CARMMA Statement: Sa ika-40 anibersaryo ng pag-aalsang EDSA People Power I

3 views
Skip to first unread message

KARAPATAN Public Information

unread,
Feb 24, 2026, 11:57:46 PM (3 days ago) Feb 24
to karapatanhr, karapatan...@googlegroups.com, KARAPATAN Human Rights Update on behalf of publicinfo

PAHAYAG

25 Pebrero 2026

Reference: Kris Lacaba, CARMMA convenor, 0916-2813811

CARMMA secretariat, 0918-9790580


Sa ika-40 anibersaryo ng pag-aalsang EDSA People Power I

Ginugunita natin ngayon ang EDSA People Power Uprising bilang tagumpay ng mamayang Pilipino na nagwakas sa tiwaling diktadura at nagpatalsik sa pamilya ni Ferdinand Marcos Sr.

Pinagdiriwang natin ang mga tagumpay sa pagpapanagot sa pamilyang Marcos. Bagamat champion sa pandarambong ang pamilyang Marcos, madami nang nabawi sa pera at ari-arian mula sa pandarambong ni Marcos. Mismong si Imelda Marcos ay convicted for graft and corruption noong 2018 at sinentensyahan ng 42 hanggang 77 years na pagpapakulong.

World champion din si Marcos sa human rights violations. Kinikilala ng batas ng Pilipinas, Ang R.A. 10368 ang pagpatay, pagtorture, at pagpapakulong ng political dissidents noong diktadura. Ganunpaman, hindi pa tapos ang laban!

Lumalala na naman ang krisis sa lipunan. Tumataas ang bilihin. Humihirap ang buhay. Habang ang mga nepo babies sa Malacañang at Kongreso ay nagpapakasarap. Nagpapakasasa. Tama ba iyon? Sobra na. Tama na.

Noon hanggang ngayon, nilalabanan natin ang kurakot sa gobyerno, nilalabanan natin ang pandarambong sa kaban ng bayan, nilalaban natin ang burukrata-kapitalismo na ginagawang negosyo ng mga politiko ang gobyerno.

Noon hanggang ngayon ipinaglalaban natin ang disenteng sahod para sa mga manggagawa, ipinaglalaban natin na magkaroon ng tunay na repormang agraryo para sa mga magsasaka, ipinaglalaban natin ang maayos na edukasyon para sa kabataan, serbisyong pangkalusugan, at disenteng pabahay para sa mga mamamayan. Noon hanggang ngayon ipinaglalaban natin na managot ang mga tiwali, managot ang mga berdugo sa gobyerno, managot ang lahat ng nagpapahirap sa buhay ng bawat Pilipino. Nanawagan tayo na ang lahat ng sangkot dapat managot! Mabuhay ang diwa ng EDSA. Mabuhay ang Lakas Sambayanan. Mabuhay ang mamamayang Pilipino. 

---------------------------------------------------------------------
PUBLIC INFORMATION DESK
publi...@karapatan.org
 
---------------------------------------------------------------------

Alliance for the Advancement of People's Rights
2nd Flr. Erythrina Bldg., #1 Maaralin corner Matatag Sts., Central District
Diliman, Quezon City, PHILIPPINES 1101
Telefax: (+63 2) 4354146

KARAPATAN is an alliance of human rights organizations and programs, human rights desks and committees of people’s organizations, and individual advocates committed to the defense and promotion of people’s rights and civil liberties.  It monitors and documents cases of human rights violations, assists and defends victims and conducts education, training and campaign. 
---------------------------------------------------------------------
PUBLIC INFORMATION DESK
publi...@karapatan.org

---------------------------------------------------------------------


2nd Flr. Erythrina Bldg.,
#1 Maaralin corner Matatag Sts., Central District
Diliman, Quezon City, PHILIPPINES 1101

KARAPATAN is an alliance of human rights organizations and programs, human rights desks and committees of people’s organizations, and individual advocates committed to the defense and promotion of people’s rights and civil liberties.  It monitors and documents cases of human rights violations, assists and defends victims and conducts education, training and campaign.  It was established in 1995.






Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages