na tumubos, meron isang misyon na hinirang na lingkod ng Diyos, ang lingkod ng Diyos sa apat na tula ng propetang Isaiah, 49,50, 52, 53, ayun yung pinaka sikat ang nagdurusang lingkod, ng Diyos, di lang isa ang tinutukoy dito, kundi ang bayan ng Israel, na dumanas ng sangkaterbang hirap, ngunit hinirang ng Diyos, isang kwento na matalinhaga, pero malalim ang pinahihiwatig o pinapahayag, buhay ng Isarael, sa Isaiah sa chapter 49 ito ay 2nd Servant song, sya (Isisah) ang nagpasimula na ang Israel ay may misyon.
Sa Isaiah 49

Prophet Isaiah
Marami ang tanong ng mga tao dito, ayon sa pangaral ni Isaiah 49 ….
Dito makikita natin ang pangarap ng Israel, at nakita natin ang sagot ng Panginoon, na ang sabi, “ang baba naman ng pangarap mo, samahan mo ako sa pangarap ko, “”Gagawin kitang ilaw ng mga hentil at ikaw ay maghatid ng kaligtasan, sa buong sandaigdiagan”” dati ang tingin ng hentil ay Diyos lang ng Israel, para sa kanila ang Diyos ng Israel ay isa lang ang pinakikialaman, ang Israel lang, galit sya sa ibang bayan, subalit ang lahat ng bayan sa daigdig ay mahala din ng Diyos, sa pamamagitan ng Israel ang liwanag ng kaligtasan TORA ay makaka abot s buong daigidig, ito ngayon ang sinasagisag ni Jonas, kaya si jonas nilamon ng
balyena kasi napa reluctant prophets nya, ganun din ang Israel, ang Panginoon ay may pinagagawa sa kanya, kaya sinabi sa kanya, Jonas, “pumunta ka sa Nineveh at mangaral at magbalik loob sila sa akin” ito ay dayuhang bansa, ito’y mga hentil ito’y mga pagano, ito naming si Jonas ayaw, kaya tinatawag syang ang atubiling propeta, tumakas sya, at nagtago sya,
Part two
Unang aral:
PWEDE MO BANG PAGTAGUAN ANG DIYOS? HINDI sa Psalm 139, hindi po natin pwedeng taksan ang Diyos, God is everywhere, tumutol si Jonas, umiwas tumakas sya sa tawag ng Diyos, pero hwag ka, makulit ang Diyos, kala mo ba di hihirit ang Diyos? Katulad ni Abraham na makulit, nangungulit din ang Diyos, kaya
ano ang nangyari kay Jonas, sya’y sumakay ng barko, para tumakas sa Diyos, anong nangyari sa barko, binagyo tuloy, nabuking tuloy sa barko na sya pala ang sanhi ng lahat ng kamalasan, sa barko na binagyo sa dagat, kaya nung komprontahin sya, umamin sya, sabi nya kaya po buma bagyo kasi po dahil galit po sa akin ang Diyos, kung gusto nyo itapon nyo na lang ako sa dagat kung ako ang sanhi ng kamalasan, yung mga tao, naawa pa sa kanya, natatakot pa silang magka sala, kaya ang ginawa nila, nagpala bunutan sila at tumama pa rin kay Jonas, kaya nung tinapon sya sa dagat, pinalamon sya sa malaking isda, doon sa loob ng isada, doon lang sya nagbulay bulay, doon nya napag wari ang pagkaka mali nya, sa kadiliman ng tiyan ng isda, doon nag isip isip, at nagpawari ni Jonas na bakit nya ba iniwasan ang Panginoon? Bakit di nya pa pagbigyan, tignan mo ang pag iingat ng Panginoon sa kanya, tinapon na sya, na dapat mamatay na sya, pero sinalo pa rin sya ng isda, so
nakikita na ni Jonas, na may pinahihiwatig ang Panginoon.
