Lk 6:36-38Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: "Maging maawain kayo gaya ng inyong Amang maawain. "Huwag kayong humatol, at hindi kayo hahatulan; huwag ninyong sumpain ang sinuman, at hindi kayo susumpain; magpatawad kayo, at kayo'y patatawarin. Magbigay kayo, at kayo'y bibigyan -isang saganang takal, siksik, liglig at umaapaw ang ibubuhos nila sa inyong kandungan. Sapagkat susukatin kayo sa sukatang ginagamit ninyo."
PAGNINILAY
Mga kapatid, busog sa magagandang aral ng Panginoon ang
Ebanghelyong ating narinig. Pero sa ating pagninilay ngayon, hayaan n'yo akong bigyang pansin ang kahalagahan ng pagkilala sa ating sarili. Masasabing matagal at nagpapatuloy na proceso ang pagkilala sa sarili, hanggang sa ating pagtanda. Nangangailangan ito ng bukas na kamalayang pansinin at suriin ang ating mga reaksyon at pagkilos sa tuwing tayo'y nagagalit, nasasaktan, nabibigo, nawawalan ng pag-asa - na nakakaapekto sa ating pagkatao at sa kapwa. Sa procesong ito sinisikap nating tuklasin ang dahilan ng ating reaksiyon, na kadalasan nakaugat sa ating mga karanasan noong tayo'y bata pa. Bahagi rin ng pagkilala sa sarili ang paglaan ng panahong manahimik upang suriin nang buong katapatan ang ating angking galing, talino at mga katangian; gayundin naman ang ating pagkukulang, kahinaan at di magandang pag-uugali. Mga kapatid, mahalagang kilalanin ang ating sarili, nang maiwasan natin ang di-makatarungang paghusga sa kapwa. Kung kilala natin ang ating
sarili bilang mahina, nagkakasala at nagsusumikap magpakabuti - magiging mahinahon tayo sa paghusga sa kahinaan ng ating kapwa. Nakakalungkot isipin na sa panahon natin ngayon, maraming tao ang mapanhusga sa kapwa. Mga taong mahilig magtsismis at manira ng kapwa, mga taong laging nakabantay sa pagkakamali ng iba at mga taong nag-aastang perpekto, animo'y napakabanal at hindi na nagkakasala. Mga kapatid, sa kahuli-hulihan ng ating buhay, sa sandaling makikipagharap tayo sa Panginoon, susukatin Niya tayo sa sukatang ginamit natin sa kapwa. Kung naging maawain at mapagpatawad tayo sa kapwa, ganundin ang gagawin ng Diyos sa atin. Kung naging mapanhusga tayo, huhusgahan din tayo ng ating Ama sa Langit. Kaya mahalagang makilala natin ang ating sarili upang maiwasan natin ang maghusga sa kapwa. Gayun din naman, mahalagang makilala rin natin ang ating kapwa, para maunawaan natin ang kanyang pinanggalingan at pinagdadaanan - at huwag natin silang
huhusgahan.
Marso 06, 2012 – MARTES sa Ikalawang Linggo sa Panahon ng Kwaresma
Is 1:10, 16-20 * Salmo 50 * Mt 23:1-12 |
Mt 23:1-12Sinabi ni Jesus sa mga tao at sa kanyang mga alagad: "Ang mga guro ng Batas at mga Pariseo ang umupo sa puwesto ni Moises. Pakinggan at gawin ang lahat nilang sinasabi pero huwag silang pamarisan sapagkat nagsasalita sila pero hindi naman ginagawa. Naghahanda sila ng mabibigat na pasanin at ipinapatong sa mga balikat ng mga tao. Nginit hindi nila ikinikilos ni isang daliri para galawin ang mga iyon. Pakitantao lamang ang lahat nilang ginagawa; dahil dito, malalapad na laso ang Kasulatan ang gusto nila para sa kanilang mga noo, at mahahabang palawait sa kanilang balabal. Gusto nilang mabigyan ng pangunahing lugar o upuan sa mga handaan at sa sinagoga. Ikinatutuwa rin nilang mabati sa mga liwasan at matawag na guro ng mga
tao. "Huwag kayong patawag na 'guro' sapagkat isa lamang ang Guro ninyo at magkakapatid kayong lahat. Huwag din n'yong tawaging 'ama' ang sinuman sa mundo sapagkat iisa lamang ang inyong Ama, siya na nasa Langit. Huwag din kayong patawag na 'gabay' sapagkat iisa lamang ang inyong Patnubay, si Kristo. Maging alipin n'yo ang pinakadakila sa inyo. Sapagkat ibababa ang nagpapakataas at itataas ang napapakababa."
PAGNINILAY
Mga kapatid, dalawang mahahalagang aral ang nais ituro sa atin ng Panginoon ngayon. Una, magpakatotoo tayo at huwag pakitang-tao lamang ang mga ginagawang kabutihan. Huwag nating tularan ang mga Guro ng Batas at Pariseo na puro pakitang-tao lamang ang mga ginagawang kabutihan, para sila parangalan
at papurihan ng tao. Kaya kung nagkakawang-gawa man tayo sa mga mahihirap, nagbibigay ng donasyon sa simbahan o sa mga Foundations na sumusulong ng kapakanan ng mga dukha - huwag na natin itong ipamamalita para umani ng papuri. Mga artista at pulitiko lamang ang kadalasang uhaw sa publicity. Para sa mga artista, kailangan nila ito para makilala at maparangalan ng tao, samantalang ang pulitiko naman, bahagi ito ng kanilang political agenda na makuha ang suporta ng mga tao sa susunod na halalan. Tayong hindi naman mga artista at pulitiko, sikapin nating gumawa ng kabutihan hindi para umani ng papuri at suporta sa mga tao, kundi, para maparangalan ang Diyos sa pamamagitan natin. Ang Ikalawang aral na nais ituro sa atin ng Panginoon, magsilbing mabuting halimbawa tayo lalo na sa mga taong ipinagkatiwala ng Diyos sa atin. Tayo ang unang dapat magsabuhay ng mga itinuturo natin sa iba. Ika nga ng kasabihan, "Practice what you preached or walk the talk."
Hilingin natin sa Diyos ang biyayang makatugon sa hamong magpakatotoo at maging mabuting huwaran sa kapwa.
SHARING
Sa Ebanghelyo, nasasalamin na dapat nating kilalanin ang ating sarili, dapat matanong din natin kung "Nasaan na tayo?" Alam nating minsan napapadaan sa mga problema sa buhay, pero nararapat lang na magtiwala tayo sa Panginoon, sa ngayon asa gitna ako ng exam, medyo mahirap nagsasabay pa ang ilang mga trabaho, pero kung tutuusin, pero kung tutuusin, titimbangin (lalim na tagalog) mo ang priority mo, kung ano ang mauuna at mag focus lang sa mga ito, alam kong madaling sabihin pero mahairap gawin, pero
naniniwala