Ang agham panlipunan o ulnayan (Aleman: Sozialwissenschaft; Kastila, Portuges: ciencias sociales; Ingles: social sciences) ay isang pangkat ng mga disiplinang akademiko na pinag-aaralan ang mga aspekto ng tao sa mundo. Lumalayo ang mga ito mula sa mga sining at humanidades at sa halip, nagbibigay-diin sa paggamit ng kaparaanang agham at mahigpit na mga pamantayan ng ebidensiya sa pag-aaral ng sangkatauhan, kabilang ang mga kaparaanang kaparaanang nabibilang at kaparaanang pangkatangian.
Tinutukoy minsan bilang mga malalambot na agham ang mga agham panlipunan, sa pag-aaral ng parehong inter-subhektibo at obhektibo o aspetong kayarian ng lipunan. Salungat ito sa mga matitigas na agham na maaaring eksklusibong nakatuon sa obhektibong aspeto ng kalikasan.
Kasabay nang paglaganap ng nasionalismo at pagbubuo ng pambansang identidad ay may isang nabuong kilusang naglalayon ng indihenisasyon o "Pilipinisasyon" ng agham panlipunan sa ating bansa. Sa pananaw ng kilusang ito; ang karamihan ng mga mananaliksik ng lipunang Pilipino ay gumagamit ng mga konsepto at
nabatid na hangganang ito, nabigyan ng diin ang kahalagahan ng historikal at kultural na kontekstong pinapalooban ng mananaliksik. Ang mga nagdadalubhasa sa di-kanluraning bahagi ng mundo ang siyang masidhing nakakaranas ng ikalawang krisis dahil nasa kanilang mga kamay ang paghubog ng kaalaman na bunga ng pakikilahok sa kanilang sariling mga kultura. Kaya ang proseso na kanilang sinusulong tungo dito ay ang proseso ng pagsasakatutubo ng kanilang mga disiplina. Ang Sikolohiya naman ang siyang matinding nakakaranas ng pangalawang krisis dahil sa mga nabanggit na taglay nitong kalangian at kahinaan. At sa mga nakikitang kasalukuyang gawain sa Sikolohiya, lalo na sa ating bansa, masasabi na laganap at nagpapatuloy pa rin ang una at ikalawang krisis sa agham panlipunan sa disiplina ng Sikolohiya. Ang ibig sabihin: patuloy pa ring tinitingnan ang paksaing sikolohikal bilang paksaing agham pangkalikasan na mahihiwalay sa kahulugang maibibigay ng taong nakakaranas; patuloy pa ring tinitingnan ang penomenong sikolohikal mula sa perspektibo o pagpapakahulugan ng isang kulturang hiwalay o naiiba sa kulturang pinapalooban ng mananaliksik.
Ang pagpapalaganap ng wikang Filipino ay hindi payak na romantisasyon ng nasyonalismo. Sa halip, ito ay instrumento tungo sa higit na demokratisasyon ng wikang Filipino, at samakatuwid ay may malalim na implikasyon sa usapin ng katarungang panlipunan. Sa kontekstong ito mabibigyang-diin ang dulot na suliranin ng Dambuhalang Pagkakahating Pangkalinangan, na dahilan kung bakit mas namomonopolisa ng elit ang mga daluyan ng kapangyarihan tulad ng edukasyon, komersyo at pulitika. Tungo sa paghahanap ng lunas sa suliraning ito, makatutulong ang pagsasa-Filipino ng agham panlipunan bilang esensyal na bahagi ng sistemang pang-edukasyon.
The advocacy for the proliferation of Filipino language is not a mere romantization of nationalism. Instead, it is an instrument towards the democratization of Filipino language, and thus has a deep implication on the issue of social justice. It is in this context that the problem caused by the Great Cultural Divide can be emphasized, which paved the way for the greater monopolization of education, commerce and politics by the elite. In the search for a solution to this problem, the Filipinization of social sciences as an essential part of educational system can help.
Si Mark Joseph Pascua Santos ay nagtapos ng Bachelor of Arts in History at Postbaccalaureate in Teacher Education sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP), at Master of Divinity sa Manila Theological College (MTC). May-akda siya ng mga artikulo at panunuring-aklat sa mga akademikong dyornal tulad ng Tala, Historical Bulletin, Dalumat, Saliksik, at Talastasan. May-akda siya ng akdang 19 Rebyu Kontra COVID-19: Kalipunan ng mga Panunuring-aklat sa Agham Panlipunan, Teolohiya, at Panitikan, at ng aklat na 50-50: Talambuhay ng Ilang Pangunahing Personalidad ng Batas Militar. Patnugot din siya ng Martes sa Escaler at Martes sa Escaler II. Nakatuon ang kanyang pananaliksik sa mga kilusang Pilipinisasyon tulad ng Pantayong Pananaw at Teolohiyang Pilipino. Kasalukuyan siyang Lecturer sa Departamento ng Filipino, De La Salle University.
c80f0f1006