[kasapi] SVN Quick Start

4 views
Skip to first unread message

Waldemar Bautista

unread,
Apr 17, 2010, 4:57:51 AM4/17/10
to kas...@googlegroups.com
Hello. Simpleng tutorial sa SVN. Kaunting commands lang ito at
simpleng paggamit kaya maganda pa rin na basahin niyo yung nasa post
ni Mikko kanina.

Unang step ay mag-install ng SVN. Sa Ubuntu e sudo apt-get install
subversion ang command.

Pangalawang step ay alamin ang password niyo sa Google Code.
Matatagpuan yun sa https://code.google.com/hosting/settings. Ang
username niyo ay username niyo sa Google.

Pangatlong step ay i-checkout ang branches/sandbox folder na nasa
repo. Ginawa ko itong folder na ito para may mapaglaruan kayo sa
repository na hindi maaapektuhan yung code talaga. Ang ibig sabihin
ng checkout sa SVN e kukuha kayo ng kopya ng code na nasa repository o
yung server kung saan tumatakbo ang SVN. Ang pag-checkout ay ganito:

$ svn checkout https://kasapi.googlecode.com/svn/branches/sandbox <folder name>

Kung mapapansin niyo e ipa-prompt kayo ng

Authentication realm: <https://kasapi.googlecode.com:443> Google Code
Subversion Repository
Password for '<username niyo sa OS at hindi sa Google>':

I-enter niyo lang muna yan kasi baka magkaiba ang username niyo sa OS
at sa Google tapos ipa-prompt na kayo ng username at password. Parang
ganito:

Username: waldemarbautista
Password for 'waldemarbautista': <i-type password dito>

Dyan niyo na ilalagay yung Google username niyo at ang password sa
Google Code. Tandaan na magkaiba ang password sa Google at sa Google
Code.

Pang-apat na step ay puntahan ang <folder name> kung saan niyo
ni-checkout yung sandbox. Ito na ang working copy na tinatawag. Ibig
sabihin e dito kayo gagawa ng mga bagay-bagay.

Tayo na at gumawa ng mga bagay-bagay (paggamit ng ilang SVN command).
Ang lahag ng ito ay pwede lang sa loob ng working copy hindi tulad ng
svn checkout na pwede sa labas.

$ svn status
- ang svn status ay ginagamit para makita ang status ng mga file at
folder. Pag ginawa niyo yan ngayon dun sa working copy niyo e wala
kayong makikita kasi wala pang laman ito.

$ svn add <mga ia-add>
- ginagamit ito kung magdadagdag kayo ng folders o files sa working
copy. Pero tandaan na kapag na-add na sila e hindi ibig sabihin nun e
nasa repo na sila Kailangan pa sila i-commit.
- exercise: magdagdag ng folder o file sa working copy. Pwedeng
mag-create new file o kaya create new folder. Pag tinignan niyo ang
status niya gamit ang "$ svn status", makikita niyo na andun mga
dinagdag niyo at may ? sa kaliwa. Ibig sabihin nun e hindi pa under
control ng SVN yung mga dinagdagdag niyo. Kailangan niyo ngayon
gamitan ng "$ svn add". Parang "$ svn add newfile newfolder". Pag
nag-svn status ulit kayo e makikita niyong naging A ang ?. Ibig
sabihin e handa na siya ma-add sa repo.

$ svn commit -m "<commit message>" <mga ico-commit>
- ginagamit ito upang ilagay na ang mga pagbabago na ginawa sa working
copy papuntang repo.
- hindi required ang commit message pero mahalaga na lagi kayong
maglagay niyan para malaman ng iba kung ano ginagawa ng ni-commit
niyo.
- exercise: i-commit yung mga ni-svn add kanina. Dahil A na ang
status nung mga dinagdag niyo kanina, pwede na siya i-commit. Kapag ?
ang status ng isang file, e kailangan pa siyang i-svn add bago
ma-commit. Ang pag-commit ay parang add lang pero may commit message
nang kasama. Parang "$ svn commit -m "added newfile and newfolder"
newfile newfolder".

