[katoliko] June 7 , 2006 (Mk. 12: 18-27 ) // June 8 , 2006 (Mk. 12: 28-34 )

56 views
Skip to first unread message

Thess Lumaque

unread,
Jun 6, 2006, 8:36:27 AM6/6/06
to KATOLIKO, Tita Lyn, UE, Gim Maravilla, rusell Riosa

Marcos 12:18-27 (Ang Salita ng Diyos)


Ang Muling Pagkabuhay at Pag-aasawa
 
 18Pumunta sa kaniya ang mga Saduseo na nagtuturo na walang muling pagkabuhay. Tinanong nila siya. 19Sinabi nila: Guro, si Moises ay sumulat sa amin nang ganito: Kung ang sinumang kapatid na lalaki na may asawa at namatay na walang anak, dapat kunin ng kapatid niyang lalaki ang asawa nito, upang magkaanak para sa kaniyang kapatid na namatay. 20Mayroong pitong magkakapatid na lalaki. Ang una ay nag-asawa at namatay ng walang anak. 21Kinuha siya ng pangalawa upang maging asawa at ang lalaki ay namatay na wala ring anak. Ganoon din ang nangyari sa pangatlo. 22Ang babae ay naging asawa ng pitong magkakapatid at namatay ang mga ito na walang anak. Sa kahuli-hulihan, namatay din ang babae. 23Kaya nga, sa muling pagkabuhay, kapag sila ay ibabangon, sino kaya sa kanila ang magiging asawa niya? Ang dahilan nito ay naging asawa siya ng pito.
   
 24Sumagot si Jesus na sinabi sa kanila: Kaya nga, hindi ba naliligaw kayo dahil hindi ninyo alam ang kasulatan ni ang kapangyarihan ng Diyos? 25Ito ay sapgkat kapag bumangon sila mula sa mga patay, hindi na sila mag-aasawa ni magpapakasal. Sila ay magiging katulad ng mga anghel sa langit. 26Ngunit patungkol sa patay na bumangon: Isinulat ni Moises sa kaniyang aklat sa salaysay patungkol sa palumpong. Nagsalita ang Diyos sa kaniya: Ako ay Diyos ni Abraham at Diyos ni Isaac at Diyos ni Jacob, hindi ba ninyo nabasa ito? 27Hindi siya Diyos ng mga patay kundi Diyos ng mga buhay, kaya nga, lubha kayong naligaw.

June 7 , 2006 (Mk. 12: 18-27 )
 
May tinatawag na Levirate marriage ang mga Israelita. Yung papakasalan ang biyenan o manugang para maipagpatuloy ang lahi sa pamamagitan ng panganay. Kaya kapag namatay ang panganay at hindi nagkaroon ng anak , dapat pakasalan ng susunod na kapatid na lalaki ang naiwan nitong asawa. At ang magiging anak nila ay ituturing na anak ng yumaong panganay para maipagpatuloy ang lahi. Ganundin ang pinakamalapit na kamag-anak, kailangang maging asawa ang nabalo ng naiwan na kapatid o kamag-anak. Pero mukhang ginamit lang ng mga Sadduseo ang ganitong halimbawa, para pabulaanan ang muling pagkabuhay. Bakit? Dahil sila mismo, hindi naniniwala sa muling pagkabuhay. Eh kaso, Diyos ng Buhay at Muling Pagkabuhay ang sinubok nila. Sino ba naman ang mananalo? Nasa Kanya na ang katunayan, may nasaksihan na sila kay Jesus na binuhay Niyang, bulag pa rin sila. Kay laki ng niluksuhan nilang paniniwala. Hindi sila nananampalataya na si Jesus ang pinahirang Tagapagligtas na Siyang pinagmumulan ng Buhay. At sa huli, malamang na malaking dagok sa kanila nang muling bumangon sa libingan si Jesus. Alam nyo ang dalangin ko? Sana tayo na pinag-alayan ng buhay at dahilan ng muling pagkabuhay ni Jesus, manatiling sariwa ang pananampalataya natin na tayo rin sa takdang araw, makakamit ang pangakong walang hanggang buhay. Dahil ito ang kagampanan ng lahat, ang naging kabuluhan ng lahat ng pinagsisikapan natin. Matupad sana ang panalangin ko sa ating lahat.
 
 

Marcos 12:28-34 (Ang Salita ng Diyos)

Ang Pinakamahalagang Utos
 
 28Ang isang guro ng kautusan na nakarinig ng kanilang pagtatalo ay dumating. Nabatid niya na mahusay ang pagsagot ni Jesus sa kanila. Tinanong niya si Jesus: Alin ba ang pangunahin sa lahat ng mga utos?
   
 29Sumagot si Jesus sa kaniya: Ang pangunahin sa lahat ng mga utos ay ito: Pakinggan mo Israel. Ang Panginoon mong Diyos ay iisang Panginoon. 30Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, at nang buong kaluluwa mo, at nang buong pag-iisip mo at nang buong lakas mo. Ito ang unang utos. 31Ang ikalawang utos ay tulad nito ay: Ibigin mo ang iyong kapwa tulad sa iyong sarili. Walang ibang utos na higit na dakila pa sa mga ito.
   
 32Sinabi sa kaniya ng guro ng kautusan: Guro, mahusay ang pagkakasabi mo. Naayon sa katotohanan ang sinabi mo na iisa ang Diyos at wala nang iba maliban sa kaniya. 33Tama ka nang sabihin mo: Ibigin siya nang buong puso, at nang buong pang-unawa, at nang buong kaluluwa at nang buong lakas. At ibigin mo ang iyong kapwa katulad sa iyong sarili. Ito ay higit na mahalaga kaysa lahat ng mga handog na susunugin at mga hain.
   
 34Nang makita ni Jesus na sumagot siyang may katalinuhan, sinabi niya ang mga ito sa kaniya: Hindi ka malayo sa paghahari ng Diyos. Mula noon ay wala nang naglakas-loob na magtanong sa kaniya.
 
 
June 8 , 2006 (Mk. 12: 28-34 )
Sa pang-araw-araw na dasal ng hudyo, sinisimulan nila ng Makinig nawa, O Israel. Paalala ito sa kanila tungkol sa ginawang pagtitipan ng Diyos sa kanila sa bundok ng Sinai bilang hinirang na bayan. Kasabay nito ang pagbigay sa kanila ng 10 Utos. Bilang tugon ni Jesus sa guro ng Batas, pinakapuso ang sinabi Niya. Ang ugat ng lahat ng mga Utos. Walang iba kundi ang pagtangi at pagmamahal sa Diyos. Kung magagawa natin ito, susunod na ang lahat ng ugnayan natin sa ating kapwa at pati na rin sa ating sarili. Kaya ang atas ni Jesus na makinig, nangangahulugan na kinakailangang tumalima. Hindi ba ang pagtalima, nag-uugat sa pakikinig? Ang pakikinig, nag-uugat sa pagmamahal. Kaya kung dalisay at tunay ang pagmamahal natin sa Diyos ang lahat susunod na. At kung mahal natin ang Diyos, makakaugalian na nating makinig sa Kanya, tulad ngayon. Kung ugali mo nang makinig sa Kanya, tatalima ka, may makakita man sa iyo o wala. Dahil may pundasyon na. Alam na natin ang gusto Niya at ayaw Niya. Ang gusto Niya, 惣on ang gagawin natin at ang ayaw Niya, 惣on ang iiwasan natin. At sa tuwing nakikinig tayo, mahalaga rin ang pagwariin ang pagpapasyahan natin. Halimbawa, kung nagkamali ka at walang nakaalam, at naririnig mo ang sigaw ng iyong budhi. Bahagi sa pagwawari at pagpapasya natin ang pagtatapat sa kinauukulan ang pagkakamali natin. Naiwagayway na natin ang katotohanan, malaya pa ang budhi natin at maayos ang ugnayan natin sa isa稚 isa. Dahil isinaalang-alang natin ang karapatan ng kapwa natin na malaman ang naganap na mali na tayo ang naging dahilan. Kaya稚 ugaliin nating makinig. Sa pakikinig, may magandang patutunguhan ang ating buhay.
 
 
sabi nga sa VERITAS "MAKINIG" yan ang maririnig nyo sa kanilang Official LOGO or tagline sa radio, sabi rin sa KAPE'T PANDESAL sa MUB, ang pagsisindi ng kandila at pagbibigay ng pera sa ating Panginoon, isama na rin ang pagbibigay ng bulaklak, ay nakaka siya sa ating Ama, pero sana pag tayo'y nagsisindi ng kandila, maging ilaw tayo ng ating kapwa, at sa pagbibigay ng bulaklak matuto tayong sumunod sa kanya, at sa pagbibigay ng pera naman, ay maging gabay natin ang salita ng ating Panginoon, amen
 
 
dwen katoliko yahoo group and katolikoqa member

__________________________________________________
Do You Yahoo!?
Tired of spam? Yahoo! Mail has the best spam protection around
http://mail.yahoo.com __._,_.___


SPONSORED LINKS
Catholic faith Beyond belief Christianity today
Mere christianity Father corapi


YAHOO! GROUPS LINKS



__,_._,___

Wilberto Piczon

unread,
Jun 9, 2006, 4:58:12 AM6/9/06
to kato...@yahoogroups.com
Hello groupmates!

Salamat dwen sa sharing mo ha!
Hear O Israel, the Lord is One Lord!

Napakaganda ng sharing mo Dwen sa amin, pagpapahalaga sa pakikinig sa Salita ng Diyos! Malaki din ang pagbabago ng pakikinig sa buhay ko. Nakasanayan ko na na makinig sa EWTN, at isang napakagandang blessing na may library sa Our Lady of Peace na may collection ng mga Bible Studies at mga pagpapaliwanag ng ating Faith! Papunta sa aking trabaho at pauwi ng bahay, pinapakinggan ko ang mga tapes na ito. Nakasanayan ko na din na magrecord ng mga series sa EWTN audio archives sa aking Audio Cassette at inilalagay ko sa aking kotse papunta at pauwi ng bahay! Dahil dito, napakarami kong natutunan at nagiging opportunity ko na magdeepen ang understanding ko sa Catholic Faith. Ang maganda pa nito, libre ang mga series sa EWTN. Siguro, dapat lang humanap ng time para mairecord ang mga ito. Dahil dito, mas naiintindihan ko ang mga ginagawa natin sa simbahan at nakakapag-share din ako sa mga kasama ko dito sa california (At pati na din sa inyo!!). Napakalaking tulong dahil kung may babasahin akong mga tungkol sa faith natin, mas  napapabilis ang pag-unawa ko sa mga babasahin ko dahil madalas na related ang mga series sa mga libro na gusto kong basahin. Kung medyo di naman ako familiar sa topic, naghahanap ako ng real audio resource sa ewtn. Ok na ok talaga ang audio resource na ito dahil nakakapanibago para sa mga bagong dating dito na nasanay makinig sa mga religious program sa Pilipinas, yun lang nga, ang mga program at discussion sa Pilipinas ay adapted sa surroundings at culture sa atin sa Pilipinas!
Sa panahon na lang ng Kuwaresma at Semana Santa, hindi kumpleto ang mahal na araw ko kung hindi ko napapakinggan ang Pasyon at mga Dula at mga reflection ng mga pari sa 7 last words. Pasalamat ako sa eradioportal at nakakatransmit na ang DZRH at iba pang mga station dito sa US.
Sa ating pagdadasal tayo ay nakikinig din sa salita ng Diyos tuwing tayo ay nagbabasa ng Biblia o nagdadasal ng Catholic Prayer. Hindi ba natin maituturing na parte na katesismo natin ay ang pakikinig sa mga dasal ng ating mga magulang at mga lolo at lola. Dati ay nakikisabay lang tayo kahit hindi natin masyado naiintindihan, pero dumadating ang araw na unti-unting nagkakaroon ng understanding at paliwanag ang mga ginagawa natin sa ating pagtanda.
Ang mga naririnig natin ay naibabahagi natin sa ibang mga tao sa pamamamgitan ng pakikipag-usap natin sa kanila, sa sharing natin dito sa email at sa katoliko group at katoliko forum. At, soon to come! sana! sana! sana! Ang oral presentation ng Katoliko Group at Katoliko Forum! wish ko iyan..sana within this week maski 15 minutes lang!

