[Unang Digmaang Pandaigdig Trivia Crack

0 views
Skip to first unread message

Luther Lazaro

unread,
Jun 12, 2024, 10:57:12 PM6/12/24
to heijaystorbobs

Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay hidwaang internasyonal na naganap mula 1914 hanggang 1918 na kinasangkutan ng mga makapangyarihang bansa sa mundo na noon ay napapangkat sa dalawang magkalabang alyansa: ang Alyadong Puwersa (batay sa Tatluhang Kasunduan ng Imperyong Briton, Imperyong Ruso at Pransiya) at Puwersang Sentral (mula naman sa Tatluhang Alyansa ng Imperyong Aleman, Austriya-Unggarya at Italya). Ang digmaan ang isa sa mga pinakamapinsalang digmaan sa kasaysayan.[1][2]

unang digmaang pandaigdig trivia crack


Downloadhttps://t.co/lvqtslxB9J



Ang pagpaslang kay Archduke Franz Ferdinand ng isang makabayang Serbiyo na nagngangalang Gavrilo Princip noong 28 Hunyo 1914 ang itinuturing na siyang pinakasanhi ng pagsisimula ng digmaan. Nagsimula ito noong ika-28 ng Hulyo 1914 nang magpahayag ng pakikidigma ang Austriya-Unggarya laban sa Serbiya na siya namang nagbunsod sa dalawang magkalabang alyansang nabanggit, kasma na maging ang kani-kanilang kolonya, na makibka sa isa't isa. Makalipas ang ilan pang linggo, ang digmaan ay tuluyan nang lumaganap sa buong mundo.[3][4][5]

Matapos makapagpahayag ng pakikidigma ay kagyat na sinalakay ng Austriya-Unggarya ang Serbiya. Sinundan ito ng pananakop ng Imperyong Aleman sa Belhika, Luksemburgo at hilagang Pransiya, at ng bigong pananalakay ng Imperyong Ruso sa silangang Alemanya. Buhat naman nang mapipilan ng sandatahang Briton-Pranses ang pag-abante ng sandatahang Aleman patungong Paris ay nauwi na sa pakikidigmang pambambang ang mga sagupaan doon na siya naman nagdulot upang halos hindi na umusad ang magkabilang panig. Nang mga sumunod na taon ay nakisangkot na rin sa digmaan ang Imperyong Otomano, Italya, Bulgarya, Rumanya, Gresya at iba pa samantalang bumagsak ang monarkiya sa Rusya matapos ang Himagsikang Ruso noong 1917 na nagbigay daan upang kumawala ang mga Ruso sa digmaan at maglunsad ng sunod-sunod na opensiba ang mga Aleman sa kanlurang Europa hanggang sa pumasok ang Estados Unidos sa digmaan. Sumuko ang Imperyong Aleman at mga kaalyado pagsapit nang 11 Nobyembre 1918 matapos ang isang matagumpay na kontra-opensiba ng Alyadong Puwersa.[6][7]

Sa pagtatapos ng digmaan ay maraming bansa ang itinatag sa Europa mula sa labi ng mga Imperyong Aleman, Austro-Unggaryo, Otomano at Ruso. Itinatag noon ang Liga ng mga Nasyon upang pigilan ang anumang tunggaliang maaaring maganap sa mundo. Ang mga kasunduang itinadhana ng Kasunduan ng Versailles na nagdulot ng matinding paghihikahos sa mga mamamayang Aleman at ang pag-usbong ng pasismo sa Europa ang ilan sa mga dahilan upang muling sumiklab ang isa pang pandaigdigang digmaan pagsapit nang 1939.[8][9]

Ang katawagang "Unang Pandaigdigang Digmaan" ay unang ginamit nina Ernst Haeckel, isang pilosopong Aleman, noong Setyembre, 1914 at ni Carlos A. Repington, isang mamamahayag, noong 10 Setyembre 1918 sa kanilang isinulat na mga talaarawan.[10]

Sa ngayon, ang pangalan ng digmaan na ginagamit sa Nagkakaisang Kaharian at Kanada ay "Unang Pandaigdigang Digmaan" (First World War) samantalang "Unang Digmaang Pandaigdig" (World War I) naman sa Estados Unidos.

