1) Hindi likas sa mga Filipino ang pagiging tamad. Magbigay ng tatlong dahilan na ayon kay Rizal ay naging sanhi ng katamaran ng mga ito? Sinabi ni Rizal na ang pagdating ng mga kastila ang naging sanhi kung bakit naging “tamad” ang mga Pilipino. Tatlo sa mga dahilang ito ang ibinigay niya: 1. Paghihikayat at pagpapalaganap ng mga espanyol sa ugaling magsugal. 2. Patakaran ng mga espanyol na sapilitang paggawa sa pagawaan ng barko, kalsada, tulay, at iba pang gawaing pampubliko. 3. Masasamang halimbawa sa paggawa na ipinakita ng mga misyonaryong espanyol. Sinabi rin ni Rizal na ang isang oras na paggawa sa bansang may klimang tropikal ay katumbas ng isang araw na paggawa sa bansang may malamig na klima. At idinagdag pa niya na ang bansang katulad ng Pilipinas na may mainit na klima ay binigyan ng kalikasan ng mas masagang lupaing maaani at hindi na kinakailangan ng mas mahabang oras na pagtatrabaho.
2) Talakayin ang proyekto ni Rizal sa Hilagang Borneo. Pagsulong ba ito o pag-urong ng bisyon niya para sa mga Filipino?
Nang si Rizal ay nasa Hong Kong, siya ay gumawa ng plano na magtayo ng Kolonya ng Pilipinas sa Hilagang Borneo ngunit hindi ito pinayagan ni Gobernador-Heneral Eulogio Despujol at sinabing ang Pilipinas ay mas kailangan ng mga Pilipino na pasulungin pa ang Pilipinas.
3) Ipakilala si Maximo Viola at Valentin Ventura? Ano ang naging kaugnayan nila sa buhay ni Rizal? Matalik na mga kaibigan ni Rizal ang dalawa. Ito ang nagpahiram ng pondo upang maipalimbag niya ang kanyang mga Nobela.
4) Ipaliwanag ang limang layunin ng La Liga Filipina.
Ang mga sumusunod ang mga layunin ng La Liga Filipina: 1. Mapag-isa ang buong kapuluan sa isang katawang buo, malakas, at magkakauri. 2. Proteksyon ng bawat isa para sa pangangailangan ng bawat isa. 3. Pagtatanggol laban sa lahat ng karahasan at kawalang katarungan. 4. Pagpapaunlad sa edukasyon, agrikultura at pangangalakal. 5. Pag-aaral at pagpapairal ng mga pagbabago.
Ang mga layuning ito ay nagsusulong lamang ng isang mithiin- maging pantay ang tingin ng mga kastila sa mga Pilipino. 5) Anong kaisipan ni Rizal ang ibinibandila ni Padre Florentino?
Ang kaisipang ito ay ipinakita ni Rizal sa pamamagitan ng karakter ni Padre Florentino sa El Fili. Ang kaisipang ito ay ang paniniwalang ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Sa nobela, bago “mamatay” si Simoun ay binigkasan siya ng pari ng mga salitang nagtatalakay tungkol sa mga kabataan.
6) Ipaliwanag ang pagkakaiba ng rebelyon sa rebolusyon. Magbigay ng halimbawa.
Ang rebolusyon ay tumatawag sa panibagong gobyerno at ang rebelyon naman ay protesta sa mga batas ng gobyernong hindi makatarungan.
Halimbawa ng rebolusyon: Ang pagtatayo ng KKK. Halimbawa ng rebellion: Ang pagpoprotesta ng mga estudyente laban sa bagong student code.
7) Ipaliwanag: Si Rizal ay laban sa mga Prayle at Guardia Civil subalit hindi laban sa Espanya. Ang mga opisyal ng Espanya ang nagpapasama sa imahe nito. Nakita ni Rizal na ang pamamahala ng mga ito katulad ng mga guardia civil at prayle ay napakalupit. Ito na rin ay hango sa kanyang sariling karanasan na isang gabi habang siya ay naglalakad, hindi niya napansin na ang kanyang nadaanang tao ay tinyente pala ng mga guardia civil at siya ay pinagmalupitan dahil hindi siya nakasaludo. Sinabi ni Rizal na ang iba daw sa mga prayle noon ay nagtuturo ng magaganda at mala-kristyanong asal ngunit kahit sila ay hindi sumusunod dito. |