Fwd: Another one

2 views
Skip to first unread message

Amarosa Bautista

unread,
Jun 7, 2006, 5:24:39 AM6/7/06
to Alex cervantes, Rose...@pal.com.ph, le...@gte.net, Josie Wannarachue, JHISP...@googlegroups.com, elizabeth villaluna, g collo, Glenn Bautista, maris...@comcast.net, MariaLour...@fao.org, Margot Bautista, m_c...@hotmail.com, Jim Evangelista, l, teada...@juno.com, cmr...@telus.net, klymtam...@yahoo.com, Bernadette, bian...@yahoo.com, lornaca...@yahoo.com, davidt...@hotmail.com, fbb...@gmail.com, sole...@yahoo.com, Vic Natividad, am...@bulacan.ph, patrice6...@yahoo.com, Yolanda...@fairfaxcounty.gov, va...@adelphia.net, arembe...@yahoo.com, mesp...@worldbank.org, maon...@msn.com, mams...@yahoo.com, Cherry Rebong


---------- Forwarded message ----------
From: Gertrudes De Guzman <degu...@un.org>
Date: Jun 7, 2006 2:09 PM
Subject: Another one
To: Audrey Cowan <apin...@optonline.net>, Bing del Fierro-Kielian <mariak...@sbcglobal.net >, Gertie del Rosario <gertied...@gmail.com>, Gertrudes De Guzman <degu...@un.org>, Giok Beng Cua-Lim < bengc...@yahoo.com>, Irma Bernadette Lim-Atillo new <f3...@mac.com>, Irma Lim <f3...@aol.com>, Jo Arro-Valencia < javal...@lapanday.com>, Joy Muyco <joym...@yahoo.com>, Julia ruste <julia...@yahoo.com>, Leni Sales < len...@msn.com>, Leni Sales <leni...@cox.net>, Linda Estrella delos Reyes <dahli...@yahoo.com>, Lou Poblete < lou...@yahoo.com>, Lou Almendras <loup...@yahoo.com.ph>, Mely crisostomo <ameli...@aol.com>, Myrna Puyod-Solski < mpso...@comcast.net>, Myrna Solski <jso...@comcast.net>, Patria Centeno-David <janina...@yahoo.com >, Patricia Sarenas <pmsa...@yahoo.com>, Radhka Balchand <rad...@yahoo.com>, Rosemarie Munda-Bautista < o.san...@gmail.com>, Sally Macapagal <stmac...@yahoo.com>, Sally Torno Macapagal <che...@yahoo.com>, Sionee Yolores < sion...@yahoo.com>, Sonia Teves <hub...@aol.com>, Tessie Deriada Gonzales <tgonz...@hotmail.com >, Tria Abrina-Magno <tria....@undp.org>, Virginia Munford <beb...@aol.com>
Cc: mar...@zpdee.net , cill...@gmail.com


    Take time to read....it's cute!!! ...Ang galing
ni  Bebeng!!!

   Registered  nurse si Bebeng sa L.A. Kasama niya
ang kanyang ina na nagpagamot doon. Namatay  ang ina
nito. Dahil sa kamahalan ng pamasahe pabalik sa
Pilipinas, nagtipid si  Bebeng. Pinauwi na lang niya
ang kabaong ng kanyang ina na mag-isa.  

  Pagdating  ng kabaong, napansin ng mga kapamilya
niya na nakadikit ang mukha ng ina sa  salamin ng
ataul. Nagkomento tuloy ang isang anak, "Ay, naku!
Tingnan mo 'yan...  hindi sila marunong mag-ayos ng
bangkay sa Amerika! Nakudrado tuloy ang mukha ng
inay."


Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan ang
kabaong. Aba! May  sulat na-nakastaple sa dibdib ng
ina. Kinuha nila ito at binasa. Ang nilalaman  ng
liham na mula kay Bebeng:


 Mahal kong  tatay at mga kapatid:  
   Pasensya  na kayo at hindi ko nasamahan ang
nanay sa pag-uwi riyan sa Pilipinas dahil
napakamahal ng pamasahe. "Ang gastos ko pa lang sa
kanya ay mahigit $10,000 na.  Ayoko nang isipin pa
ang eksaktong halaga. Anyway, ipinadala ko kasama ni
nanay  ang mga sumusunod...

    Nasa likod  ni nanay ang dalawampu't apat na
karnenorte at isang dosenang spam. Ang  adidas na
suot ni nanay ay para kay tatay. Ang limang pares ng
de-goma ay nasa  loob ng dalawang asul na Jansport
na backpack na inuunan ni nanay. Tig-iisa kayo.

   Ang iba't-ibang klase ng tsokolate at candy ay
nasa puwetan ni  nanay. Para sa mga bata ito. Bahala
na kayong magparte-parte. Sana'y hindi  natunaw. Ang
pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni nanay ay para
sa bunso ni  ate. Gift Ko sa first birthday ng bata.
Ang itim na Esprit bag ay para kay Nene.  
   

Ate, nasa loob ng bag ang pictures ni inay,
japanese version ng pokemon trading cards  at
stickers. "Suot ni nanay ang tatlong Ralph Lauren,
apat na Gap at dalawang  Old Navy t-shirts. Ang isa
ay para kay Kuya at tig-iisa ang mga pamangkin  ko.
Maisusuot ninyo ang mga iyan sa fiesta.
   

Suot din ni inay ang anim na  panty hose at
tatlong warmer para sa mga dalaga kong pamangkin.
Isuot nyo sa   party.May isang dosenang NBA caps sa
may paanan ni nanay. Para sa inyo, itay,  kuya,
dikong, Tiyo Mike. Bigyan nyo na rin ng tig-isa
'yung mga pamangkin ko at  'yong isa ay kay Pareng
Tulume.
   

Ang  tigdadalawang pares ng Nike wristband at
knee caps na suot-suot din ni nanay ay  para sa mga
anak mo, diko, na nagbabasketball. Tigdadalawang
ream ng Marlboro  lights at Winston red ang nasa
pagitan ng mga hita ni nanay.
 

Apat na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang
dishwashing liquid, isang Kiwi glass cleaner  at
tig-aanim na Colgate at Aqua Fresh ang nakasiksik sa
kilikili ni nanay. Hati-hati na kayo, huwag
mag-aagawan.


Isang dosenang Wonder bra (Victoria's Secret
ata ang tatak) gustong-gusto ni Tiya Iskang society
natin, suot-suot din ni nanay. Alam kong
inaasam-asam nyo 'yan, tiya. Anim na lipstick  lang
ang kasya sa bra. Ang Rolex na bilin-bilin mo tatay,
suot-suot ni nanay. Nakatakip sa Nike na wristband.
Kunin mo agad, Itay.
 

May isinisik akong  zip-loc sa bunganga ni Inay
na naglalaman ng $759 dollars. Hindi na ako
nakatakbo sa ATM. Puede na siguro sa libing iyon.


 Iyong tong  na makokolekta, i-time deposit niyo
Kuya para pag namatay si Tatay may pambili  na ng
ataul.Ang hikaw, singsing at kuwintas (na may
nakakabit pang anim na nail  cutters)
nagustong-gusto mo, ditse, ay suot- suot din ni
nanay. Kunin mo na rin  agad, ditse. Ibigay mo ang
isang nailcutter kay Jay bakla sa kanto.  
 

Tanggalin niyo ang bulak sa ilong ng inay, may
isiniksik ako 3  diyamante sa bawat butas. Ibangon
niyo lang si inay at tiyak na malalaglag na  ang mga
iyon. Konting alog lang siguro ng ulo.
 

Marami  pa sana akong ipaglalalagay kaya lang,
baka mag-excess at si nanay pa ang  maiwan. Basta
parte-parte kayo, tatay, kuya, ate, dikong, ditse.
Para sa inyo  lahat ito. Bahala na kayo kay nanay.
Pamimisahan ko na lang siya rito.  
   

Balitaan  ninyo na lang ako pagkatapos ng
libing. Alam ni ate ang email ko. Paki-double check
ang lista kung walang nawala sa mga ipinadala ko.  
  Nagmamahal,
   Bebeng

Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages