Pagpupugay kay Ernesto Jude Rimando Jr.

1 view
Skip to first unread message

KARAPATAN Public Information

unread,
Jul 24, 2024, 12:20:28 AM (3 days ago) Jul 24
to karapatan...@googlegroups.com, KARAPATAN Human Rights Update on behalf of publicinfo, karapatanhr

PAHAYAG

24 Hulyo 2024

 

Sanggunian: Danilo dela Fuente, SELDA Vice Chairperson, +639669642643

 

Pagpupugay kay Ernesto Jude Rimando Jr.!

 

Nagpupugay ang Samahan ng Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto (SELDA) kay Kasamang Ernesto Jude Rimando, bilanggong pulitikal na pumanaw kahapon, ika-23 ng Hulyo 2024, mula sa liver cancer sa edad na 58.

 

Si Kasamang Jude ay matagal nanilbihan sa mga magsasaka at manggagawa sa Kabisayaan. Bago siya mamatay, mahigit dalawang dekada siyang nagsilbing mananaliksik ng Alyansa sa mga Mamumuo sa Sugbo. Malaki ang naging ambag ni Kasamang Jude sa pagsusulong ng pakikibaka ng mamamayan ng Cebu at Negros at paglakas ng mga nasabing organisasyon.

 

Dahil dito, si Kasamang Jude ay tinarget ng estado at naghaharing uri.  Noong Enero 6, 2021, inaresto si Jude sa Payatas, Quezon City, kahit walang maipakitang arrest warrant ang mga humuli sa kanya. Nagtanim din ng ebidensya ang mga ito at sinampahan siya ng ng gawa-gawang kaso na illegal possession of firearms and explosives. Ang naturang kaso ay ibinasura kalaunan ng Regional Trial Court Branch 80 ng Quezon City, dahil anito, di hamak na mas kapani-paniwala ang payak at deretsahang pahayag ni Jude kaysa sa magulo at paliku-likong kwento ng mga umaresto.

 

Nang siya’y mamatay, mayroon pang walong gawa-gawang kaso ang nakasampa laban kay Jude sa iba't ibang korte sa Bohol, Capiz, Negros Oriental at Occidental, Iloilo, Danao City, San Mateo Rizal, at Pasay City.

 

Sa panahon ng kanyang pagkaaresto, si Kasamang Jude ay may iniinda nang sakit na liver cirrhosis at sepsis at nakatakda pa lamang ang pagpapagamot. Ang lahat ng ito'y nabalam dahil na rin sa kanyang di makatarungang pagkakaaresto. Sa loob ng tatlong taon sa kulungan, ang kanyang sakit na liver cirrhosis ay lumala at humantong sa liver cancer. 

 

Sa kabila ng pagkakapiit at malubhang sakit, nanatiling mataas ang diwang mapanlaban ni Kasamang Jude Rimando. Matibay ang kanyang paninindigan para sa pagsusulong ng pambansa at demokratikong interes ng sambayanang Pilipino.

 

Ang kanyang pag-aalay ng buhay para sa kapakinabangan ng mamamayan ay magsisilbing inspirasyon sa mamamayang Pilipino.

 

Mabuhay ka, Kasamang Ernesto Jude Rimando!


---------------------------------------------------------------------
PUBLIC INFORMATION DESK
publi...@karapatan.org
 
---------------------------------------------------------------------

Alliance for the Advancement of People's Rights
2nd Flr. Erythrina Bldg., #1 Maaralin corner Matatag Sts., Central District
Diliman, Quezon City, PHILIPPINES 1101
Telefax: (+63 2) 4354146

KARAPATAN is an alliance of human rights organizations and programs, human rights desks and committees of people’s organizations, and individual advocates committed to the defense and promotion of people’s rights and civil liberties.  It monitors and documents cases of human rights violations, assists and defends victims and conducts education, training and campaign. 
Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages