__________________________________________________
Do You Yahoo!?
Tired of spam? Yahoo! Mail has the best spam protection around
http://mail.yahoo.com
Hello groupmates!
Update lang sa paggawa natin ng presentation sa Act. Hinati natin ang presentation sa 6 parts para sa maging magaan ang pagrereport. Sa ngayon, meron ng magrereport ng 1-5, 6-10 at 25-28. Kung makakalibre kayo, sana ay makaparticipate din kayo. Isheshare ko ang updates sa maitutulong ko sa report na pwedeng gawing guidelines o main material sa pagrereport.
Ang daming materials na magagamit kaya nga nilalagyan ko ng schedule ang pag kolekta ko ng mga notes para naman may set goal ako sa dami ng irereport at di sobrang tagal ang pagbuo ng mga ito. Siguro ay kung kakayanin pa ng oras, gagamit din ako ng mga matutunan sa
chapter 10 -12
Sa ika-10
hanggang sa ika-11 na kabanata, Sa inspirasyo ng Espiritu Santo,
pumasok si Pedro sa bahay ng pagano na si Cornelius at nangaral sa
kanya at sa kanyang kasambahay. Bumaba ang Espiritu Santo sa kanila at
sila ay binautismuhan na isang pagpapahayag na ang pagliligtas ni Jesus
ay para sa lahat.
Episode 7
Chapter 13
Sa pagbaba
ng ES, nagbago ang mga nasa upper room. Si Maria na ina ni Jesus ay
naging Ina ng simbahan. At ang simbahan ay nasa pamumuno ni San Pedro
kung saan pinakita niya na ang sinabi kay David ay di para sa kanya
dahil nabulok ang kaniyang katawan pero ito ay patungkol kay Kristo.
Pinagbubuklod tayo ng ES at mga 3000 na tao ang umanib.
Pagpapagaling
ni Pedro ng lumpo at tinawag sila ng Sanhedrin. Duon nagpahayag si
Pedro na walang pangalan ang kanilang pinanliligtas. Sinabihan sila na
huwag mangangaral. Matapos noon, ang lahat ng 12 na apostoles ay
dinakip.At sinabihan sila ulit na huwag nang mangagaral. Pinawalan ulit
sila. Sinabihan ni Gamaliel ang mga Judio na pabayaan sila.
Matapos nito ay pinakita ang pagbabagong loob ni San Pablo. At ang pagiging isang Kristiano ni Cornelius.
Mission sa Antioch na isang misyon para sa mga hentil.
Pagtataguyod ng komunidad sa Antioch.
itutuloy na natin ang chapter 13 -28 na sinasabing libro ni San Pablo.
Sa
puntong ito, makikita ang pangangaral nina Barnabas at Pablo lalo sa
mga kalapit na paganong mga lugar at mapapansin na ang karamihan sa mga
Hentil ay naniwala kay Kristo at ang karamihan sa mga Judio ay di
naniwala kay Kristo.
Ang unang misyon ay sa turkey o asia minor kung saan patungo duon ay nagdaan sila sa 8 na siyudad. Mayroon silang 2 hakbang
Hello Groupmates!
Update ko lang kayo sa notes na ginagawa ko
sa mga materials na meron ako lalo na sa EWTN series ni Fr. Mcbride na
mapapakinggan sa EWTN.
Sa ngayon, ito ang paghahati ng reporting
Christian Community Bible : Catholic Pastoral Edition
An introduction to the New Testament by Fr. Raymond Brown.
_____________________
Nang
dahil dito, lalong nagpakalat ng balita sina Pablo, Barnabas at
kanilang mga kasama tulad nina Timote at Titus at itinaguyod nila ang
mga simbahan sa Tesalonica, Efeso, Corinto, Philippi at iba pa.
Episode 10
Acts 17 ay ang pagpunta sa Athens na sentro ng kultura.
Ang
paglalakbay sa lugar sa Europa na magiging pina unang misyon dito.
Inalam ni San Pablo ang kultura sa Athens. Sinaliksik niya ang iba't
ibang mga shrines sa kanilang mga diyus-diyosan tulad ng isa na para
sa . Nakipag-usap din siya sa mga iba't ibang mga tao tulad ng mga
Epicurians nagsabi na ang sukatan ng isang tao ay ang pleasure na
kanilang nararanasan. Meron din mga stoics na nagprapracitice ng self
mastery. Nang makausap niya ang isang tao, dahil sa paggalang jkay San
Pablo, ay inimbitahn siya sa Ereiphagus kung saan siya ay nagsalita
para sa mga taga Athens sinabi niya na sila ay mga relihiyosong mga
tao, na siya ay nakipag usap sa mga philosophers at gusto nyang
makipag-usap sa kanila tungkol kay Jesus . Nagsalita siya tungkol sa
natural na pagka-uahaw natin sa Diyos. Sinabi niya na si Jesus ay
napako sa krus at nabuhay muli. Ngunit nagpaalam pa din ang mga kausap
ni San Pablo nang may ilang mga naniwala sa kanya. Wala tayong
nalalalaman na sinulat niya sa mga taga-Athens pero nagsulat siya sa
mga taga-Corinto. At mayroon siyang nasulat para sa mga taga-Roma.
Iba
ang nagyari sa mga taga Corinto kung saan ang mga barko ng Asia at
Italya ang nagpupunta duon. Napakaraming mga tao duon na may iba't
ibang mga kultura na tulad ng Tarsus. Kilala ang Corinto na isang Sin
City. At may templo duon ni Aphrodite o Venus na 17 palapag ang taas.
At duon meron ding mga 35 na bars na pupuwedeng pag-inuman o puwedeng
mamababae. at meron ding mga 1000 na mga temple prostitutes na nagkalat
sa templo para sa kanilang pagsamba. Sya ay tumira duo n
ng isa at kalahating taon at nagsulat siya para sa kanila. Maraming
katayan ng karne sa Corinto ng mga karne na inalay sa mga templo.
Tinanong nila kung pwede nilang kainin ang mga karne na iyon dahil baka
magkaron ng kahulugan ng pagsamba sa Diyus-diyusan. Ito din ay dahil
mura ang mga karne na iyon. At sinabi ni Pablo na depende sa sitwasyon
basta di nakaka-iskandalo sa mga nakakakita. Nagtanong din tungkol sa
pag-aasawa ng mga biyuda dahil na din sa paniniwala na malapit na ang
katapusan ng mundo. Sinabi ni Pablo na kung maari ay manatiling walang
asawa para maibigay ng buo ang sarili sa Diyos. at nagamt ang sinabi na
"It is better to marry than to burn." sa Chapter 11 ng Corinto, nanduon
ang problema tungkol sa Eukaristiya. Duon nagsasama an mga mahihirap at
mayayaman ay nagsasama-sama para sa Eukaristiya o sa "breaking of the
bread" at pagkatapos nuon ay nagkakaroon sila ng kainan dala dala ang
kani-kanilang mga pagkain at inumin. Agn mga mahihirap ay kulang sa
pagkain at ang iba ay walang pagkain at di sila nagbibigayan.
Nababalewala ang Eukaristiya. Ang isa pa sa mga nangyari ay ang
pagkilala sa gift of tounges. Sinabi ni San Pablo na sa ganito,
kailangan ay may magkaka-intindi at magsasabi ng mga sinasabi. Sumulat
din siya ng tungkol sa tunay na pag-ibig na mababasa 1 Cor 13. na kahit
mangusap pa siya sa wika ng mga anghel, kung wala siyang pag-ibig, ,
Kung siya man ay martyr, kung mamigay man siya ng pera, kung walang
pag-ibig ay walang halaga. Nagsulat din siya ng tungkol sa paraan niya
ng pagtuturo na kahit siya ay may kakayahan na gumamit ng logic at
kadahilanan, ang ituturo niya ay ang krus na iskandalo sa mga Judio at
foolishness sa mga Griego. At kapag ginagawa nya iyon, lalo siyang
naging epektibo sa pagpapakalat ng Ebanghelyo.
Mula
corinto nagpunta siya sa Efeso na madadaanan sa pamamagitan ng Aegian
Sea, limang milya ang layo. Kaya sila ay gumawa ng daanan ng tubig
galing sa dagat ng Aegian. Ito ay maraming mga bundok. may mga nakatira
duon na mga 250,000 na tao. Duon makikita ang templo ni arthemas/Diana
na diyusa ng fertility. At nagkalat ang mga statwa ni Diana sa siyudad.
Episode 11
pagkagaling
sa Aegian Sea, makikita ang mga marmol na mga gusali. Pagkatapos mismo
sa daungan ng mga barko, makikita ang Philosophers building at makikita
din sa Efeso ang Celso's Library. Ang 2 sa pinakamalaking mga gusali ay
ang amphitheatre na pwedeng maglaman ng 250,000 na tao at ang stadium.
Ang
apat ng mga konsilyo ay ginanap sa Nicea (325, pagka-Diyos ni Jesus),
sa Constantinople (tungkol sa doktrina sa Espiritu Santo), ang sa Efeso
(tungkol sa theotokos o si Maria Ina ng Diyos. ), ang pang-apat ay ang
sa Chalcedon.
Malalaman
natin na nagkaroon ng kaguluhan sa stadium na may kinalaman din dahil
kay Pablo. Nanduon din makikita ang hall of Theranus kung saan siya ay
nakikipag-usap sa mga tao. tungkol kay Jesus, sa pagmiministro ng
Salita, pagpapakalat ng Ebanghelyo at kasama ang Liturgy of the Word.
Duon
din, nakatagpo siya ng libro tungkol sa mahika at dahil duon ay
nagkaroon ng pagsusunog ng mga libro dahil sa problema na naidudulot
nito sa pagtuturo ng Kristianismo. Mayroon nabanggit ng 4 na
pagkakataon ng ganitong problema.
Sa
Efeso makikita ang statwa ni Arthemos o diana at duon din kumikita ang
mga silver smith sa paggawa ng mga mas maliit ng statwa ni Diana. At
dahil sa pagtuturo ni Pablo, humina ang negosyo ng mga Silversmith.
Dahil dito, lumabas sila sa kalye ng Efeso papunta sa ampitheatre at
nagwawala at nagsisigaw ng "Dakila si Diana ng mga taga-efeso!" nang 2
oras. ang isang town clerk ang nag-ayos ng problema at
--- In katoliko@yahoogroups.com, "Eric Piczon" <eric_piczon@...> wrote:
>
> Hello groupmates!
>
> Update lang sa paggawa natin ng presentation sa Act. Hinati natin ang
> presentation sa 6 parts para sa maging magaan ang pagrereport. Sa
> ngayon, meron ng magrereport ng 1-5, 6-10 at 25-28. Kung
> makakalibre kayo, sana ay makaparticipate din kayo. Isheshare ko ang
> updates sa maitutulong ko sa report na pwedeng gawing guidelines o main
> material sa pagrereport.
>
> Ang daming materials na magagamit kaya nga nilalagyan ko ng schedule ang
> pag kolekta ko ng mga notes para naman may set goal ako sa dami ng
> irereport at di sobrang tagal ang pagbuo ng mga ito. Siguro ay kung
> kakayanin pa ng oras, gagamit din ako ng mga matutunan sa
>
> * www.scripturecatholic.com <http://www.salvationhistory.com>
> * www.salvationhistory.com <http://www.salvationhistory.com>
> * mga commentary ng Bibliya ng Sambayanang Pilipino
> Sana ay makatulong kay sa pagnonotes at kung kakayanin ay sa pagrereport
> at hahanap tayo ng paraan para mapakinggan ng mga groupmates ang mabubuo
> na report. Kung gusto niyo naman ay magsimula din ng hiwalay na
> reporting at pagnonotes.
>
> Sali na [:)]
> * pagpasok sa sinagoga para sa pagkalat ng mabuting balita sa mga
> Judio hanggang sa abot ng makakaya
> * Pagpapahayag ng mabuting balita sa mga hentil
>
> Nakatagpo sila ng isang salamangkero sa kanilang paglalakbay. Binulag si
> Elimas ni San Pablo dahil sa pakiki-alam niya. At sa Iconium, si San
> Pablo ay binato na mababasa sa 2 Corinto 11:16-29 nagsasabi nang mga
> pinagdaanan niya.
>
> * 5 beses siyang nalatigo
> * 3 napalo
> * 1 nabato
> * 3 x nasiraan ng barko
> * night and day sa deep at marami pang iba.
> Sa Derbie, naghirang sila ng unang mga elders o matatanda o presbyters
> na magiging mga pari ng simbahan. Naghirang din sila ng mga episkopoi o
> mga obispo.Sina Felipe at Esteban naman ay mga diakono.
>
> * dapat madinig ang pananampalataya
> * ituro ang kahalagahan ng krus.
> * Ang Salita ay dapat mapatutohanan.
> Episode 8
>
> Nadaanan natin ang unang paglalakbay sa misyon ni San Pablo at ang 8 na
> siyudad na kanyang nabisita at ang mga nangyari sa kanya sa 2 Cor 11 at
> ang paglalagay ng mga presbyterates o mga elders/matatanda. Sila ay
> nangangaral sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga Judio at pagkatapos ay
> samga Hentil. Iniuugnay din ni San Pablo ang kanyang pananampalatay sa
> pananampalataya ng mga Judio. Sinasabi ni Fr. Macbride na ang
>
> * salita ay ipinaparinig
> * ang Krus ay itinuturo at ang muling pagkabuhay
>
> * ang salita ay isinasabuhay.
>
> hinati din niya hakbang ng kanilang ministro
>
> * evangelization at paghingi ng pananampalataya kay Kristo "Repent
> and be baptized"
> * pagtuturo
> * theology parang katesismo, at may pag-aaral ng kahulugan at ng
> pag-unawa. ito din ay tinutukoy na "faith seeking understanding"
>
> * liturhikal na pagmiministro ng Salita- karanasan ng Salita sa
> sakramento.
> ang pananampalaya ay isang personal, communal at isang handog sa atin ng
> Diyos.
>
> Sa ika-15 na kabanata, nagkaron ng pagtatanong kung dapat pang pasunurin
> ang mga hentil sa mga batas ni Moises para maging Kristiano.Tumayo si
> San Pedro at nagsabi na di kailangan ang pagsunod sa batas ni Moises
> dahil sa kanyang karanasan kay Cornelius. Ganon din kay San Pablo dahil
> sa kanyang unag paglalakbay at sinasabi din niya na di na ito dapat
> sundan. Sa Verse 12 nanahimik sila at nagdasal.
> Sa ika-15 na kabanata, nanduon ang unang konsilyo sa Jerusalem nang
> kilalanin na di na kinakailangang sumunod ang mga hentil sa mga batas ni
> Moises para maging Kristiano. Makikita ang kahalagahan ng
> pananampalataya para sa pagliligtas ng isang Kristiano.
>
Hello Groupmates!!!
Maligayang Pasko ng Pagkabuhay!
babati din ako sa pagkapanalo nina Gerry Penalosa at iba pang mga boskingero! Belated Mabuhay din kay Manny Pacquiao the living legend!! Wow grabe...fans talaga ako ng mga boksingero natin at talagang nabibitiwan ko ang maraming bagay para masundan ko lang ang mga laban nila....pati nga sa trabaho ay kinakausap ko ang mga mexicano kong mga customers katulad ng pakikipagusap ko at pag alam ko ng opinyon nila sa laban ni Manny (wow halos lahat ay sang ayon na nanalo si manny..yeheey!!!)
Manghihingi lang ako ng suggestion tungkol sa susunod na Oral Presentation na gagawin ng grupo...pagkatapos ng Pasko ng Pagkabuhay..papatak ang ika 9th Week ng Ordinary Time sa June 9, 2008 at ito ang magpapatuloy na babasahin tuwing Linggo hanggang ika-24 na linggo. Dahil malapi ko nang matapos ang pagbuo ng mga nagawa natin sa Acts siguro maganda na maumpisahan na natin ang Sulat para sa mga taga-Roma o Letter to the Romans. Ito sana ang i-sa-suggest ko na susunod nating gawin at paghatian.
Kung may iba kayong isa-suggest na libro sa Bagong Tipan na gawin ay mag email lang para mapag aralan natin.
Maraming salamat sa pagsuporta sa proyekto nating ito mga groupmates
your groupmate na fan ni Katolikong Manny Pacquiao na talagang namang maginoong nakipag-usap kay Juan Marquez sa pagsalubong sa kanya sa Airport,
eric
------------------
remember for three years that he was in ephesus he admonished them. he never wanted anything from them
nor
silver nor gold. he was a tent maker and a professional sa kanyang
trabaho. ang pagtratrabaho ang susuporta sa mga nangangailangan. mas
mapalad ang mga magbibigay kaysa sa mga tumatanggap. ito ang
pagpapaalam ni san pablo sa miletus na mababasa sa chapter 20. mula
duon, nagpunta siya sa caeseria philippi na isang lungsod ng roma kung
saan nabisita nya si philip na isa sa mga unang diakono. at si felipe
ay ang nagconvert sa eunoch kung saan ay nagkasalubong sila na
nakasakay ang eunoch sa karwahe. nadinig niya sya na nagbabasa tungkol
sa libro ni Isaiah at tinanong ni Felipe sya kung naiintindihan nya ang
kanyang binasa at sinabi sa kanya na pano mangyayari yun kung walang
magpapaliwanag? at pinaliwanag ni felipe ito na tungkol sa
tagapaglingkod ng Diyos at naging kristiano ang kausap na tao. tumigil
si pablo sa lugar ni Felipe sa Caesaria na may 4 na mga anak na babae
na walang mga asawa. ay pimag usapan nila ang kinabukasan ng mga anak
at pagpapaalam dahil papunta na si Pablo sa kanyang kamatayan at kahit
dati pa ay may pumipigil na sa kanya sa pagpunta sa jerusalem tulad ng
nasabi kay Jesus bago magpunts sa jerusalem. Sya ay nagpunta sa templó
para mag retreat. Sya ay mayroong nazorite vow. at sa papunta nya sa
jerusalem ay nag ahit siya ng kanyang ulo
Siya din ay ay
nag bayad para sumama ang apat na tao. Dinala ni Pablo ang isang hentil
sa templo. ang pangalan ng tao ay trophimos para makita ang "Court of
the Gentiles" pero inakusahan si Pablo pagdadala sa tao sa "Court of
the Jews.". sa pagitan ng dalawang gate ay Sanitos Gate o "Death
Gate". At dahil sa akusasyon na iyon ay paparusahan sila ng kamatayan
na magdadala sa kanya sa Roma. Nagkagulo duon at iniligtas siya sa mga
tao at ikinulong siya. Nagkaroon ng paglilitis kay Felix, Festus na
humalili kay Felix , at kay Agreppa. Ito ay naganap ng 1 taon. Sinabi
ni Agreppa na ibalik na si Pablo sa Jerusalem para maayos ang lahat
pero sinabi ni Pablo na gusto niyang makipag-usap kay Caesar, na
kanyang ginamit para mapakalat ang Ebanghelyo sa Roma.
Nagbalik
si Pablo sa Jerusalem pero siya ay hinuli dahil sa naakusahang
nanggugulo. Siya ay nag-apila kay Caesar at siya ay napad
ala sa
Roma. Nasira ang barko, pero dahil sa panalangin. Nakarating siya sa
Roma.Kahit duon ay nagpangaral siya at nakipagdiskusyon sa mga Judio.
At duon, natapos ang libro at di na sinabi ang nangyari kay San Pablo.
--- In katoliko@yahoogroups.com, "Eric Piczon" <eric_piczon@...> wrote:
>
> Hello Groupmates!
>
> Update ko lang kayo sa notes na ginagawa ko sa mga materials na meron
> ako lalo na sa EWTN series ni Fr. Mcbride na mapapakinggan sa EWTN.
>
> Sa ngayon, ito ang paghahati ng reporting
>
> * chapter 1-5 Bro Prinz
> * Chapter 6-10 bro Rudolfo
> * Chapter 20-25 Dwen
> * nagsabi na ang gobyerno ay sumusuporta sa relihiyon ni Diana.
> * walang nalalaman na pagwawalang galang sa templo ni diana
> * kung may problema, dalin ito sa mga kinauukulan.
>
> Mga puntos ni Fr Mcbride tungkol sa kahalagahan ng mga nagyari sa Efeso.
