Ang Karunungang Lihim Ukol Sa Suwerte, Grasiya At Mga PagpapalaBy Talamebs Religious Items ShopAng lihim na karunungan na ito ay isinulat upang pagkalooban ng tulong ang mga nag-eespiritual hinggil sa mga pangangailangang material. Ipinauunawa sa mga magtatangan ng testamento na ito na ang bisa nito ay depende sa Diyos, kung ipagkakaloob sa iyo ang mga ito, at depende sa iyong katayoang espirituwal, kung nararapat ka ngang pagkalooban ng yamang pangmateryal.Nakatala sa testamento na ito ang tungkol sa mga karunungan na nauukol sa pagtatamo ng mga kayamanang material, upang magamit sa marangal na pamumuhay at para sa pagtulong sa kapwa.Kung masama ang inyong pagnanasa, ay isangtabi ang testamento na ito, sapagkat hindi aandar ang mga banal na salita sa loob nito kung ang puso at diwa ng gagamit nito ay masama.Kung ang iyong diwa ay totoo, at likas sa iyo ang pagiging matulungin sa kapwa, sa pamilya, kung mataimtim kang manalangin ay hindi ka pagkakaitan ng tulong ng Diyos.Ang bisa ng testamento na ito ay depende sa gumagamit, at depende sa Diyos, kung pagkakalooban ka Niya ng karampatang Kapangyarihan upang magkaroon ka ng yaman sa pamamagitan ng testamento na ito.Huwag makakalimot sa Diyos at sa iyong kapwa-tao, upang ang biyaya ng Diyos ay patuloy na dumating ng walang tigil sa iyong buhay.
MARAMING MARAMING SA PAGBABAHAGI NG IYONG KAALAMAN KAPATID MAKAKAASA KANG GAGAMITIN KO ITO SA KABUTIHAN AT HINDI SA KASAMAAN. IPAG DASAL MO PO SANA AKO NA SANA MAGING MATAGUMPAY AKO SA AKING PAGSASALIKSIK SA LNK AT MAGAMIT KO ANG KALAAMANG NALIKOM KO PARA MAIBAHAGI SA MGA NANGANGAYLANGAN. MABUHAY KA AT PAGPALAIN KAPA NG PANGINOONG DIYOS.
Salamat kapatid at salamat sa ating DIYOS AMA NA NASA LANGIT AT ANG ATING TAGAPAGLIGTAS PANGINOONG KRISTO JESUS.
Ang Banal na nakatagong salita na ito ay dapat ingatan sa mga nabahagian at nakakamit nito ito po at sagrado.
Isa kang pinagpala Kung nakamit mo Ang mga banal na salita at dasal (orasyon). Kaya dapat ingatan.
Maraming salamat po maestro sa pag-share po ninyo ng mga kaalamang ito ng mga panggagamot marami kong natutuhan rito Sana po magkaroon din ng bisa ito sa aking pangangalaga at ng makatulong rin ako sa ibang mga nangangailangan ng tulong, maraming salamat po sa into maestro.
Maestro Kapatid magandang araw sa iyo.Tanggapin mo ang taos puso kung pasasalamat sa tiyaga mo na makapag turo ng mga karunungan lihim. Pag palain ka ng Poong Maykapal sa kababaan loob mo na mka pamahagi ka ng karunungan na ito. Malaking tulong ito sa mga interesado matuto at manggamot para mka tulong sa family at kapwa tao. Mabuhay ang Diyos Ama at ang Panginoong Jesus kristo. Inshaallah.
pakilagay po ng tamang salita sa mga latin na "SITIIT TIRIIT CUTIITNE" na nkpublish nyo dhil kung tunay po na nauunawaan nyo ang mga iyan ay hindi yan ang tamang latin na yan ay magaiging dahilan upang matawag ay bad Spirit..maaring hindi po nyo kilala ang tunay na me ari ng mga salitang latin na yan.
kaya po dumarami ang sakit na likha ng bad spirit ay dhil sa mga komokopya ng ganitong mga latin na may maling mga salita na di nila toong nauunawaan ang kahulugan sa tagalog at kung sino ang natatawag nila kapag nagdarasal...
Ginamit ko po Ang mga dasal na natutunan ko dito at AWA po Ng dyos gumaling po Ang anak ko at ako.
Nawa po ay natutunan ko pa Ito lalo at pagyayamanin Ng dyos Ang aking kaalaman upang sa susunod na mga panahon ay magamit ko sa kapwa ko Ang aking natutunan.sa pangalan po Ng sting panginoong Jesus,amen.
Binasa ko yung ibang mga salita, sana hindi naman ako nakapukaw at walang mangyare na hindi maganda. Natakot ako bigla. Sana hindi pinalaganap ang ganitong mga kopya kung mali po ang ibang latin na ginamit. Mag-iingat po tayong lahat.
c80f0f1006