|
ni Carlo Gimena
Si San Jose, na ama ni Jesus, ang aming patron, ang aking paboritong santo. Bakit siya ang paborito kong santo? Wala siyang ginawang kagila-gilalas na bagay. Hindi siya ipinakong nakabaligtad sa krus at wala siyang katungkulan sa Simbahan tulad ni San Pedro. Hindi niya ipinamigay ang lahat ng kanyang ari-arian sa mga dukha, dahil kaunti rin naman ang kanyang yaman, di tulad ni San Francisco ng Asisi. Wala siyang naitatag na kongregasyon tulad ni San Ignacio ng Loyola. Hindi naranasan ang napakasakit na kamatayan na sinapit ng mga martir, tulad ni San Lorenzo Ruiz. Wala siyang naisulat tulad ni Santa Teresa ng Liseux.

Naging santo si San Jose sa pamamagitan ng paggawa ng mga simpleng bagay, mga tila ordinaryong bagay, na ginagawa rin ng mga karaniwang tao. Ano ba ang mga tungkuling inaatas sa kanya ng Panginoon? May tatlong pangunahing naging tungkulin si San Jose, at tungkulin rin ito ng karaniwang lalaki sa ating lipunan na nasa wastong edad. Ito ang pagiging tatay, asawa at manggagawa. Hindi ba halos lahat ng may-asawang lalaki, ito ang tungkulin.
Pag-usapan natin ang una niyang misyon, ang pagiging tatay ng Anak ng Diyos.
May salawikain tayong mga Pinoy, “Kung
ano ang puno, siya ang bunga”. Medyo sinusuportahan ng Sikolohiya ang salawikaing ito, kung iuukol natin sa relasyon ng ama at anak. May mga pagkakataon na kung ano ang tatay, ganoon rin ang anak, at mas nagiging malaki ang impluwensya ng tatay kung katulong siya ng nanay sa pagpapalaki sa mga bata. Maliit ang impluwensy ng mga tatay na laging wala sa bahay.
Tinanggap ni Jose ang kanyang misyon mula sa Panginoon na maging mabuting amain ng Anak ng Diyos. Ating alalahanin na ayon sa turo ng Simbahan, parehong totoong Diyos at totoong tao si Jesus. Bilang isang totoong tao, katulad natin siya sa lahat, maliban sa kasalanan. Bilang isang tunay na tao, dumaan siya sa totoong pagkabata. Dumedede siya ng gatas, naglaro, nadapa, at natuto. Siguradong nakipaglaro si San Jose at ang maliit na batang si Jesus; malamang naghabulan sila, nagkilitian at nagtawanan. Bilang isang bata, kinailangan rin ni Jesus ang tamang disiplina, at siguradong malaki
ang ginampanang papel ni Jose sa pagtatama kay Jesus. Maaring may magtanong, hindi ba, walang kasalanan si Jesus, bakit siya kailangang disiplinahin? Sa pananaw ng moralidad, hindi kasalanan ang pagkakamali na hindi sinasadya, o ang isang maling kilos na ginawa ngunit hindi naman alam ng gumawa ng mali ito. Alalaumbaga, magkaiba ang kahulugan ng kamalian sa kasalanan. Bilang isang bata, maraming nagawa si Jesus na mali, na naitama, dahil sa disiplina ni Jose. Malamang, may mga pagkakataon na umiyak ang batang Jesus sa maling dahilan, kaya may mga pagkakataon na hindi napagbigyan ang umiiyak na batang Jesus. Ayon sa kultura ng kapanahunan noon, malamang napalo si Jesus ng kanyang tatay Jose.
Bukod sa pagdidisiplina, siguradong maraming positibong bagay ang itinuro ni Jose kay Jesus. Siya, kasama ni Maria, ang nagturo kay Jesus ng kasaysayan ng bansang Israel na naglalarawan ng pagliligtas ng Diyos sa kanila. Bilang isang batang lalaki, kailangan
rin ni Jesus ng isang huwarang lalaki, huwaran ng tamang pag-uugali. Dahil diyan, nag-uumapaw ang biyayang binigay sa kanya ng Diyos upang maisabuhay niya ang kanyang mga itinuturo kay Jesus. Alam nating lahat na madaling ituro ang tamang asal, ngunit mahirap gawin ito. Kaya niloob ng Diyos na biyayaan si Jose ng kabutihang loob, at nakiisa naman si Jose kay Yahweh. Dahil dito, modelo rin si Jose ng lahat ng Kristyano, kaya ipinahayagi Papa Juan Pablo II sa kanyang ensiklikal, Redemptus Custos,
“Pakatapos ng Ina ng Diyos, walang ibang biniyaan ng kabanalan tulad ni San Jose. Sa kalinisan ng puso, sa kabanalan ng buhay, sa kababaang loob, pasensya, katatagan sa gitna ng pagsubok, sa pagkamahinahon, at tunay ng pagkalalaki, ipinakita niya sa atin ang perpektong modelo ng tunay na Kristyano.”
Bukod sa pagiging mabuting ama, isang napakabuting asawa rin ni Jose. Ayon sa turo ng Simbahan, nanatiling birhen si Maria sa buong pagsasama nila ni Jose bilang mag-asawa. Nagpapatunay lang ito na higit sa sex ang pagmamahal ni Jose kay Maria. Inibig niya si Maria, kahit na walang pakikipagtalik na nagyari. Higit pa sa pisikal ang kanyang pagmamahal. Tahimik ang Bibliya sa relasyon nila Maria at Jose bilang mag-asawa, pero siyempre, hindi hahayaan ng Diyos Ama na lumaki ang kanyang Anak sa pamilyang bangayan. Siguradong pinalaki ng Ama si Jesus sa isang pamilyang puno ng pagmamahalan upang ihanda siya sa kanyang misyon na ipahayag ang Kaharian ng Diyos.
Sa trabaho naman, malamang isang masipag at matapat ng karpintero si Jose. Siya ang naging guro at modelo ni Jesus. Siya ang nagturo kay Jesus, hindi lang ng mga de kalidad at pulidong trabaho, kundi pati na rin ang tapat na pakikitungo sa kanilang mga kostomer. 3 taon
lang nangaral si Jesus, noong 30 anyos na siya. Mas maraming panahon ang ginugol niya sa paghahanapbuhay. Siguradong si San Jose ang kanyang naging huwaran. Hindi siya yumaman, di tulad ng mga hinahangaan natin na mga succesful sa trabaho. Gayumpaman siya ang pinakadakila sa lahat ng may professionals, dahil siya ang patron ng lahat ng nagtratrabaho.
Salamat sa Diyos, andyan si San Jose na ating huwaran at kasama natin sa ating mga panalangin. Salamat, sa pamamagitan ng naging buhay niya, ipinpaalaala sa atin ng mga ordinaryong daan tungo sa kabanalan. Lalo para sa aming mga tatay, hindi naman talaga naming kailangang gumawa ng mga kamangha-manghang mga bagay. Sapat na ang pagbutihin ang trabaho, ibigin ang asawa nang higit sa pisikal at mahalin at gabayan ang ating mga anak
FOR EVR LUVPRINZ FOR EVR LUVPRINZ FOR EVR LUVPRINZ |