NAGKAKAISANG PAHAYAG: Mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao, sa September 21

0 views
Skip to first unread message

KARAPATAN Public Information

unread,
Sep 20, 2025, 8:26:30 PM (2 days ago) Sep 20
to karapatan...@googlegroups.com, KARAPATAN Human Rights Update on behalf of publicinfo, karapatanhr

Pahayag ng mga Biktima at Kaanak ng Biktima sa Paggunita ng Setyembre 21

Sa ika-53 anibersaryo ng deklarasyon ng batas militar, muling sumisiklab ang alaala ng madilim na kabanata ng ating kasaysayan. Isang panahon ng pang-darahas, pang-aabuso, at walang habas na pandarambong. Hindi maikakaila na bilyon-bilyong piso ang ninakaw ng diktadurang Marcos sa kaban ng bayan, habang libu-libong Pilipino ang dinukot, tinortyur, pinatahimik, at pinaslang. Ang kwento ng Martial Law ay kwento ng pandarahas at pagnanakaw na iniwan tayong sugatan bilang isang bansa.

Ngayon, higit limang dekada na ang lumipas, nakikita natin ang nakababahalang pagkakahawig ng nakaraan at kasalukuyan. Ang issue ng milyon-milyong confidential funds na ginastos nang walang sapat na paliwanag ay nagsisilbing paalala ng lihim na pandarambong noon. Ang mga ghost at pekeng flood control projects ay kahalintulad ng mga proyektong ginamit noon bilang huwad na palatandaan ng kaunlaran, ngunit sa katotohanan ay naging instrumento ng pagnanakaw. At ang insertions sa pambansang badyet, na pumapabor lamang sa makapangyarihan at kanilang alyado, ay patuloy na nagpapakita kung paanong ang sistemang ito ay hindi nagbabago, na lagi’t lagi ay nakalaan lamang para sa interes ng iilan.

Sa harap ng lahat ng ito, ang panawagan ng taumbayan para sa agaran at malalim at indipindiyenteng imbestigasyon upang papanagutin ang lahat ng opisyal at personalidad na sangkot sa mga naturang anomalya. Dapat nang ibasura ang mga confidential at intelligence funds na hindi dumaraan sa malinaw na auditing at pananagutan at nagiging sanhi ng malawakang pagnanakaw sa kaban ng bayan at pagsupil sa karapatan ng mga mamamayan. Nararapat din na isulong ang pagtatatag ng isang “people’s audit”, isang malaya at demokratikong proseso ng pagsusuri sa pambansang badyet upang masiguro na ang pondo ng bayan ay tunay na napupunta sa serbisyong panlipunan at hindi sa bulsa ng iilan. Higit sa lahat, dapat nang wakasan ang red-tagging at panunupil na paulit-ulit na ginagamit upang patahimikin ang tinig ng mamamayan.

Nanawagan kami sa bawat Pilipino na huwag na huwag tayong mananahimik. Ang katahimikan ay ang paghintulot sa patuloy na pang-aabuso. Sa harap ng tumitinding krisis, mataas na presyo ng bilihin, kawalan ng disenteng trabaho, at lumalalang panunupil sa mga karapatan ng mamamayan, ang pinakamabisang tugon ay ang ating pagkakaisa at pagtindig para sa tama.

Mula noon hanggang ngayon, malinaw ang sigaw ng sambayanan. 

Hustisya para sa lahat ng biktima ng karapatang pantao! 

Hustisya para sa sambayanang Pilipino.

Marcos Singilin, Duterte Panagutin!

Never Again to Martial Law!!!

SELDA

Hustisya

Desaparecidos


REFERENCE: VJ Topacio, Hustisya National Board Member


---------------------------------------------------------------------
PUBLIC INFORMATION DESK
publi...@karapatan.org

---------------------------------------------------------------------


2nd Flr. Erythrina Bldg.,
#1 Maaralin corner Matatag Sts., Central District
Diliman, Quezon City, PHILIPPINES 1101

KARAPATAN is an alliance of human rights organizations and programs, human rights desks and committees of people’s organizations, and individual advocates committed to the defense and promotion of people’s rights and civil liberties.  It monitors and documents cases of human rights violations, assists and defends victims and conducts education, training and campaign.  It was established in 1995.
Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages