At habang paulit-ulit kong naalala ang usapang ito habang nakasakay ako sa tricycle kanina papuntang Crossing, pumasok sa isip ko bigla ang kwentuhan namin ng isang matalik kong kaibigan na tubong Calamba din. Oo, ikaw ito, Oli.
Sentro ang bayan ng lahat noon. Pero sa tingin ko, mula noong nasunog ang palengke at nagtayo ng Jollibee sa Crossing, nagsimulang magbago ang Calamba. Ang lahat ng mga suki natin sa pamilihan, nagbago. Nagulo.
Tandang-tanda ko noong opening ng Jollibee. May malaking inflatable Jollibee sa bubong nila. Binalak naming kumain nina Daddy noon pero sobrang haba ng pila. Feeling ko Jollibee ang naging simula ng pagbongga ng Crossing. Hindi na matawaran ang pagsulpot ng kung anu-anong kainan at commercial buildings pagkatapos noon. Nagka Shakeys, Andoks, Chowking, KFC, McDo, Waltermart at kung anu-ano pa.
Ung Cosmos bakery sa xsing at ung terminal ng bltb.hahaha.tpos ung suzette na kainan sa trade pra sa js prom. Ung Rizal tech sa may burgos at hrapan ng bowlingan.walang cnbi ang tesda at don bosco dun.bkit d nyo isama mga ckat n birhauz kgya ng papa bens, hawaii 5-O at sawali. Marami pa.hehehe
Meron nakalimutan,,un bowling center n ngaun ay filtan hardware,,,un arkilahan ng komiks n,mang lito malapit noon s takilya n ngaun ay perez groceries,un bilihan ng regalo pag bday,kasalan ay kla piuelas s isdaan un tapat,,,un bilihan ng patuka s manok kla aling doray n,ngaun ay jolibe s lumang palengke,,,s gulayan nman,dinudumog cla paner,,,pag gusto magpagiling ng kape papasok u s looban,,pti bigasan,,,n ngaun ay harapan ng mercado,,,yan p ang mga nakaraan noon n ngaun ay wla n,,,,makabagong pamilihan n ang makikita,,,
Yup i remember Ycasas kasi batchmate ko ung isa sa mga anak or apo nila. Im not from calamba but studied there for 8 years during my highschool and college days. And yes parang nawala na ang glory days ng bayan after the big fire at the old palengke. We were in highschool then. I think it was around xmas or new year that time. Those places mentioned in the comments bring back memories. I think ill visit my hs alma mater soon. With side trip to my friends house. Thanks guys.
There were two bowling and billard center in crossing before Riverview one is Eva Lanes located the new Mercury Drug and HBC owned by Jolly Brosas and another one owned by Alcasid family located at the present site of Mercuryr Drug and 7-11.
yun bilihan ng gamot anong name nga nun botika dun bago magkamercury. sa palengke din yun eh.laking palengke ako kasi may pwesto kami dun.
anf mac merchandising po nasa tapat ng footstep noon.ang may ari si tita lai ying mac
Kilala pala kita dahil kapatid mo si Loreene. One batch higher nga lang ako sa kanila sa Letran. At siyempre mas naririnig ko ang pangalan mo sa Elbi noong mga panahong nagtuturo ka pa. Sana pala naging estudyante mo rin ako. ?
-sino ang mga naghamon ng away sa Tres?
-saan yung orig na tiangge?
-yung pinakaunang Jollibee yata e dun sa tapat ng Central 1.. tama ba? opposite ng RCBC at kabilang kalsada ng Mr Quickie.
SIguro pwede kong sabihin na, nagsimula ang kabataan ko sa Jolibee sa crossing. Naaalala ko dati, pagkatapos namin magsimba sa Fatima Church sa Lawa, deretso kami sa Jolibee sa Crossing. Maglalaro sa parang play ground sa loob. Pag napagod, kakain ng jolly hotdog. Palagi yun. Nakakadismaya man isipin, pero, yung Jolibee branch na yun ang isa sa mga bumuo sa pagkabata ko.
Nakakalungkot na dun pala nagsimula ang pagbabago ng Calamba. Nakakalungkot na isa pala ako sa mga tumangkilik at nagtulak para sa pagiging mas progresibo ng Calamba. Nakakalungkot na hindi ko na pala talaga naabutan yung payak ngunit masaya na Calamba.
I left my hometown(Calamba) 7 yrs ago when I was 14 yrs old. I recently spent my Christmas and New Year;s there last year. Grabe ang dami ng nagbago. The places I used to go to, to buy my favorite okoy,halo halo are not there anymore. Nakakapanibago and sad at the same time. Marami ng mga dayo. Halos dati magkakakilala lahat ngaun nakakatakot na =(
yung dating bahay ni rizal noong ndi pa na rerenovate ung wishing wheel dun na nauuto aq magtapon ng pera dahil magkakatotoo dw ang wish sundan pa ng factor na dun daw nakalibing si rizal at nagmumulto dun.,miss the old Calamba!
Wishing well po, hindi wishing wheel ? Tapos noon may mga magagandang empleyado sa bahay ni rizal na nagsisilbing tour guide pagpasok mo plang sa bahay ni rizal. may mga nakatayo pang gwardya sa harap na di nagalaw.
At yung IMEI or IEMI na lagi kong nadadaanan (malapit sa may bantayan or tibag na ba un) kapag galing akong JRMS nung elementarya ako na hindi ko naman alam kung ano ang itinutinda hanggang ngayon hahahaha!
At ang STI na nasa kanto ng tibag nung araw ?
Ung mga panahong wala pang baywalk sa aplaya. Every weekend morning pupunta kami nila daddy at ate papahangin at magpapaaraw. Tapos yung hangin pagsapit ng ber months ay ung tipong nadadala ka at natatalsikan ka pa ng tubig na galing sa lake sa sobrang lakas.
Hindi po ako puro at tubong Calamba dahil galing ako sa lumang Canlubang. Pero noong panahon na iyon, Calamba ang puntahan at dinadayo sa kahit anong pangangailangan. Ang ama ko ay nagturo sa L.I. bago pa ito naging LCBA. Ang mga tiyahin ko ay pawang naging guro din sa naturang pamantasan.
Kaibigan at kakilala ng ama ko ang mga unang henerasyon ng mga may-ari at nagpsimula ng mga tindahan na nabanggit sa loob ng Calamba (ngayon siguro mga apo na ang nagpapatakbo, tulad ng palitan ni Mang Docio). Kaya naman alam na alam ng magulang ko noon kung saan at kung sino ang mabibilhan mo ng mga de-kalidad na gamit (pati na iyong 2 lalaki na magkapatid na nagtitinda ng sinturon, lighter at iba pang maliliit na bagay sa loob ng lumang palengke).
Matagal na ako umalis ng Canlubang at Calamba (baka hindi pa isinisilang karamihan ng nag-komento sa blog na ito). Kalakasan pa noon ng BLTB terminal at hindi pa nagagawa ang Calamba Trade Center. Pero sa mga pamilihan ng Calamba ang kinalakihan ko. Sa UPLB ako nag kolehiyo. Matanda na ako. Presidente pa si Marcos noon.
Noong nakaraang taon 2012 nagkaroon ako ng pagkakataon na bumisita muli sa Pilipinas at bumalik sa Canlubang at Calamba. Napakalaki ng ipinagbago. Nawala na karamihan ng kinalakihan ko. Nawala na ang simpleng mga bagay. Nakakapanghinayang isipin pero nakatutuwang alalahanin.
Maswerte ako at laking Calamba ako noon. Kung ikaw ay naging estudyante sa JRMS (Jose Rizal Memorial School), siguro di mo makakalimutan na nkapaglaro ka sa malaking puno ng Narra noon doon. napakalawak ng playground ng school na un..msarap akyatin ung puno ng narra na un tapos doon ka kakain ng snacks mo pagbreaktime. hindi ka papalabasin basta bsta noon ng gwardya kasi daw may nandudukot ng bata.
Martinez Institute located at Burgos St beside Laguna Institute now LCBA was the first vocational school in Calamba. My mom graduated her dressmaking in the said vocational school. My mom today is 80 yrs old. I had my typing course and steno also at the same institute and am 59 yes old now.
at sa plaza lang ng calamba may magarbong pampublikong palaruan para sa mga bata, kapag naman gusto mo ng mga medyo imported na kagamitan sa j.garcia ito matatagpuan malapit sa calamba cinema,
thumbs up sa iyong blog. it makes sense sa isang calambenyo!
ung mga sinabi mo natatadaan ko pero d lahat kc taga bario ako,masarap sariwain yong panahon n nabanggit mo.prang gus2 ko p tlg ang pamumuhay noong s calamba,pag kumita kmi ng kaonti s pagkakarga ng tubo o s paggagamas,punta agad kmi ng byan.arcade, yayang,halo halo pansit s aplaya.khit simpleng baso lang ang lalagyan napakasarap n.tapos magbibilyar s palengke,kay canicosa yata iyon.
yung mga taga Letran Calamba naman, yung mainstay na siomai-an, palamigan at banana q sa harap. after long day of school dito ka bibili ng murang meryenda tapos lalakarin hanggang kanto. If memory serves, A&W dati yung Chowking ngayon sa tapat ng JP Rizal Hospital na dating kulay pink?
naalala nyo po ba yung greenwich dati na nag iisang bilihan ng Pizza na bago pa mag MR. QUickie sa may kahanay ni gamez? un po ata ang unang franchise ng greenwich eh, sa tapat ng parlor ni JUN ENCARNACION. kilala nyo din ba si mariong hubo at bonjing?
Mabuhay theater was the first theater in Crossing which was later renamed Rizal theater.. Eva Lanes and billards and another one owned by the the Alcasid Family previously located at the present Mercury drug and 7-11 before Riverview was established.. Rubal and Shanghai restaurants before Ding Hao. Fojas and Laforteza studios.
Naalala ko Rizal bakery kasi malapit sa tindahan namin. Di ko makakalimutan ung pandesal nila at ung fave ko na half moon. Dun din kami bumibili ng katsa para sa H.E project namin. Batang childgarden din po.
May I add, bago pa ang Ding Hao, Cafe Valenzuela muna, at ang Cuyab Hot Spring na lagi naming venue kapag school closing. Every Friday kasama ko ang lola ko sa Mahal na Senyor. At from Saint John dadaan kami sa Rizal Bakery pauwi para bumili ng masarap na cup cakes at meringue. Sikat ang Mercury Drug sa Crossing at sana natatandaan nyo pa ang Eva Lanes bowling sa Crossing din. Sarap mag reminisce no!
Mas naaalala ko yung kapalaran bus liner na sinasakyan namin ng nanay ko noon kapag luluwas pa baclaran o divisoria. Yung tipong ordinary bus lang na bukas lahat ng bintana tapos pagbaba mo eh ang lagkit at ang tigas ng hair. Haha! Oh how I miss the old Calamba. ?
Di ko rin makakalimutan yung bilihan ng meryenda sa General Lim, kay Aling Minying. Yung building sa tapat ng central one na kung tawagin na ngayon ay dating mcdo, dun ang unang-unang mcdo yata ng calamba. Sayang lang nagsarado na.
San ang baba? sa dating MCDO po!
Kung pupunta sa medyo malayong lugar at kelangan sumakay ng jeep, isa sa mga trade mark ay ang dating Mcdo. Dun kasi madalas dumadaan ang jeep sa dating Mcdo.
San ka iha? Sa dating Minute!
Eto naman ang trade mark ng mga estudyanteng pumapasok sa L.I. at eto rin ang trade mark sa mga Titser o estudyante na mag papa xerox copy ng kanilang pagsusulit na naka sulat pa sa yellow pad paper.