>
> * isinima ni Juan si Maria matapos sabihin ni Jesus na si Maria ay
> kanyang Ina . Sinasama si Maria pagkatapos ng muling pagkabuhay at
> pentekostes at sila ay tumira sa Efeso. Sinasabi na sila ay tumira
> bundok na nakikita ang siyudad.
> * Iniisip ni Fr.Mcbride na si Maria ay lalong nagpapalim ng kanyang
> relasyon sa Diyos at pinagninilayan ang mga pangyayari sa puso niya.
>
> * Iniisip ni Fr McBride na habang kasama ni Juan si Inang Maria,
> sinusulat niya ang Ebanghelyo at ang pagninilay ni Maria ay dumaloy sa
> kay Juan at patuloy na pinadaloy sa Ebanghelyo.
>
> * Sinabi sa libro ng Gawa na si San Pablo ay namalagi sa Efeso ng 2
> taon at marami ang naniniwala na nakasama ni San Pablo sina Juan at
> Maria. Sa mga panahon na iyon, ang pagpapakalat ng Ebanghelyo ni San
> Pablo ay kaisa sa pagninilay ni Maria. Kaya masasabi na ang pagninilay
> ni Maria ay di lang dumadaloy sa panulat ni Juan, sa bibig din ni San
> Pablo.
>
> * Sinasabi na si Pablo ang pinakadakilang guro sa kasaysayan ng
> Simbahan at ang kanyang tinuturo ay may katangian na pagiging mystical
> at ang pinaka mystical dito ay ang sulat sa mga taga Efeso na galing sa
> pagninilay ni Maria na dumaloy sa bibig ni Pablo papunta sa pagsulat sa
> mga taga-Efeso. .
> * sa taong 451 may mga mababasa tayo na ang malaking gusali na
> tinatawag na Philosopher's hall ay naging Church of Mary kung saan
> ginanap ang konsilyo ng Efeso na kanilang itinuro na si Maria ay ang Ina
> ng Diyos o Theotokos laban sa turo ni Nestorius na nagtururo na si Jesus
> ay binuo muna sa loob ni Maria bago maging Diyos.
> * sinasabi na si Juan ay inilibing din sa Efeso.
> Episode 12
> Balik tanaw tayo,
>
> * ang unang paglalakbay para sa misyon ni San Pablo ay sa Antioch at
> Philippi
> * Pangalawa ay ang sa Athens at Corinth
>
> * ang pangatlo ay sa Ephesus at ang Roma kung saan siya ay namalagi
Hello Groupmates!!!
Malugod ibinabahagi sa inyo ang kabuuan ng unang parte ng Katoliko Group Presentation tungkol sa Libro ng Gawa.
Nalimutan kong putulin ang recording pero dapat ay hanggang sa ikaw 59th minute lang ang katapusan nito kaya ang sumunod ay ang mga bahagi na di pa naayos na dapat sanang isasama sa ika-2 parte ng presentation
Sana ay mapakinggan ninyo!
Gawa Kabanata 1-15 mp3 Pakingan ,
Sana ay makabahagi kayo sa susunod na gagawing presentation tungkol sa Sulat ni San Pablo sa mga Romano
your groupmate,
eric
--- In katoliko@yahoogroups.com, "Eric Piczon" <eric_piczon@...> wrote:
>
> Hello Groupmates!!!
>
> Maligayang Pasko ng Pagkabuhay!
>
> babati din ako sa pagkapanalo nina Gerry Penalosa at iba pang mga
> boskingero! Belated Mabuhay din kay Manny Pacquiao the living legend!!
> Wow grabe...fans talaga ako ng mga boksingero natin at talagang
> nabibitiwan ko ang maraming bagay para masundan ko lang ang mga laban
> nila....pati nga sa trabaho ay kinakausap ko ang mga mexicano kong mga
> customers katulad ng pakikipagusap ko at pag alam ko ng opinyon nila sa
> laban ni Manny (wow halos lahat ay sang ayon na nanalo si
> manny..yeheey!!!)
>
> Manghihingi lang ako ng suggestion tungkol sa susunod na Oral
> Presentation na gagawin ng grupo...pagkatapos ng Pasko ng
> Pagkabuhay..papatak ang ika 9th Week ng Ordinary Time sa June 9, 2008
> at ito ang magpapatuloy na babasahin tuwing Linggo hanggang ika-24 na
> linggo. Dahil malapi ko nang matapos ang pagbuo ng mga nagawa natin sa
> Acts siguro maganda na maumpisahan na natin ang Sulat para sa mga
> taga-Roma o Letter to the Romans. Ito sana ang i-sa-suggest ko na
> susunod nating gawin at paghatian.
>
> Kung may iba kayong isa-suggest na libro sa Bagong Tipan na gawin ay mag
> email lang para mapag aralan natin.
> Maraming salamat sa pagsuporta sa proyekto nating ito mga groupmates
> [:)]
Hello mga Groupmates!
Naku...sorry mali ang link na naibigay ko.
Para mapakinggan ang links para sa bagong Presentation tungkol sa Libro ng mga Gawa magpunta lang sa mga links sa ibaba.