Tayo din maraming nangyayaring ganyan na sinasalo ka ng Panginoon, tapos di mo na maiiawasan, at doon nga nung nasa tiyan sya ng balyena, at doon sya ay nagdasal, isang napa gandang dasal, Jonas 3-10
Basahin po ninyo ang panalangin ni Jona nung tiyan ng malaking isda, at nais kong hanapin ninyo sa mga aklat ng salmo ang kanyang panalangin, (tip:: gumamit ng bibliyang user friendly na mayroong index cross of references yung bang makikita mo sa paanan ng bibliya, New American Bible) pinag tagni tagni, pinagtahi tahi, ng manunulat ang ibat ibang salmo, yun ang test,,,,
Nagbagong loob si Jonas sa loob ng isda, at inuluwa sya ng balyena sa baybay ng dagat, at pagkaluwa nya, at inulit ng Diyos ang panawagan, Jonas nakiki usap ako pwede bang gawin mo para sa akin na mangaral sa Nineveh, ang aral dito di namimilit ang Diyos, makulit sya pero di namimilit, makulit kundi nag aanyaya, humihingi sya ng kusang loob na pagtugon ngayon tutugon na si Jonas, pupunta na sya sa Nineveh punong lunsod ng Iseria, mangangaral na sya, isang araw na nilakad at sinunod, ang pangaral nya ay isa lang sa loob ng 40days wawasakin ang Nineveh, pero nagulat sya pinakingan sya na convert ang taga Nineveh, nag ayuno sila at kasama pa nila ang hari, gumawa pa ng dikreto, na lahat daw ay mag aayuno at mauupo sa abo, ibig sabihin magpipinitensya, upang sila ay patawarin ni Yahweh, tandaan ninyo ang mga taga Iseria di naman nila Diyos is Yahweh, pero tingnan mo itong ang FANTASTIC STORY, ito ang misyon ng Israel na
pakilala nya si Yahweh, at katauhan ni Jonas. So inuurong ng Panginoon ang parusa, kasi nagbalik loob, nagbago ang taga Nineveh,
ANO ANG ARAL DITO // KAHIT ANG MANGANGARAL PWEDENG MASORPRESA SA TUGON NA TUMATANGAP SA PANGALAN NYA,
Kung minsan nangangaral tayo, ng di kumbinsido, pero bigla kang magugulat sa salita ng Diyos, ito ay kaya nyang baguhin ang kalooban ng tao, kaya ang resulta, binawi ng Diyos ang naka ambang na parusa, di nya na tinuloy, sa Chap 4, nagalit si Jona, nagdamdam si Jona, kaya tumugon si Jonas, at nagsabi ng,, Panginoon kaya nga ayaw kong tumugon nung una ,, alam ko pusong mamon ka Panginoon, kunwari ka pang nanakot ng parusa, yun pala maaawa rin kayo, babawiin na ninyo, ayaw ko na, mas gusto ko pang mamatay na kesa mabuhay, (nakakatawa)
ANO ANG ARAL DITO // NAPAKALAKAS NG ATING AMOR PROPIO DINADAIG PA NATIN ANG DIYOS, PARANG
KATULONG LANG TAYO NAGIGING MAS MALUPIT PA KESA SA AMO, NAGAGALIT PAG NAGPAPATWAD ANG AMO, kaya ano ang ginawa ni Jonas, nag mukmok sya, nag hunger strike sya, protest laban sa pagbabago ng pasya ng Panginoon, gusto nyang ituloy ang parusa sa masamang bayan na ito, kaya ano ang ginawa nya, pumunta sa Hilaga ng lunsod, nagtayo ng kubo, nag antay, para bang dini dare nya ang Panginoon, sige na puknawin nyo na yan, wasakin nyo na yan. Biglang nagpatubo ang Panginoon ng isang baging na upo, at ang nagbigay ng ginhawa it okay Jonas.
ANO ANG ARAL DITO // MAINIT ANG ULO NATIN, GAGAWA ANG PANGINOON PARAAN PARA PALAMIGIN ANG MAIINIT NATING ULO. KAILANGAN LANG NATING MAPAG WARI ANG IBIG NATING MANGYARI.
Kaya kinabukasan ano ang nangyari sa upo, namatay, hinayaang mamatay ng Panginoon, at dumating ang matinding tag init at matinding sikat ng araw, nahilo si Jonas, nagalit sya
ulit, sinumbat sumbat na naman ang Panginoon, mabuti pa mamatay na ako, tapos, magkakaroon ng komprontasyon, tutuligsain na naman sya ng Diyos, sabi ng Diyos, “may dahilan ba para ikaw ay magalit?” sabi ni Jonas, matindi ang galit ko, nakakamamatay na galit.
ANO ANG ARAL DITO // PINAGMAMALASAKITAN MO AT KINABABAHALA ANG PAGMATAY NG ISANG BAGING NA HINDI MO MAN LANG TINANIM O INALAGAAN, AKO WALA BA AKONG KARAPATAN NA MABAHALA AT MAGMALASAKIT PARA SA BAYAN NG NINEVEH NA MAY HIGIT SA ISANG 120, 000 NA WALANG KAMUANG MUANG? HINDI MAN ALAM ANG PAGKAKA IBA NG KALIWANG KAMAY SA KANANG KAMAY IBIG SABIHIN HINDI MASAMANG TAO ANG TAGA NINEVEH, NILALANG KO RIN SILA, PAANO MALALAMAN ANG TAMA AT MALI GAYUN DI PA NILA NARIRINIG ANG TORA, ANG IYONG PATOTOO, ANG MGA TURO KO, MGA ARAL, KAUTUSAN KO, ANG PUNTO MAGTURO KA SA KANILA, WALA AKONG DAHILAN NA ANG MAMAMAYAN NA WALANG KAMUANG MUANG, AT MALAY BA
NILA.