Noong 1870, ay sumiklab ang isang digmaan ng Pransiya at ng mga estadong Aleman sa pangunguna ng Prusya. Sa digmaang ito'y nasakop ng mga Aleman ang malaking bahagi ng Pransiya hanggang sa tuluyang mapipilan ang mga Pranses. Nagbunsod ito sa pag-iisa-isa ng dating maliliit at magkakahiwalay na mga estadong Aleman na kalaunan ay tinawag blang Imperyong Aleman. Napasakamay ng bagong imperyo ang Alsasya at Lorena - mga teritoryong Pranses, samantalang buo naman ang pasya ng Pransiya na mabawi ang mga nasabing teritoryo. Mula noo'y lumakas at umunlad ng gayon na lmang ang industriya't ekonomiya ng bagong tatag na imperyo.[11][12]

Makalipas ang dalawang taon ay isang alyansang tinatawag na Liga ng Tatlong Emperador ang pinasinayahan ng mga imperyong Aleman, Austro-Unggaryo at Ruso subalit hindi nagtagal nang may namuong alitan sa dawalang hulng nabanggit hinggil sa mga usapin sa Rehiyong Balkanika. Dahil dito, noong 1879, ay bumuo ng sariling alyansa ang Imperyong Aleman at Austro-Unggaryo na tinaguriang Dalawahang Alyansa. Kalaunan nama'y sumali ang Italya sa nasabing alyansa. Magmula noong 1882, ang samahan ng mga imperyong Aleman, Austro-Unggaryo at Kaharian ng Italya ay kinilala bilang Tatluhang Alyansa. Sa kabilang banda, nang mabuwag ang Liga ng Tatlong Emperador, ay nakipag-alyansa ang Pransiya sa Imperyong Ruso noong 1894 at nang mga sumunod na taon ay makailang ulit na lumagda ng kasunduan sa Imperyong Briton. Noon namang 1907 ay nilagdaan ng mga imperyong Briton at Ruso ang Kasunduang Angglo-Ruso. Ang mga pangyayaring ito'y nagbunsod sa pagtatatag ng Tatluhang Kasunduan ng mga imperyong Briton, Ruso at Republikang Pranses. Noon din ay nagsimulang magparami at magpalakas ng sandatahang lakas ang bawat bansang nabanggit pangunahin na ng Imperyong Briton at Aleman.[13][14][15]

Noon namang 1908 ay sinakop ng Austriya-Unggarya ang Bosniya at Hersegobina samantalang nagpahayag ng kasarinlan ang Bulgarya mula sa Imperyong Otomano. Ikinagalit ng Serbiya at ng Imperyong Ruso ang naunang pangyayari sapagkat ang nasabing lugar ay tahahan ng mga mamamayang Eslabo na kanilang mga kalahi. Pagsapit naman ng 1912 ay sinalakay ng Ligang Balkanika na kinabibilangan ng Bulgarya, Gresya, Montenegro at Serbiya ang Imperyong Otomano na dating nakasasakop sa kanila. Naging matagumpay ang nasabing liga at malaking bahagi ng teritoryo ng Imperyong Otomano sa Rehiyong Balkanika ang kanilang napasakamay subalit may namuong alitan sa pagitan ng Bulgarya't Serbiya hinggil sa isinagawang paghahati-hati ng liga sa Masedonya samantalang kinilala naman ang pagtatatag ng Albanya. Nang sumunod na taon ay sinalakay ng Bulgarya ang Gresya't Serbiya subalit napipilan samantalang sinamantala ito ng Imperyong Otomano at Rumanya upang makakuha ng ilang teritoryo sa Bulgarya.[11][16][17]

Noong 28 Hunyo 1914 ay binaril ni Gavrilo Princip, isang makabayang Serbiyo, si Archduke Franz Ferdinand, tagapagmana ng trono ng Austriya-Unggarya at ang asawa nitong si Sophia sa Sarahebo, kabisera ng Bosniya at Hersegobina. Naghain ng banta ang Austriya-Unggarya laban sa Serbiya ukol sa nasabing pagpatay nang mapag-alamang si Princip ay kasapi ng Black Hand, isang kilusang Serbiyo-Bosnyo na naglalayon ng kalayaan ng mga mamamayang Eslabo na nasasakop ng imperyo. Nagpahayag ng pakikidigma ang Austriya-Unggarya laban sa Serbiya noong 28 Hulyo 1914, nang hindi makontento ang nauna sa isinagawang pagtugon ng hul sa naturang banta. Kinabukasan ay iniutos ni Tsar Nikolas II ang bahagyang paghahanda ng sandatahang Ruso. Sinagot ito ng pakikidigma ng Imperyong Aleman laban sa Imperyong Ruso noong 1 Agosto at noong 3 Agosto laban sa Pransiya. Nagpahayag din ng pakikidigma ang Imperyong Briton laban sa Imperyong Aleman noong 4 Agosto nang sakupin ng huli ang Belhika (na umapela naman ng tulong mula sa Imperyong Briton) upang dumaan sa nasabing bansa patungong Pransiya.[18][19][20]

Nagsimula ang digmaan noong 28 Hulyo 1914 nang magpahayag ng pakikidigma ang Austriya-Unggarya laban sa Serbiya. Nang mga sumunod na araw ay nagpahayag na rin ng pakikidigma laban sa isa't isa ang iba pang mga bansa sa Europa.[5]

Ang digmaan ay nagwakas sa kanlurang Europa noong 11 Nobyembre 1918 nang maipatupad ang isang tigil-putkan samantalang nagpatuloy ito sa iba't iba pang dako ng daigdig hanggang sa unti-unti ring nagwakas. Nilagdaan noong 28 Hunyo 1919 ang Tratado ng Versalles, isang kasunduang pangkapayapaan, na siyang ganap na nagbigay-katapusan sa digmaan.[21]

Noon pa man ay nangako na ng tulong ang Imperyong Aleman sa Austriya-Unggarya hinggil sa pagsakop nitong huli sa Serbiya. Sang-ayon sa tulong na nabanggit, inakala ng mga pinnong Austro-Unggaryo na ipagtatanggol ng mga Aleman ang kanilang imperyo laban sa mga Ruso samantalang sinasalakay nila ang Serbiya. Sa kabilng banda naman, inasahan ng Imperyong Aleman na ibubuhos ng Austriya-Unggarya ang malaking bahagi ng lakas nito laban sa Imperyong Ruso samantalang sinasalakay niya ang Pransiya. Bunga ng mga hindi pagkakaunawaan, napilitan ang Austriya-Unggarya na hatiing mabuti ang sandatahan nito laban sa mga Ruso at Serbiyo.[22]

Sa silangang Europa'y nagawa ng sandatahang Aleman na pigilan ang anumang tangkang pananakop ng sandatahang Ruso nang talunin nila ang mga ito sa mga Labanan ng Tanenbergo at mga Lawa ng Masuryo na naganap mula 17 Agosto hanggang 2 Setyembre. Sa kabilng band ay bigo naman ang sandatahang Austro-Unggaryo na mapigilan ang pag-usad ng sandatahang Ruso papasok ng Galisya.[23][24]

Sa Rehiyong Balkanika ay sinalakay ng Austriya-Unggarya ang Serbiya subalit napipilan nang maipanalo ng huli ang Labanan ng Ser noong 12 Agosto. Makalipas ang dalawa pang linggo, naitaboy pabalik ang sandatahang Austro-Unggaryo na nakapagtamo ng matitinding pagkatalo. Muling sumalakay ang Austriya-Unggarya subalit muli ring napipilan sa Labanan ng Kolubara noong 16 Nobyembre hanggang 15 Disyembre, at ang Belgrade, kabisera ng Serbiya, na noo'y nasakop na ng Austriya-Unggarya, ay muling nabawi ng sandatahang Serbiyo.[25]

Lingid naman sa kaalaman ng Alyadong Puwersa, nagkaroon ng lihim na kasunduan sa isa't isa ang Imperyong Aleman at Otomano noong Agosto, 1914. Hindi nagtagal ay lumahok na ang huli sa digmaan. Pagsapit ng Disyembre'y sinalakay ng may Otomano ang Bulubunduking Kawkasus na hawak ng mga Ruso subalit nabigo sa Labanan ng Sarikamish.[26][27][28]

Sa katubigang malapit sa Tsile, Timog Amerika ay nagsagupa ang plotang Aleman at Briton sa Labanan ng Koronel noong 1 Nobyembre. Nagawang manalo ng mga Aleman sa nasabing labanan ngunit pagsapit ng 8 Disyembre ay halos nawasak naman ang kanilang plota nang muling makasagupa ang mga Briton sa Labanan ng mga Pulo ng Malvinas. Sinimulan naman ng plotang Briton ang pagsasagawa ng blokeo o panggigipit sa Dagat Hilaga at Lagusang Ingles upang putulin ang pagpasok ng suplay ng pagkain at munisyon sa Imperyong Aleman. Kapagkadaka'y nagdulot ito ng matinding taggutom sa mga mamamayang Aleman nang sumunod na dalawang taon.[29][30]

795a8134c1
Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages