angelo
unread,Oct 11, 2009, 9:56:52 PM10/11/09Sign in to reply to author
Sign in to forward
You do not have permission to delete messages in this group
Either email addresses are anonymous for this group or you need the view member email addresses permission to view the original message
to grp6_PI100naval
36. Ano ang Katipunan?
(Source: ‘Ang Katipunan’ Handouts by Group 6)
• Ito ay ang Kataas-taasang, Kagalang-galang, Katipunan ng mga Anak ng
Bayan (KKK), na natatag kasabay ng pagpapatapon kay Rizal sa Dapitan
noong Hulyo 7, 1892.
• Nagsimula sa salitang ugat na “tipon”
• Layunin nito ang itaguyod ang kaisipang maka-bayan at rebolusyonaryo
sa mga Filipino at sugpuin ang patuloy na pagmamalabis at di makataong
pamumuno ng mga Espanyol sa pamamagitan ng dahas at madugong
rebolusyon.
• Ito ay nabuo matapos na mabuwag ang Samahang La Liga Filipina,
kasama ang isa pang pangkat, ang Cuerpo de Compromisaros.
• Kasama sa mga pangunahing kasapi nito ang mga sumusunod:
o Andres Bonifacio, Valentin Diaz, Teodoro Plata, Ladislao Diwa at
Deodato Arellano.
• Kinilala ng mga Katipunero si Jose Rizal bilang pangulong pandangal
ng samahan.
• Nagkaroon ng balangkas ng mga alituntunin: ang Dekalogo ni Andres
Bonifacio at ang Kartilya ni Emilio Jacinto (ang taga-payo ni
Bonifacio)
37. Ipakilala si Gregoria de Jesus
(Source: History of the Katipunan pgs. 20-21, Author: Gregorio Zaide)
• Gregoria de Jesus was the widow of Andres Bonifacio. She was the
“Lakambini” of the Katipunan
• In March 1893, a week after her canonical marriage with Bonifacio,
was the first woman to join the Katipunan
o The initiation ceremony took place in the house of Restituto Javier
in Calle Oroquieta and took the symbolic name “Lakambini” (princess)
• Mother of Juan F. Nakpil, distinguished Filipino architect (with
Julio Nakpil as father)
• Acted as secretary of the woman’s section and guardian of the secret
documents and other papers of the Katipunan
• As a woman of action and courage, had saved the society several
times from being discovered prior to August 19, 1896. She related her
own words:
o “Many times on receiving some warning that the house will be
searched by the police, irrespective of the hour, I would immediately
gather all the papers, the arms, and seal (of the Katipunan)… and
would go driving till midnight along the bay front of Tondo and the
streets of Binondo in order to save our countrymen from danger. The
thing that grieved me, however, was the fact that there were among our
friends, some who instead of protecting me, refused to give help and
even kept away from me upon finding that I was carrying dangerous
things.”
38. Magbigay ng 3 tauhan sa Noli at El Fili na naglalarawan ng
katauhan ni Rizal.
1. Crisostomo Ibarra – nilalarawan ni Crisostomo Ibarra ang Rizal na
may positibong pananaw hinggil sa kinabukasan ng Pilipinas – bilang
isang akademiko na nag-aral sa Europa ng pitong taon, hangad niya ang
mapayapang pagbabago sa pamamagitan ng mataas na kalidad ng edukasyon
at iba pang internal na pagbabago sa gobyerno. Ang katauhan ni Ibarra
ay maihahalintulad kay Rizal noong siya ay nasa Dapitan, kung saan
siya ay nagpatayo ng paaralan atbp.
2. Simoun – nilalarawan ni Simoun ang Rizal na nawalan ng pag-asa sa
hinihiling na repormasyon at pagkakapantay-pantay mula sa gobyerno at
simbahan – bilang isa sa mga nakararami na sawang-sawa na sa baluktot
na pamamalakad ng mga maykapangyarinhan na puppet ng mga frayle. Ang
katauhan ni Simoun ay nagpapakita ng matinding galit sa mga
maykapangyarihan - ang nalalabing paraan upang matigil ang kanilang
pamamalakad ay sa pamamagitan ng anarkistang pamamaraan, tulad ng
pampasabog na lamparang kanyang inilagay sa kasalan ni Juanito at
Paulita. Ang target ng pampasabog ay ang mga nagtipon-tipon na higher-
ups ng gobyerno at simbahan. Ang katauhan ni Simoun ay maihahalintulad
kay Rizal noong mabalitaan niya ang sapilitang pagpapalayas sa kanyang
pamilya at mga kababayan mula sa kanilang sariling tahanan sa ______
noong _____.
3. Elias – nilalarawan ni Elias ang ‘commoner’ side ni Rizal.
Matatandaang si Elias ang tumulong kay Ibarra upang makilala ng lubos
ang kanilang bayan at suriin ang mga suliranin nito. Si Elias din ang
nagsakripisyo upang mailigtas si Ibarra mula sa mga kawal na tumutugis
sa kanila, sa paniniwalang maraming magagawa si Ibarra para sa
pagbabago ng kanilang bayan.
39. Anu-anong bayan ang dinaanan mula Calamba hanggang Tagaytay noong
nag-FT?
Calamba, Los Banos, Santo Tomas, Tanauan, Malvar, Talisay, Tagaytay
(paki-correct/pa-add na lang kung may kulang)
40. Magbigay ng 3 babaeng nagkaroon ng kaugnayan sa buhay ni Rizal.
Ipakilala sila.
1. Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos (1827 – 1911) – ang ina
ni Rizal. Siya ang naging unang guro ni Rizal na nagturo sa kanya ng
abakada noong siya’y 3 taong gulang pa lamang. Nakulong matapos na
mapagbintangang nanlason sa kanyang biyenan
2. Segunda Katigbak – petit na 14 yr old at kaklase ni Segunda sa La
Concordia na sinuyo ni Rizal noong nagaaral siya sa UST.
3. Leonor Rivera (1887) – 2nd cousin ni Rizal na gumamot sa kanya
noong siya ay mabato sa ulo matapos ang isang away sa pagitan ng mga
mestizos at mga kayumangging estudyante. Sinuyo ito ni Rizal sa loob
ng 4 na taon at nagkaroon ng long-distance relationship sa loob ng 7
taon habang si Rizal ay nasa Europa. Sa huli ay ipinakasal din it okay
Charles Henry.
4. Josephine Bracken – unang nakita ni Rizal noong siya’s 14 taong
gulang sa Hong Kong. Nang mabulag ang kanyang ama ay dinala ito sa
Dapitan upang maipagamot kay Rizal. Sumama din si Bracken sa puwersang
rebolusyonaryo sa Cavite kung saan siya’y tumulong na mag-operate ng
isang ‘reloading jig’ sa isang arsenal sa Imus. Nasaksihan niya rin
ang Tejeros Convention bago siya bumalik ng Maynila. Namatay sa Hong
Kong nong 1902.
41. Ikumpara ang bapor tabo sa takbo ng gobyerno noon at ngayon (mga
simbolismo)
o Bilog ang hugis ng bapor hindi akma o ‘streamlined’ sa
pagpapatakbo
o Tumatakbo ‘against the current’ simbolismo ng pagtakbo laban sa
interes ng taong-bayan
o May dalawang paraan ng pagpapatakbo: (1) motor (pamahalaan driving
force); (2) tikil o ‘bamboo pole’ (simbahan para sa ’steering’/ taga-
dikta ng direksyon ng pagtakbo)
o Maputi sa harap, maputi sa likod Lahat ng magaganda lang ang
naipababalita, ang mga failures at kapabayaan ay itinatago malayo sa
mga mata ng mamamayan; Mga proyekto na maganda ang layunin ngunit may
‘ulterior motives’
o Nasa taas ng bapor ang mga mayayaman at mataas ang posisyon sa
lipunan → walang lugar para sa mga commoners kundi sa baba ng barko.
42. Ipakilala si Ferdinand Blumentritt.
• Matalik na kaibigan ni Jose Rizal.
• Si Ferdinand Blumentritt (Setyembre 10, 1853–Setyembre 20, 1913) ay
isang Aleman na etnologo at heograpo, at isa rin siyang punong-guro sa
isang paaralan sa Leitmeritz (ngayong sa Czechia). Ipinanganak siya sa
Praha sa isang pamilya ng mga Alemang Sudeten o sudetendeutsche at ang
isa sa mga pinakanangungunang dalubhasa sa Pilipinas noong kaniyang
panahon bagaman hindi niya nagawang bisitahin ang kapuluan. Isa rin
siyang matalik na kaibigan ng pambansang bayani ng Pilipinas na si
Jose Rizal
• Lumaki si Blumentritt sa Austria-Hunggarya (Kastila: Austria-
Hungría) at dito niya rin isinulat ang kaniyang mga unang akda. Siya
ay nanirahan at nagtrabaho sa Sudetenland na, matapos ang pagbagsak ng
Ikatlong Reich sa katapusan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ay
naging bahagi ng Czechoslovakia. Sa ganito, siya ay hindi isang
Austriano (tulad ng paniniwala ng maraming Pilipino) o Tseko (Czech),
kundi Aleman, ang pinakamalaking pangkat etniko sa Austria-Hunggarya.
Gayumpaman, maraming dekada ang nagdaang hindi nabanggit o sinugpo ang
katotohanang ito. Mismong ang mga Tseko ang mga nagpabilanggo sa mga
anak at apo ni Blumentritt at tumortyur at pumatay sa kaniyang mga
kamag-anak matapos ang digmaan.