1. "Lahat naman ng tao sumeseryoso pagtinamaan ng
pagmamahal. Yun nga
lang,hindi lahat matibay para sa temptasyon."
2. "Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit
sayo. Gamitin ang
utak para alagaan ang sarili mo."
3. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang
makitang hawakan ng
iba."
4. "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo
lang."
5. "Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may
hawak ka na."
6. "Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan
ung sarili mo
kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw
mo lang pansinin."
7. "Kung maghihintay ka nang ng lalandi sayo, walang
mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din."
8. "Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay
mo sa mga susunod na
araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."
9. "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot
sa tanga kundi
pagkukusa."
10. "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo.
Kasi may mga tao
rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang."
11. "Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali?
alam ba nilang pag
natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit
gusto nila?
12. "Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa
kundi ang pagtanggap
na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban
upang
makasama ka."
13. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan
ka, wag mong sisihin
ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo
sa katawan mo.
Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo
naman ay ang
hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka
pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga
sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo
kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan
sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"
14. "nalaman kong hindi final exam ang passing rate
ng buhay. hindi ito
multiple choice, identification, true or false, enumeration
or fill-in-the-
blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw.
Huhusgahan
ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base
sa kung may
kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures."
15. "Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima , sampung
taon sa
hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong
di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie
Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng
tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan
sa eskwelahan e
nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka."
16. "ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang
wala sa buhay ko "
17. "hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?"
18. "hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang
bagay ay
kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin
ay
katotohanan. "
19. "Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa
o maglakad sa bubog
nangnakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs.
Kung hindi mo kayang
umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil
alam nila kung
saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan."
20. "Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral,
manghihinayang ka
pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang
dulot ng mga
araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang
teacher.
(Haaay, sarap!)."
21. "Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang
sira mong pamilya,
palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na
ipis. Kung may
pagkukulang sa'yo mga magulang mo, pwde kang manisi at
maging rebelde.
Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay
ka ng
buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima.
Rebeldeng walang
napatunayan at bait sa sarili."