PAHAYAG: ​Duterte Panagutin Network, saludo sa tapang ng mga kaanak ng mga biktima, nanawagan sa ICC PTC na kumpirmahin ang mga sakdal laban kay Duterte

0 views
Skip to first unread message

KARAPATAN Public Information

unread,
Mar 3, 2026, 11:04:53 PM (11 days ago) Mar 3
to karapatanhr, karapatan...@googlegroups.com, KARAPATAN Human Rights Update on behalf of publicinfo
Duterte Panagutin Campaign Network
PAHAYAG SA MIDYA
4 Marso 2026

Sanggunian: Atty. Jojo Lacanilao, convenor, Duterte Panagutin Campaign Network, +63 917 812 8262

Duterte Panagutin Network, saludo sa tapang ng mga kaanak ng mga biktima, nanawagan sa ICC PTC na kumpirmahin ang mga sakdal laban kay Duterte

Sumasaludo ang Duterte Panagutin Campaign Network sa mga biktima at survivor ng pekeng "gera kontra droga" ni Rodrigo Duterte para sa kanilang matapang na paninindigan para sa hustisya at pananagutan sa harap ng International Criminal Court (ICC). Nitong huling linggo, napatunayan nila na sa kabila ng napakaraming fake news, trolling o AI-manipulated na litrato, hindi mapipigilan ang kanilang determinasyong ituloy ang kanilang paghahanap ng hustisya.

Pawang mga inulit na kasinungalingan at panlilinlang ang depensa ni Duterte--walang saysay at kayang-kayang pabulaanan ng maayos na inihanda at establisadong ebidensya ng prosekusyon na nagpapakitang libu-libo ang pinaslang dahil sa kanyang mga aksyon at patakarang panggubyerno. Sa pagdinig, pinatunayan ng prosekusyon na mayroong matitibay at sustantibong batayan para paniwalaang gumawa ni Duterte ng mga krimen laban sa sangkatauhan. Malakas ang aming kumpyansa na kukumpirmahin ng Pre-Trial Chamber ng ICC ang mga sakdal laban kay Duterte at matutuloy ang kanyang paglilitis, na kauna-unahan laban sa isang president mula sa Asia.

Nagpapasalamat kami sa lahat ng sumuporta sa mga biktima at survivor sa makasaysayang pagkakataong ito, at ikinalulugod namin ang Office of the Prosecutor, Common Legal Representatives of Victims at ilampung mga grupo at lambat ng mga tagapagtaguyod ng karapatang pantao, kabilang ang lambat ng Duterte Panagutin Campaign Network sa Europe para sa kanilang walang kapagurang pagsisikap. Kayang panagutin ng ating kolektibong aksyon ang mga pasistang tulad ni Duterte. Habang sinusubaybayan namin ang mga pagdinig, hinihikayat namin ang lahat na maninindigan kasama ang mga biktima hanggang sa mahatulan si Duterte at maaresto ang lahat ng kanyang mga kasapakat.

---------------------------------------------------------------------
PUBLIC INFORMATION DESK
publi...@karapatan.org

---------------------------------------------------------------------


2nd Flr. Erythrina Bldg.,
#1 Maaralin corner Matatag Sts., Central District
Diliman, Quezon City, PHILIPPINES 1101

KARAPATAN is an alliance of human rights organizations and programs, human rights desks and committees of people’s organizations, and individual advocates committed to the defense and promotion of people’s rights and civil liberties.  It monitors and documents cases of human rights violations, assists and defends victims and conducts education, training and campaign.  It was established in 1995.
Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages