|
Good Morning Sir Ed,
Ako po Sir si Noly Quiambao, kasamahan po ni Mr. Manuel Oducado dito po sa Qatar. Nagkaroon po ako ng kaso dito sa Qatar ng FORGING. Ginaya ko sa pamamagitan ng scan ang pirma ng isa kong Amo (Mr. Eslam Shalaby) dahil na din po sa paghingi sa akin ng tulong ng isa nating kababaya (Mr. Dondon Jose Rey) na gagamitin nya daw po sa pangutang ng Pera at pag-apply.
Nag-atras na po ng Demanda ang aking kompanya nung bandang huli ngunit sa kasamaang palad ay hindi po sya naagapan at umabot po sa korte. Ngayon po ay nahatulan ako ng 3 buwan pagka-bilanggo. May tinatwag po sialng Civil case ang sabi nig Judge sa akin at ang sulat na binigay ng amo ko na katunayan na inaatras nila ang demanda ay naka-bawas lamang po ng kaunti ng hatol sa akin. Tinutulungan din po ako ng Kompnya ko ngayon na mag-apila. Ang Attorney fee po dito ay 15. 0000 Riyal na sasagutin na din po ng aking Amo, sila n din po sumasagot sa mga iba ko pang gastusin tungkol po sa kaso. Nag-aapeal na po kami para hindi ako makulong ngunit sa kasamaang palad ay June 2011 pa po ang kasunod na hearing. Anghinahabol na lng po ng aming attorney ay mapa-uwi ako or mapa-baba ang hatol.
Nung October 2010 pa po ako walang trabaho hanggang sa kasalukuyan at mga kasamahan ko lng din pong pilipino ang sumusuporta sa akin ng pagkain at ibang pangangailangan. May dalawa po akong maliit na anak at ang aking bunso ay hindi ko pa nasisilayan kailanman dahil buntis po ang aking asawa ng akoy umalis. Ngayon po ay pinilit kong mag-trbaho ang aking asawa upang meron silang kainin.
Nais ko po sanang humingi ng tulong sa aking problema bagamat ako po ay may kasalanan at inamin ang pagkaka-mali. Sana po ay mapayuhan ninyo ako or kahit na anong pong tulong hinggil sa aking kaso ay ipag-papsalamat ko po ng malaki.
Salamat po sa pakikinig at God Bless.
Noly N. Quiambao Secretary Al Fardan Garden 4 Al Halul Abu Hamour, Doha Qatar 56 Office :+974 421 6094/95/96 Mobile :+974 503 8268 Roaming:+632 272 5210 Home : :+632 362 4374
|