Paalala lang na nalimutan kong putulin ang recording at dapat ay hanggang sa ika 59 na minuto lang ang katapusan nito kaya ang sumunod ay ang mga bahagi na di pa naayos na dapat sanang isasama sa ika-2 parte ng presentation
p.s. sana ay makasali kayo sa bagon presentation na gagawin ng grupo tungkol sa Sulat ni San Pablo para sa mga taga-Roma o Romans
www.ewtn.com,www.catholicexchange.com/css,www.newadvent.com
www.salvationhistory.com,www.catholic.com,www.geocities.com/eric_piczon
www.scripturecatholic.com
"Bravos Indios"
between 0000-00-00 and 9999-99-99
Share photos while
you IM friends.
Pagpili: o mundo 'di ako sasama sa iyong mga gawi. Akapin mo si Hesus, ating Hari at sambahin siya.
Dapat
din nating iwanan ang ating kagustuhan na magkasala ng venial na
kasalanan. Ang Espiritu Santo ay gumagabay sa ating mga konsiyensya mas
nakikita natin ang kasalanan, kagustuhan at pagkukulang na pumipigil sa
atin sa totoong debosyon. Ang maling kagustuhan na iyon ay hahadlang sa
ating debosyon tulad ng kagustuhan ng mortal na kasalanan ay humahadang
sa pagmamahal. Pinapahina nito ang espiritu na makaranas ng banal na
kaaliwan o consolation. Ito ay nagbubukas sa atin sa mga tukso. Ito ay
di pumapatay sa kaluluwa ngunit sumusugat ng malalim.binabarahan nito
ang kaluluwa ng mga masasamang gawain at kagustuhan na pumapatay sa
aktibong pagmamahal na buhay ng debosyon. Anong klase ng kaluluwa ang
magsasaya sa pagkakasala laban sa Diyos?
Kailangang maglinis sa lasa ng mga walang halaga at peligrosong mga bagay
Kahit
walang masama sa pagsasayaw, pananamit, libangin ang sarili, ang
malulon sa mga bagay na iyon ay laban sa debosyon ,makakasakit at
peligroso. Ang kasamaan ay hindi sa paggawa nito kung hindi sa paglagay
sa puso ng mga ito.
Paglilinis ng sarili sa masamang pagnanasa
Mayroon
tayong mga pagnanasa na 'di bunga ng ating sariling kasalanan ngunit
mga limitasyon. Ang kanilang mga bunga ay pagkakamali at pagkukulang.
Bagama't ang mga ito mga likas na kahinaan, nangangailangan pa din ito
ng pag-iingat, kailangan ng pagtatama at pagwawasto, at pagpapagaling.
Walang ugali ang sapat na hindi matututo ng masamang gawi at walang
masamang ugali na di maaaring magapi ng grasya ng Diyos.
II
Mga payo tungkol sa paglapit sa Diyos sa pagdadasal at mga Sakramento
Ang pagdadasal ay nagdadala sa ating pag-iisip sa liwanag ng Diyos at nagbubukas sa ating kalooban sa init ng pag-ibig ng Diyos. Ito ay parang bukal na bumubuhay sa ating mga mabubuting kagustuhan, nag-aalis sa mantsa ng mga pagkukulang ng ating kaluluwa at nagpapahupa sa mga kagustuhan ng puso.
Inimumungkahi
ni San Francisco Sales higit sa lahat ang pagdadasal na mental, ang
pagdadasal ng puso na nakukuha sa pagninilay ng buhay at pasakit ng
ating Manunubos. Kapag inuugali natin ang pagninilay na ito , pupunuin
Niya ng ating kaluluwa ng Kanyang sarili, matututuhan natin ang Kanyang
pagpapahayag at matututuhan nating ibase ang ating mga galaw base sa
Kanyang mga ehemplo.
Laging umpisahan ang lahat ng pagdadasal sa paglalagay ng ating sarili sa Kanyang presensya.
Minumungkahi
ni San Francisco de Sales ang pagdadasal ng Ama Namin, Aba Ginoong
Maria at ang Kredo ng mga Apostol sa Latin. Ang isang Ama Namin na
dinasal ng may debosyon ay higit na mas mahaga kaysa sa maraming Ama
Namin na nagmamadaling dinadasal.
Kung
habang nagdadasal ng may salita, ang ating puso ay madala sa mental na
pagdadasal, huwag mo itong pigilan, hayaan ang sarilo na gawin ito sa
pag-iwan sa dasal na pasalita na una nating gustong gawin. Ang
mangyayari na iyon ay mas magugustuhan ng Diyos at mas may pakinabang
sa iyong kaluluwa.
Kapag
ang umaga ay lumipas nang hindi nagagawa ang mental na pagdadasal,
subukan na gawin ito sa loob ng araw na iyon ngunit 'di pagkatapos ng
pagkain dahil baka 'di ito maging madali at makatulugan niyo ito. Kung
'di pa din ito magawa sa loob ng isang araw, kailangan makabawi sa
pagsasabi ng mga simpleng dasal, pagbabasa ng mga espritwal na libro o
mga gawa ng penitensya.
Maikling plano para pagninilay. Tungkol sa presensiya ng Diyos: unang punto ng pagninilay
Ang
una ay ang pagkilala na ang Diyos ay nasa lahat ng lugar. 'Di natin
nakikita ang Diyos, at kahit nasasabi ng ating pananampalataya na
kapiling natin Siya, nalilimutan natin ito at naiisip natin na Siya ay
malayo. Kaya mahalaga bago tayo magdasal, kailangang maalala natin ang
presensya ng Diyos.
Ang
pangalawa, dapat nating matandaan na 'di lang natin kasama ang Diyos sa
lugar kung nasaan tayo, Siya din ay nasa puso natin at espiritu na
Kanyang pinapagalaw nang Kanyang banal na presensya.
Ang
pangatlo ay ang pagninilay sa ating Manunubos, na sa Kanyang pagkatao
ay tumingin sa atin mula sa langit. Siya ay tumitingin sa lahat ng tao,
lalo sa mga Kristiano na Kanyang mga Anak, at higit lalo sa mga
nagdadasal sa Kanya.
Ang
pang-apat ay ang imahinasyon na matignan ang Manunubos sa Kanyang Banal
na Pagkatao na siya ay totoong kapiling natin, tulad ng ginagawa natin
sa ating mahal na kaibigan. Ngunit kung tayo ay nasa harap ng Banal na
Sakramento, ang Kanyang presensyang pangtao ay totoo at di na
imahinasyon.
Ang pagtawag: ika-2 bahagi ng paghahanda..
Sa paglalagay ng sarili sa piling ng Diyos, magpakumbaba nang may buong paggalang ng may pag-amin na 'di tayo karapat-dapat na lumapit sa Makapangyarihang Hari. Maaring dasalin ang mga maiikling kahilingan tulad ng dasal ni David "huwag mo akong paalisin sa Iyong harapan at huwag Mong alisin ang Espiritu Mo sa akin" (Ps 1) "Magliwanag sana ang Iyong mukha sa iyong lingkod at ituro mo sa akin ang Iyong batas" (ps 118:135) "Ibigay mo sa amin ang pang-unawa at hahanapin ko ang Iyong batas at itatago ko ito sa aking puso." "ako ang Iyong tagapaglingkod ibigay mo sa akin ang pang-unawa"
Makakatulong din ang pagdasal sa mga santo lalo na ang mga santo na may relasyon sa pagninilayan.
Ang pagninilay sa misteryo: ika-3 punto ng paghahanda.
Ang
susunod ay ang "compositio loci" o paggawa ng lugar. Ito ay ang
simpleng paglikha sa ating mga sarili sa pamamagitan ng imahinasyon na
ating pagninilayan na parang ito talaga ay nangyayari sa harap ng ating
nga mata. Sa tulong nito, naiiwasan ang pagpunta ng isip sa ibang bagay.
Ika-2 bahagi ng pagninilay- repleksyon
Matapos ang paggamit ng imahinasyon, sumusunod naman ang pag-unawa na ating tinatawag na pagninilay. May pagkakaiba ang pagninilay at ang pag-aaral. Ang pag-aaral ay may kawalan ng pagmamahal ng pag-ibig sa Diyos bilang layunin. Ang layunin ng pag-aaral ay pansamantala lamang, tulad ng karagdadang kaalaman para sa talakayan o pagsulat atbp.
Matapos
matuon ang pansin sa pinagninilayan, magnilay sa mga bagay na ito. Kung
ang isip ay nakakakuha ng sapat na pagkain at ilaw sa pagninilay na
iyon, mamalagi sa pagninilay na iyon. Kung hindi makakita ng sapat na
bagay na pagninilayan sa unang paksa, ituloy ang pagninilay sa ibang
bagay nang hindi nagmamadali.
Ika-3 bahagi ng pagninilay- ang nararamdaman at mga gagawin
Pinupuno
ng pagninilay ang ating kagustuhan ng mabubuting mga pampakilos, tulad
ng pagmamahal sa Diyos at sa kapwa. Kailangan nating palakahin at
palakasin ang ating kaluluwa sa ganitong mga damdamin. Huwag tayong
makukuntento sa mga mithiin at kagustuhan na ito, sa halip, gawin itong
mga gagawin para sa sariling pagtatama at pagbabago.
Konklusyon
Tapusin ang pagninilay sa tatlong mga gawain na gagawin ng may pagkukumbaba. Una, pagpapasalamat. Ika-2 pag-aalay ng sarili kung saan iniaalay natin sa Diyos ang Kanyang sariling Awa at kabutihan, Kamatayan, Dugo, at ang mga bunga ng Kanyang Anak kasama ang ating saloobin at mga naiisip na gagawin.
Join a Group
all about dogs.
Ask questions,
share experiences
Contemplation is a deep prayer with God. Ang contemplation ay ang malalim na pagdadasal sa Diyos.
Ano ang contemplation?
Tayo ay naghahanap ng isang bagay. Tayo ay pagkauhaw na nagkatawang tao. Naghahanap ng kaligayahan, pagmamahal at katotohanan.
Sa Bibliya, tinatawag ang contemplation bilang nag-iisang bagay na mahalaga sa buhay o prioridad. Tulad ng mababasa sa Ps 27:4 ang pagtuon ng atensyon sa kagandahan ng Panginoon. Pinili ni Maria, kapatid ni Martha, ang nag-iisang bagay na mahalaga. Ang bagay na ito ang pinakamahalagang gawain natin dito sa lupa. Sabi sa Vatican II dapat tayong mag dasal ng walang pigil. Sabi sa Psalmo na "ang aking mata ay laging nasa Panginoon". Ayon sa canon 663, ang pagninilay sa mga banal na bagay at ang patuloy na pagpapalalim ng relasyon natin sa Diyos ang una at ang pangunahing tungkulin ng mga relihiyoso. Nasabi ni San Juan de la Cruz sa kanyang sinulat na "Pag-akyat sa bundok ng Carmel",inaakala ng marami na di sila nagdadasal, pero di nila napapansin na sila ay nasa malalim na pagdadasal, ang iba naman ay nag-aakala na sila ay nasa matinding pagdadasal na sa totoo naman ay nasa kawalan ng pagdadasal. Ang pagdadasal ay di lang para sa buhay relihiyoso. Hindi din ito isang purong intelekwal na gawain na parang pilosopikal na pag-iisip. Ang contemplation ay di ang proseso ng pagtingin lamang sa sarili at paglimot sa mga bagay na nasa labas ng ating sarili. Hindi ang impersonal pagkilala ng realidad tulad ng sa budismo. Hindi ito ang pagpapasalamat at pagpapahalaga sa natural na kalikasan. Di rin ito ang mga pangitain at mga rebelasyon, ang mga ito ay mga ekstra ordinaryong pangyayari at hindi masasabi na ordinaryong paglago sa grasya sa pamamagitan ng malalim na pakikiisa sa Panginoon. Hindi ito ang matinding nararamdaman tungkol sa Diyos o relihiyon. Ang pakiramdam ay minsang mabuting maisama sa pagdadasal pero di iyon ang contemplation. Ito ay hindi discursive meditation tulad ng pagbasa ng libro, pag-iisip tungkol dito, at mga gagawin ayon sa mga napagnilayan: ang tawag sa mga ganoon ay meditation.
Ano ba ang contemplation? Matututo tayo kay Hesus na talagang may malalim na contemplative na buhay.
Siya ay palaging umaalis upang mapakapag-isa kasama ng Kanyang Ama
upang makipag-isa sa Ama. Mk 1:35 sa umaga, bago sumikat ang araw, Siya
ay bumangon at lumabas ng bahay, nagpunta sa malungkot na lugar at
nagdasal duon (o taimtim na nagdasal). Malamang ay 3,4, o 5 am.
Mga Halimbawa sa Bibliya ng Pagpapahalaga sa Contemplative Prayer
Mk 5:16? "siya ay palaging(habitually) nagpupunta sa lugar para Siya ay makapag-isa at nagdadasal".
Ang contemplation ay ang ginagawa ng Panginoon, ang matinding pakikipag-isa sa Ama.
Luke 2:19 "itinago ito ni Maria sa kanyang puso."
Gawa
1 Sa mga panahon na naghihintay ang mga disipulo ni Kristo sa pagdating
ng Espiritu Santo, si Maria ay nasa piling ng mga apostoles. Madalas na
pinakikita ni Lukas na si Maria ay palagi at tuluy-tuloy na nagdadasal.
Luke 10:39 Ang kuwento tungkol kina Marta at Maria. Nauupo si Maria, iniiwan ang lahat at nagtutuon ng pansin sa Panginoon.
Para
sa atin, ang contemplation ay mababasa sa Mt 6:6, na kapag tayo ay
nagdadasal, tayo ay dapat na magpunta sa ating sariling kuwarto, at
kapag nakasara na ang pinto, magdasal kayo sa Ama sa sikretong lugar na
iyon. Sinasabi ng Bibliya na ang pakikipag-isa na ito ay ang
pagpapalalim ng relasyon natin sa Diyos.
Nasabi sa Ps 46:10 "Maging tahimik ka, at kilalanin na Ako ang Diyos."
Ps 27:4 "Ang tangi kong hiling sa Panginoon, ang tangi kong hinahanap ay ang tumitig sa kagandahan ng Panginoon".
Ps 62:2 "tanging sa Panginoon ko makukuha ang aking pahinga ng kaluluwa"
Ps 34:6 "tingnan mo ang Panginoon at ikaw ay magouumapaw sa kaligyahan." tikman at uminom, dahil mabuti ang Diyos.
Ps 25:15 "Ang mga mata ko ay palaging nasa Panginoon..."
Sinasabi sa bibliya na ang contemplation ay nagsisimula sa madilim na pananampalataya at nagtatapos sa matinding kaligayahan o ecstasy.
1
Jn 3:2 di natin lubusang nakikilala ang Panginoon ngunit pag nakita
natin Siya, tayo ay makikibahagi sa kanyang pagka-Diyos at magiging
kawangis Nya tayo sa pamamagitan ng pagtingin natin sa kung Sino talaga
Siya.
Nasabi
ni San Pablo na di pa nakikita ng mga mata o nadidinig ng mga tenga ang
mga bagay na inihanda ng Panginoon para sa mga nagmamahal sa Kanya.
Ang lahat ng tao ay may pagkauhaw sa Diyos.