Glory to you  Lord! Thanks be to God!

your groupmate!
eric
member Katoliko Group and Katoliko Forum




June 8 , 2006 (Mk. 12: 28-34 )
Sa pang-araw-araw na dasal ng hudyo, sinisimulan nila ng Makinig nawa, O Israel. Paalala ito sa kanila tungkol sa ginawang pagtitipan ng Diyos sa kanila sa bundok ng Sinai bilang hinirang na bayan. Kasabay nito ang pagbigay sa kanila ng 10 Utos. Bilang tugon ni Jesus sa guro ng Batas, pinakapuso ang sinabi Niya. Ang ugat ng lahat ng mga Utos. Walang iba kundi ang pagtangi at pagmamahal sa Diyos. Kung magagawa natin ito, susunod na ang lahat ng ugnayan natin sa ating kapwa at pati na rin sa ating sarili. Kaya ang atas ni Jesus na makinig, nangangahulugan na kinakailangang tumalima. Hindi ba ang pagtalima, nag-uugat sa pakikinig? Ang pakikinig, nag-uugat sa pagmamahal. Kaya kung dalisay at tunay ang pagmamahal natin sa Diyos ang lahat susunod na. At kung mahal natin ang Diyos, makakaugalian na nating makinig sa Kanya, tulad ngayon. Kung ugali mo nang makinig sa Kanya, tatalima ka, may makakita man sa iyo o wala. Dahil may pundasyon na. Alam na natin ang gusto Niya at ayaw Niya. Ang gusto Niya, yon ang gagawin natin at ang ayaw Niya, yon ang iiwasan natin. At sa tuwing nakikinig tayo, mahalaga rin ang pagwariin ang pagpapasyahan natin. Halimbawa, kung nagkamali ka at walang nakaalam, at naririnig mo ang sigaw ng iyong budhi. Bahagi sa pagwawari at pagpapasya natin ang pagtatapat sa kinauukulan ang pagkakamali natin. Naiwagayway na natin ang katotohanan, malaya pa ang budhi natin at maayos ang ugnayan natin sa isat isa. Dahil isinaalang-alang natin ang karapatan ng kapwa natin na malaman ang naganap na mali na tayo ang naging dahilan. Kayat ugaliin nating makinig. Sa pakikinig, may magandang patutunguhan ang ating buhay.
 
 
sabi nga sa VERITAS "MAKINIG" yan ang maririnig nyo sa kanilang Official LOGO or tagline sa radio, sabi rin sa KAPE'T PANDESAL sa MUB, ang pagsisindi ng kandila at pagbibigay ng pera sa ating Panginoon, isama na rin ang pagbibigay ng bulaklak, ay nakaka siya sa ating Ama, pero sana pag tayo'y nagsisindi ng kandila, maging ilaw tayo ng ating kapwa, at sa pagbibigay ng bulaklak matuto tayong sumunod sa kanya, at sa pagbibigay ng pera naman, ay maging gabay natin ang salita ng ating Panginoon, amen
 
 

__._,_.___
Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages