May makikita ba tayong paliwanag sa kahanga-hangang sandaigdigan?
Mayroon bang kapani-paniwalang kahulugan ang lihim ng buhay? Batid
natin na walang pamilya na mahusay ang pamumuhay kung walang
responsableng pinuno; walang lungsod na mananatiling maunlad kung
walang matatag na pamamahala; walang bansang mamamalagi kung walang
pamunuan. Batid din natin na walang bagay na nabubuhay ng sarili nito
lamang. Alam din natin na ang sandaigdigan ay nananatili at gumagalaw
sa pinakamaayos na paraan, at ito'y patuloy na namamalagi ng
napakahabang panahon. Masasabi ba natin na ang lahat ng ito'y hindi
sinasadya? Maidadahilan ba natin na ang pananatili ng tao at ng buong
sandaigdigan ay nagkataon lamang?
Ang tao ay maliit na bahagi lamang sa kabuuan ng napakalaking
sandaigdigan. Kung ang tao nagpaplano at kanyang pinapahalagahan ang
kabutihan ng pagpaplano, samakatuwid, ang sarili niyang buhay at ang
pamamalagi ng sandaigdigan ay batay din sa nakaplanong patakaran. Ito
ay nangangahulugan na mayroon isang kalooban na nagpaplano sa ating
pananatili, at mayroon isang pambihirang kapangyarihan na lumilikha ng
mga bagay at pinamamalagi silang kumikilos ng mahusay.
Dito sa daigdig, tiyak na mayroon isang kahanga-hangang lakas na
kumikilos upang mapanatiling maayos ang lahat ng bagay. Sa kagandahan
ng kalikasan ay tiyak na mayroom isang dakilang Lumikha na lumalalang
sa pinakamagandang sining at tumutustos sa lahat ng bagay na may
natatanging layunin sa buhay.
Ang mga taong taos-pusong nakakaunawa ay kumikilala sa Lumikhang ito at
tinatawag siyang Allah (Diyos). 'Hindi Siya tao sapagka't ang tao
ay hindi kayang makalikha ng ibang tao. Hindi Siya hayop, ni hindi Siya
halaman. Hindi Siya idolo, ni hindi Siya istatwa sapagka't isa man sa
mga ito ay hindi malilikha ang sarili o ang ano pa man. Siya ay iba sa
lahat ng mga ito. Siya ang Lumikha at Tagapagtustos sa lahat ng ito.
Ang lumikha ng ano mang bagay ay tiyak na kakaiba at nakakahigit sa mga
bagay na kanyang nilikha.
Maraming paraan upang makilala natin si Allah (Diyos), at maraming
bagay na masasabi tungkol sa Kanya. Ang mga kahanga-hanga at
kagila-gilalas na bagay sa mundo ay tulad ng bukas na aklat na kung
saan mababasa ang tungkol kay Allah. Bukod dito, si Allah ang
tumutulong sa atin na makilala Siya sa pamamagitan ng maraming Propeta
at mga Pahayag na Kanyang ipinadala sa tao. Ang mga Propeta at Pahayag
na tio ay nagtuturo ng lahat na dapat nating malaman tungkol kay Allah.
Ang lubusang pagtanggap sa mga aral at patnubay ni Allah na ipindahayag
kay Propetang mohammad (sumakanya nawa ang kapayapaan) ay ang
relihiyong Islam. Sa Islam ay inpinaguutos ang paniniwala sa kaisahan
at kapangyarihan in Allah, na nagbibibay sa tao ng kaalaman sa
kahulugan ng sandaigdigan at sa kanyang bahagi dito. Ang paniniwalang
ito ay nagbibigay sa kanya ng laya sa Iahat ng pangamba at pamadiin sa
pamamagitan ng laging paggunita sa makapapngyarihang Allah at ang
tungkulin ng tao sa Kanya. Ang paniniwalang ito ay dapat na ipakita at
subukan sa gawa. Ang paniniwala ay hindi sapat. Ang paniniwala sa isang
Diyos (Allah) ay nangangailangan ng pagtancw sa sangkatauhan bilang
isang pamilya sa ilalim ng kapangyarihan ni Allah, ang Lumikha at
Tagapagtustos ng lahat. Labis na tinatanggihan ng Islam ang kuro-kuro
na may mga natatanging tao. Ang paniniwala kay Allah at paggawa ng
mabuti ay ang tanging Iandas patungo sa langit. Kaya't ang tuwirang
pakikipag-ugnayan kay Allah ay naisasagawa na hindi na kailangan pa ang
tagapamagitan.
Ang Islam ay hindi bagong relihiyon. Ito rin ang mensahe at patnubay na
ipinahayag ni Allah sa Iahat ng mga Propeta. Ang ilan sa kanila ay sina
Adam, Noah, Abraham, Ismael, Isaac, David, Moses at Hesus (sumakanila
nawa ang kapayapaan) Nguni't ang mensahe na ipinahayag kay Propetang
Mohammad ay Islam sa malawak, ganap at pangwakas na anyo. Ang Koran ay
ang huling Pahayag ni Allah at ito ay ang saligang pinagkukunan ng aral
at batas Islamiko. Ang Koran ay nagbibigay ng batayan sa Iahat ng bagay
: pananampalataya, kagandahang-asal, kasaysayan ng sangkatauhan,
pagsamba, kaalaman, karunungan, ugnayan ng tao at Diyos, at ugnayang
pangkapwa-tao, Sa malawakang pagtuturo nito ay naitatayo ang matatag na
paraan sa panlipunang katarungan, karunungang pangkabuhayan,
pamahalaan, batasan, hurisprudensiya, at batas sa pakikipag-ugnayang
pangdaigdig. Ang "Hadith" ay ang mga aral, salita at gawa ni
Propetang Mohammad (surnakanya nawa ang kapayapaan) na maingat na
inipon at iniulat ng kanyang mga matapat na kasamahan. Ang "Hadith"
ay nagpapaliwanag at nagbibigay detalye sa mga berso ng banal na Koran.
Mga Pangunahing Paniniwala Sa Islam
Ang tunay at matapat na Muslim ay naniniwala sa mga sumusunod na
pangunahing saligan ng pananampalayaya:
1. Siya ay naniniwala sa iisang Diyos (Allah), ang Kataas-taasan at
Walang Hanggan, ang Makapangyarihan, Mahabagin at Madamayin, ang
Lumikha at Tagapagtustos.
2. Siya ay naniniwala sa lahat ng Propeta ni Allah na walang
pagtatangi-tangi. Bawa't lahi ay nagkaroon ng Tagapagbabala o Propeta
mula sa Diyos. Sila ay pinili ni Allah upang turuan ang sangkatauhan at
upang ipahayag ang banal na mensahe. Ang banal na Koran ay nagsasaad ng
mga pangalan ng dalawampu't limang propeta. Si Propetang Mohammad
(sumakanya nawa ang kapayapan) ay ang panghuling propeta.
3. Ang Muslim ay naniniwala sa mga kasulatan at Pahayag ni Allah. Ito
ay ang mga patnubay na natanggap ng mga Propeta upang ipakita sa
sangkatauhan ang tamang landas tungo kay Allah. Sa banal na Koran ay
may natatanging pagbanggit sa mga kasulatan nina Abraham, Moses, David
at Hesus (sumakanila nawa ang kapayapaan). Bago ipinahayag kay
Propetang Mohammad (sumakanya nawa ang kapayapaan) ang banal na Koran,
marami sa naunang mga kasulatan at pahayag ay nangawala na o iniba na
ng tao. Ang tanging tunay at buong mensahe ni Allah na nananatili
ngayon ay ang banal na Koran.
4. Ang Muslim ay naniniwala sa mga anghel ni Allah. Sila ay mga
ispirituwal at mga kahanga-hangang nilikha na likas na hindi
nangangailangan ng pagkain, inumin o tulog. Iniuukol nila ang kanilang
panahon sa pagsamba kay Allah. Sila ay mga mararangal na tagapaglingkod
na may kanya-kanyang tungkulin. Sila ay nangungusap lamang pagkatapos
magsalita si Allah, at kumikilos lamang ng tanging ng tanging pagsunod
sa Kanyang iniuutos.
5. Ang Muslim ay naniniwala sa Araw ng Paghuhukom. Darating ang araw
ang mundong ito'y magwawakas. Ang mga patay ay babangon upang humarap
sa makatarungang paglilitis. Ang mga taong may magagandang talaan ay
mabibigyan ng masaganang gantimpala at sila'y saslubungin sa
kalangitan ni Allah. At ang mga taong may masasamang talaan ay
mapaparusahan at itatapon sa impiyerno.
6. Ang Muslim ay naniniwala sa tadhana mabuti man o masama ito. Si
Allah ay nagbibigay sukat at pasiya sa tadhana ng lahat na nilikha na
ayon sa Kanyang kaalaman at sa Kanyang walang hanggang karunungan. Ang
Muslim ay naniniwala sa kapangyarihan ni Allah na magplano at isagawa
ang kanyang plano. Walang magaganap sa Kanyang kaharian na salungat sa
Kanyang nais. Ang Kanyang kaalaman at Kapangyarihan ay nananatiling
umiiral sa lahat ng Kanyang nilikha sa lahat ng sandali. Siya ay maalam
at maawain, at ano man ang kanyang naisin ay may makahulugang layunin.
Kung ito ay mailalagay sa ating mga isip at puso, tatanggapin natin ng
buong pananampalataya ang lahat ng Kanyang loobin kahit ito ay hindi
natin maunawaan ng ganap.
Ang Limang Haligi Ng Islam
Sa Islam, ang pananampalataya na walang pagganap at kulang sa pagsagawa
ay walang buhay. Ang pananampalataya ay likas na sensitibo at maaring
maging napakamabisa. Nguni't sa sandaling mawalan ng kaukulang
pagganap o hindi nagagampanan, ito'y madaling mawalan ng sigla at
kakayahang mangganyak.
Ang mga sumusunod ay ang limang haligi ng Islam:
1. Shahadatain: (Ang Pagtestigo sa Kaisahan ni Allah at Pagkapropeta
ni Mohammad)
And pagsumpa na walang karapat-dapat na sambahin maliban kay Allah, at
si Propetang Mohammad (sumakanya nawa ang kapayapaa) ay kanyang propeta
sa lahat ng sangkatauhan hanggang sa araw ng paghuhukom. Ang
pagkapropeta ni Mohammad ay nagbibigay ng tungkulin sa lahat ng Muslim
na sundin ang kanyang ulirang pamumuhay bilang huwanan.
2. Salah: (Ang Pagdarasal)
Ang pagdarasal ay inihahandog limang ulit isang araw bilang tungkulin
kay Allah. Pinatitibay nito ang pananampalataya kay Allah at nagbibigay
ito ng inspirasyon upang magkaroon ng mataas na moralidad.
Pinadadalisay nito ang puso at iniiwas ang tao sa tuksong gumawa ng
kasamaan.
Ito ay ang mga sunusunod:
- Salatu-l-Fajr (ang pagdarasal sa madaling araw)
- Salatu-l-Duhr (ang pagdarasal sa tanghali)
- Salatu-l-Asr (ang pagdarasal sa hapon)
- Salatu-l-Maghrib (ang pagdarasal sa takipsilim)
- Salatu-l-Isha (ang pagdarasal sa gabi)
3. Zakah: (Ang Nagpapadalisay na Limos)
Ang literal na kahulugan ng Zakah ay kadalisayan. Ang teknikong
kahulugan nito ay ang paglalaan ng taunang halaga sa ano mang uri ng
kayamanan o salapi ng Muslim na may kakayahan upang ipamigay sa mga
nararapat makinabang. Nguni't ang pangrelihiyon at ispirituwal na
kahulugan ng Zakah ay higit na malalim at masigla. Ito ay may makatao
at panglipunang kahalagahan.
4. Sawm: (Ang Pag-aayuno)
Sa buwan ng Ramadan, simula sa bukang-liwayway hanggang sa takip-silim,
ang mga Muslim ay umiiwas sa pagkain, inumin at pakikipagtalik sa
asawa. Gayon din sila ay pangkaraniwan ng umiiwas sa mga masasamang
layunin at pagnanasa sa lahat ng buwan ng taon lalung-lalo na sa buwan
ng Ramadan. Ito ay nagtuturo ng pagmamahal, pagmamahal sa kapuwa,
pagkamatiisin, pagkamatulungin at katatagan ng loob.
5. Hjj: (Ang Paglalakbay sa Makkah)
Ito ay kailangang maisagawa minsan sa buhay ng sino mang Muslim na
kayang tustusan ang paglalakbay at nasa mabuting kalusugan. Ito ay ang
pinakamalaking taunang pagtitipon na kung saan ang mga Muslim ay
nagkikita-kita upang magkakilala at pag-aralan at itaguyod ang
kapakanan ng lahat. Ito ay isang pagpapatunay sa pagkasandaig-digan ng
Islam at sa pagkakapatiran at pagkakapantay-pantay ng mga Muslim.
http://islammessage.com/bb/index.php?act=idx
http://islammessage.com
.
.
.
http://www.3z.myfreebb.com/