$ svn update
- ginagamit ito para makuha ang pinakabagong pagbabago na nasa repo.
Kung ang checkout ay kumukuha ng bagong kopya, ang kinukuha lang ng
update e yung files na may pagbabago kumpara sa working copy niyo.
Makikita na ang checkout ay ginagamit para kumuha ng working copy
samantalang ang update ay ginagamit sa loob ng working copy para
ma-update ang laman nito.
- exercise: ipabago niyo ang sandbox folder sa ibang tao tapos i-svn
update niyo ang working copy niyo. Makikita niyo na malilista ang mga
nabagong file tapos may U na status. Ibig sabihin e updated siya.

$ svn log
- ginagamit ito para makita ang mga pagbabago sa code. Pwede rin
puntahan ang https://code.google.com/p/kasapi/source/list para mas
maganda itsura.

$ svn diff
- ginagamit ito para makita ang pagkakaiba ng isang file sa
iba't-ibang revision nito. Nabanggit ko lang ito dito para alam niyo
pero sa susunod ko na rin i-explain pag naranasan niyo na magkaroon ng
conlict sa working copy. Hehe. Pwede niyo rin makita ang mga
revision dun sa link na nasa "$ svn log".

Ang haba ng email na ito pero sana mas maliwanagan kayo sa paggamit ng
SVN. Magreply lang dito kung may tanong.

--
Waldemar Amado Bautista

--
You received this message because you are subscribed to the Google Groups "Kasapi" group.
To post to this group, send email to kas...@googlegroups.com.
To unsubscribe from this group, send email to kasapi+un...@googlegroups.com.
For more options, visit this group at http://groups.google.com/group/kasapi?hl=en.

Rystraum Gamonez

unread,
Jul 25, 2010, 9:28:53 PM7/25/10
to kas...@googlegroups.com, UP Linux Users' Group
Hello. Para sa mga nagsisimula palang sa Version Control, may magandang explanation dito na madaming pretty pichurs.
Ito naman ay on a conceptual level.
http://betterexplained.com/articles/a-visual-guide-to-version-control/

Para naman sa mga interisado sa distributed control systems (hal. git), dito naman kayo.
http://betterexplained.com/articles/intro-to-distributed-version-control-illustrated/

2010/4/17 Waldemar Bautista <waldemar...@gmail.com>



--
Rystraum Fabe Gamonez
Registered Linux User #484635
http://rystraum.com

Lizbeth Loyola

unread,
Jul 26, 2010, 7:59:19 AM7/26/10
to kas...@googlegroups.com
Lizbeth Loyola likes this.

Pero iba pa rin talaga ang live tutorials with Aydol Wali!

2010/7/26 Rystraum Gamonez <ryst...@rystraum.com>
360.gif

rixmaestro

unread,
Aug 12, 2010, 11:44:31 AM8/12/10
to Kasapi
hallo! ito po ang ginagamit kong tutorial para sa pag-SVN. nung
nagcheckout po ako, hindi naman niya ako dinala sa authentication
realm, ngunit nung nagtry akong magcommit, dinala niya ako dun.
Sinunod ko ang payo na mag-enter lang ngunit lumabas ang ss:

svn: Commit failed (details follow):
svn: Server sent unexpected return value (500 Internal Server Error)
in response to MKACTIVITY request for '/svn/!svn/act/
9fe62167-747f-4190-82d2-ee2d58537474'

sinubukan ko namang lagyan ng password ng laptop ko, ngunit ganyan pa
rin. bakit po kaya ganyan? salamat sa mga tutulong. :D

On Jul 26, 7:59 pm, Lizbeth Loyola <loyolalizb...@gmail.com> wrote:
> Lizbeth Loyola likes this.
>
> Pero iba pa rin talaga ang live tutorials with Aydol Wali! [?]
>
> 2010/7/26 Rystraum Gamonez <rystr...@rystraum.com>
>
> > Hello. Para sa mga nagsisimula palang sa Version Control, may magandang
> > explanation dito na madaming pretty pichurs.
> > Ito naman ay on a conceptual level.
> >http://betterexplained.com/articles/a-visual-guide-to-version-control/
>
> > Para naman sa mga interisado sa distributed control systems (hal. git),
> > dito naman kayo.
>
> >http://betterexplained.com/articles/intro-to-distributed-version-cont...
>
> > 2010/4/17 Waldemar Bautista <waldemarbauti...@gmail.com>
>
> > Hello.  Simpleng tutorial sa SVN.  Kaunting commands lang ito at
> >> simpleng paggamit kaya maganda pa rin na basahin niyo yung nasa post
> >> ni Mikko kanina.
>
> >> Unang step ay mag-install ng SVN.  Sa Ubuntu e sudo apt-get install
> >> subversion ang command.
>
> >> Pangalawang step ay alamin ang password niyo sa Google Code.
> >> Matatagpuan yun sahttps://code.google.com/hosting/settings.  Ang
> >> username niyo ay username niyo sa Google.
>
> >> Pangatlong step ay i-checkout ang branches/sandbox folder na nasa
> >> repo.  Ginawa ko itong folder na ito para may mapaglaruan kayo sa
> >> repository na hindi maaapektuhan yung code talaga.  Ang ibig sabihin
> >> ng checkout sa SVN e kukuha kayo ng kopya ng code na nasa repository o
> >> yung server kung saan tumatakbo ang SVN.  Ang pag-checkout ay ganito:
>
> >> $ svn checkouthttps://kasapi.googlecode.com/svn/branches/sandbox<folder
> >> puntahan anghttps://code.google.com/p/kasapi/source/listpara mas
> >> maganda itsura.
>
> >> $ svn diff
> >> - ginagamit ito para makita ang pagkakaiba ng isang file sa
> >> iba't-ibang revision nito.  Nabanggit ko lang ito dito para alam niyo
> >> pero sa susunod ko na rin i-explain pag naranasan niyo na magkaroon ng
> >> conlict sa working copy.  Hehe.  Pwede niyo rin makita ang mga
> >> revision dun sa link na nasa "$ svn log".
>
> >> Ang haba ng email na ito pero sana mas maliwanagan kayo sa paggamit ng
> >> SVN.  Magreply lang dito kung may tanong.
>
> >> --
> >> Waldemar Amado Bautista
>
> > --
> > Rystraum Fabe Gamonez
> > Registered Linux User #484635
> >http://rystraum.com
>
> >  --
> > You received this message because you are subscribed to the Google Groups
> > "Kasapi" group.
> > To post to this group, send email to kas...@googlegroups.com.
> > To unsubscribe from this group, send email to
> > kasapi+un...@googlegroups.com<kasapi%2Bunsu...@googlegroups.com>
> > .
> > For more options, visit this group at
> >http://groups.google.com/group/kasapi?hl=en.
>
>
>
>  360.gif
> < 1KViewDownload

Waldemar Bautista

unread,
Aug 12, 2010, 8:08:46 PM8/12/10
to kas...@googlegroups.com
2010/8/12 rixmaestro <ricojosse...@gmail.com>:

> hallo! ito po ang ginagamit kong tutorial para sa pag-SVN. nung
> nagcheckout po ako, hindi naman niya ako dinala sa authentication
> realm, ngunit nung nagtry akong magcommit, dinala niya ako dun.

Ginawa kasi ata nilang pwede na rin mag-checkout gamit https kaya
hindi na nagpa-prompt ng username at password.

> Sinunod ko ang payo na mag-enter lang ngunit lumabas ang ss:
>
> svn: Commit failed (details follow):
> svn: Server sent unexpected return value (500 Internal Server Error)
> in response to MKACTIVITY request for '/svn/!svn/act/
> 9fe62167-747f-4190-82d2-ee2d58537474'
>
> sinubukan ko namang lagyan ng password ng laptop ko, ngunit ganyan pa
> rin. bakit po kaya ganyan? salamat sa mga tutulong. :D

Try mo dagdagan ng --username user...@gmail.com yung svn command. Parang

$ svn commit -m "commit message" path/to/file --username user...@gmail.com

--
Waldemar Amado Bautista

Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages