[katoliko] ang nagmamagaling na Soriano

40 views
Skip to first unread message

Dino

unread,
Jun 16, 2006, 8:44:38 AM6/16/06
to kato...@yahoogroups.com

eto si Soriano....kung sa political elections pa...si ELI ay parang nuisance candidate!

 

Ano daw ang Banal na Halik?

Ito napanood ko lang sa TV, intriga lang ako sa sagot ni Eli sa telephone conversation daw nila ng iglesia ni kristo

Tanong ng isa:

        1.

                Eli, ano po ba ang ibig sabihin ng Banal na Halik?

        Sagot ni Eli:

                Alam nyo kasi, nagkasagutan na kami nina Teofilo Ramos nyan
        sa radyo eh, at ng iba pang mga ministro ng Iglesia ni Kristo. Ang sabi ng
        isa ika 'Halik sa Pisngi'. At hayun nagka labolabo na ang mga sagot nila.

        2.

                Eh ano po ba ang ibig sabihin ng Banal na Halik?

        Sagot uli ne Eli:

                Hindi ko maaring sagutin yan sayo on air. Pagka ikaw ay nagpa
        doktrina na, saka ko ibubulong sa iyo.

    Ahahahahahahaha! Ano ba yan eli?! Akala ko ba sa yo makukuha ang sagot?
    Eh bakit ito hindi mo masagot? Bat naman? May halo siguro ng kabadingan ang sagot
    mo ano?!

EXEMTED SA PAGHAHANDOG

October 13, 2000

"Paano ngayon kung wala na ngang ikapu? Dahil nga sa walang wala?"
"Hindi naman maiimpiyerno kung hindi ka maghahandog lalo na kung walang wala ka na nga."
  Di yata't pinuri ng Panginoong Jesus ang babaeng pulubi nang siyay maghandog?

Dapat sana'y pinagsabihan nalang ng Panginoon ang pulubi ng ganito "humayo ka babae, at saka ka nalang maghandog sa Dios kung meron ka nang ikapu."

 

PAANO RAW BIGKASIN ANG
YHWH?


Bakit nga ba hot na hot si Brader Eli Soriano sa ganitong Topic?
Eh kala mo naman alam niya kung pano ito Sambitlain!
Heh, eh talagang kampanteng kampante siya na walang nakakaalam paano to bigkasin ang TETRAGRAMMATON = YHWH.
May pa blackboard epek pa siya ah!

Sumasampalataya siya na tama nga ang Rendisyon ng mga Biblia
na available sa ngayon na YHWH nga ito, at panay ang batikos
nya sa mga Bibliang Katoliko hindi ba?

Paanong maging tama ang YHWH SAMANTALANG WALA NAMANG KATUMBAS ANG LETRANG 'W' SA ALPHABET/WIKA NG MGA Judio?!!!!!!!!

Kita nyo na? Ito ba ang taong may dunong kuno at talino
na nanggaling sa Dios?

SINULAT NGA NIYA SA BLACKBOARD AT KITANG KITA
NG DALAWANG MATA KO NA SINULAT NYA ANG
TETRAGRAMMATON = YHWH.

Eh pano ngang naging tama DAW un ayon kay Eli Soriano, samantalang
wala namang katumbas ang letrang 'W' sa alpabeto/wika ng mga Judio?!!!! Pakisagot lamang po ito mga fans ni Eli.

 

Mga Doctrina ng IGLESIA NI SORIANO


Hindi raw Natayong MUli? Kundi Umugnay lang?

Matibay din ang pangangatwiran ni G. Soriano na ang samahan nila ay hindi bumangon kundi umugnay. Di mali na naman ang nasa himnario 1990, pahina 97, at 100 na mababangon ang dating bayan. Pansinin ninyo ang nilalaman ng himnario, pahina 97: "Ang Iglesia ng Dios lamang, Ang tanging katotohanan, Tinukoy na dating daan, Ang mga hindi kilala, Na mula sa ibang bayan, Ibabangon dating tunay, Sa malayong silangan, Dito ay hinuhulaan, Mababangon dating bayan, Ngayon ibinabandila, Naming inyong kababayan, Sa Pilipinas na bayan." Payo kay G. Soriano, ang kabisahin mong mabuti ay hindi ang pasyon kundi ang himnario mo dahil marami sa mga aral mo ay nilalabanan ng himnariong ginagamit mo. Isa pang nakatatawag ng pansin, kung walang pagtalikod, bakit kailangang ibangon ang dating bayan? Matawagan nawa kayo ng pansin sa mga salungatang ito. Dumating nawa ang panahong sinusumbatan na siya ng kaniyang budhi dahil sa ginagawang mga panloloko sa tao lalo na sa pagpilipit sa mga talata ng Biblia.


Asan ba ang Malayong Silangan? Ayon kay Soriano?

Hindi raw ang Pilipinas ang Malayong Silangan? ngunit napansin ninyo marahil sa kaniyang himnario 1990 pahina 97 na inaamin niyang ang Pilipinas ay nasa malayong silangan. Isa pang nakatatawag ng pansin, kung walang pagtalikod, bakit kailangang ibangon ang dating bayan? Matawagan nawa kayo ng pansin sa mga salungatang ito. Pansinin ninyo, HImnario pa lamang iyan, pano na ngayon kung ang mga Aral na nila mismo ang babanatan? Lalong kahiyahiya ang kalalabasan.

Ano ang dapat iparehistro Eli?

Hindi raw dapat iparehistro ang Iglesia sapagkat nakatala na ito sa Biblia. Ang dapat raw iparehistro ay ang mga kaaninb. Di mali na naman si G. Perez ng iparehistro ang Iglesia at hindi ang mga kaanib? Di dapat ang ipinarehistro ni G. Soriano noong 1993 ay: "Ang Mga Kaanib Sa Bayan Ng Katotohanan, Incorporated."

Ilan ba talaga ang ipinarehistro mo Eli? nakakalito na nga eh, buti pa kaya dahil na rin sa hindi nyo naman pwedeng gamitin ang pangalang 'Iglesia ng Dios kay Kristo Hesus Haligi at Saligan ng katotohanan' dahil sa inihabla kayo ng mayari nito, mas maigi siguro kung iparehistro mo nalang ay ito: Ang mga Kaanib sa Iglesia Ni Soriano o dili kaya'y
Iglesia Ni Soriano.

Bahay ng Dios?

Mali raw na tawaging bahay ng Diyos ang bahay sambahan. Ang bahay daw ng anay ay anay ang gumawa, ang bahay ng gagamba ay gagamba ang gumawa kaya ang bahay ng Diyos, Diyos din ang dapat gumawa? Di bahay ng aso, aso rin ang gumawa? Bahay ng baboy, kalapati etc.. baboy, kalapati etc.. ang gumawa? Di mali ang nasa Isaias 2:2 na ganito ang nakasulat: "At mangyayari sa mga huling araw, na ang bundok ng bahay ng Panginoon ay matatatag sa mga taluktok ng mga bundok at magiging mataas sa mga burol; at lahat ng bansa ay magsisiparoon doon."

Eh halata namang hindi mismo ang Diyos ang tumitira sa Templo o Bahay Dalanginan eh, kundi ang kaniyang Pangalan. Siguro naman ay alam mo iyan Eli. Saan ba patungo ang mga abuloy ng sakop ninyo, kung wala rin namang makikitang proyekto ang inyong samahan? Sa mga bulsa lang ninyo?

Wala daw Tithes?

Tutulungan raw ng kanilang iglesia ang mga naghihirap na mga kaanib nito, at hindi na paghahandugin. Tama ba ito? Nakasulat ba ito sa Banal na Kasulatan? Anong mga talata kung saan sinabi na ang mga naghihirap na mga sumasampalataya ay hindi na dapat maghandog?

Petsa ng Wakas ng Mundo nakalimutan Raw?

Diumano ay hindi raw alam ni Kristo ang petsa ng paghuhukom noong nandito pa siya sa lupa. Ngayon daw nasa langit na siya ay alam na niya ang petsa ng paghuhukom dahil kasama na niya ang Ama sa langit? Anong talata? Diumano ay hindi raw maaring hindi ito sabihin ng Ama kay Kristo? Samakatuwid ang batayan ni G. Soriano ay kathang isip o guni-guni. Di ba sabi ni G. Soriano na si Kristo at ang Ama ay magkasama na sa langit maging sa simula pa lamang ng paglalang? Di alam na ni Kristo noon pa ang petsa ng paghuhukom? Nalimutan ba ng magkatawang tao?!

Dalawa pala ang Dios?

Diumano ay ang Ama ang Diyos sa langit at si Kristo ang Diyos sa lupa. Di ngayong magkasama na sila sa langit ay wala ng Diyos sa lupa? Basta ako stick pa rin sa doctrine of Trinity!

Anong klaseng panloloko ito?


IGLESIA NI SORIANO!!

(New Update)
Nakumpirma ko ito sa isa sa kanilang masugid na tagasunod o miembro nang sabihin at patunayan nya na Dalawa pala ang Diyos ng Iglesia ni Soriano.

So, DALAWA NGA PALA ANG DIYOS NINYO? Bakit nang tanungin sila ay sabi nila Isa lamang ang Diyos nila?

Hindi ba't isang pandaraya ito? Dapat sana, nang tanungin ko siya nang 'Ilan ang Diyos ninyo (Iglesia ni Soriano)' ay dapat Dalawa na kaagad ang sinagot niya, tulad ba ng Saksi Ni Jehovah, dalawa rin ang Diyos nila.

Si Kristo daw ay hindi Tao?

Ang Panginoong Hesus ay tunay na tao at Dios! Kaya't hindi tama ang doktrina nila na si Kristo daw ay hindi tao noh!

Ibig sabihin ay ibig nilang palabasing sinungaling ang mga Apostol at si Kristo mismo? Nakasulat din kaya ang Iglesia ni Soriano sa biblia?

Sino lamang daw ang maliligtas?

Hindi raw itinuturo ni G. Soriano na sila lamang ang tunay at maliligtas. Kasakiman raw ito dahil pinakyaw na raw ang langit kapag sinabing sila lamang ang maliligtas. Malinaw na kasinungalingan na naman ito dahil nakasulat sa kanilang himnario, 1990, pahina 82, ang ganito: "Iglesia ng Diyos lamang ang katotohanan, Sa hula ni Jeremias siyang dating daan, Ang mga di kilala taga-ibang bayan, Sa hula ni Isaias magtatayong tunay." Ganito na nasa pahina 83: "Ang Iglesia ng Dios lamang, Kay Kristo Hesus na tunay, Ang siyang tanging pangalan, Na nasa Bagong Tipan." Huwag ninyong kalilimutan na ang gumawa at nagbalangkas ng himnario ay sina G. Perez at G. Soriano.

O isang panlilinlang nanaman ito hindi ba?

__._,_.___


SPONSORED LINKS
Catholic faith Beyond belief Christianity today
Mere christianity Father corapi


YAHOO! GROUPS LINKS



__,_._,___
Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages