|
Sir,
Magandang Araw po sa inyo!
Ako po si Noly N. Quiambao, may asawa at dalawang maliit na anak at kasalukuyan po ngayon na nandito sa Qatar mula pa po noong October 8, 2008 hanggang sa kasalukuyan. Nagta-trabaho po ako bilang Secretary cum Receptionist sa Al Fardan Gardens 4.
Sa kasamaang palad po ay nagkaroon ako ng kaso dahil na din po sa pagnanais kong makatulong sa ating kapwa pinoy. May isa po akong kasamahan na nagpatulong sa akin na magpagawa ng Certificate at nilagay po namin ang Pirma ng aking amo ng walang pahinutulot mula sa kanya. Ito po kasi ay gagamitin ng ating kababayan ayon sa kanya ay sa paghiram ng salapi at paghanap ng trabaho na mas malaki ang sahod. Sa madaling sabi po ay nahuli po ang ginawa naming na iyon at ako po ay nakulong ng isang araw dahil duon. Pansamantala po akong nakalaya sa piyansa at tumakbo po ang kaso ng halos apat na buwan. Nag-pasya na din po an gaming kompanya bandang huli na I-URONG ANG KASO ngunit naging mabagal ang kanilang paglakad kaya ito po ay lumaki at umabot sa korte. Ito pong Jan. 12 ay bumaba na ang hatol at nahatulan po ako ng Tatlong Buwan na pagkaka-bilanggo.
Tinutulungan po ako ngayon ng isa ko pang amo sa Pag-Apila. Ngunit ang unang hearing ay sa June 12 pa po. Lumapit na po ako sa mga sangay ng ating Gobyerno dito ngunit wala po silang magawa dahil maari lang daw po silang makapg-bigay ng abogado sa mabibigat na kaso lamang gaya ng Murder.
Suspindido na din po ako mula pa noong October 5, 2010 hanggang sa kasalukuyan ay wala po akong trabaho magpa-hanggang sa kasalukuyan. Mga kapwa Pilipino na lang po ang tumutulong tulong sa akin dito sa pangangailangan ko sa pagkain at sa iba pa. Isa po si Mr. Manuel Oducado na kasapi ng inyong samahan ang tumtulong sa mga pangangailangan ko.
Dati na po akong naka-hingi ng tulong sa inyo at nakita kop o ang pagkilos nuon ni Mr. Monroy sa aking kapatid na nagka-problema posa Singapore nuong 2009 at talagang napakalaki po ng pagpapsalamat ko duon, bagamat nakakalungkot isipin na ako po naman ngayon ang nasa ganitong kalagayan.
Muli po ay lumalapit ako sa inyo para po sa ano mang tulong or advice na aking makukuha dahil na din po sa napaka hirap ng aking kalagayan na walang trabaho, walang kasiguruhan sa Appeal kung makukulong po ba ako o hindi. Labis po ang pag-bagsak ng aking kalusugan dahil sa hirap sa pag-iisip at lungkot. Nahihrapan napo ako sa aking kalagayan at nais ko na po sana na maka-uwi sa Pilipinas. Sana po ako ay inyong matulungan.
Maraming Salamat po ang more power to Kabalikat. God Bless.
Noly N. Quiambao Secretary Al Fardan Garden 4 Al Halul Abu Hamour, Doha Qatar 56 Office :+974 421 6094/95/96 Mobile :+974 503 8268 Roaming:+632 272 5210 Home : :+632 362 4374 |