[Filipinism Homepage] Panigan ang buhay, tutulan ang RH bill

5 views
Skip to first unread message

josephdream

unread,
Feb 5, 2011, 4:24:05 AM2/5/11
to filip...@googlegroups.com
“Kinikilala ng Estado ang kabanalan ng buhay pampamilya at ipagtatanggol at palalakasin ang pamilya bilang isang batayang institusyong panlipunan na may karapatang itaguyod ang sarili. Ipagsasanggalang din nito ang buhay ng ina at ang buhay ng di pa isinisilang mula nang ito ay ipaglihi.” (Art II, Seksyon 12)

Binaggit ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP ang mismong sipi ng Pambansang Konstitusyon sa kanilang pahayag upang ilahad ang kanilang mariing pagtutol sa anumang pagpapasa ng RH bill o “Responsible Parenthood Bill” na isinusulong ngayon sa Kongreso.

Pinaniniwalaan na ang iba sa mga contraceptives ay hindi lamang panghadlang ng pagkikita ng itlog at esperma kundi pagpapalaglag ng buhay na nabuo bago mapunta ito sa sinapupunan ng ina.

Dalawang batayan ang gabay ng Simbahan sa tamang paninindigang tutulan ang RH or Reproductive Health Bill, “na hindi lamang usaping pang-Katoliko kundi matinding paglapastangan sa mga tunahy na pinahahalagahan ng tao at ng kulturang Pilipino ukol sa buhay ng tao na ating itinatangi noon pa.”

Una, ang buhay ay pinakasagradong kaloob na pisikal na ibinibigay ng isang tao sa Diyos, ang Maylikha ng buhay. “Ang sagabal na artipisyal upang mahadlangan ang pagbuo at ang pagsilang ng buhay ay maliwanag na lumalabag sa batayang katotohanan hinggil sa buhay ng tao.”

Ikalawa, ang mga magulang, kaisa ng Diyos, ang siyang magdadala ng mga anak sa mundo. “Sila rin ang may pangunahing at di-maaagaw na karapatan at pananagutang kalingain, pangalagaan at hubugin ang kanilang mga anak upang sila’y umunlad bilang mga tao ayon sa kalooban ng Maylikha.” Ang “Sex education” na isinusulong sa mga paaralan ay hiwalay sa pangunahing papel ng mga magulang na subayabayan ang paghubog ng kanilang mga anak.

Ang paninindigan ng Simbahan

1. Mas pagtuunan ng pamahalaan ng pansin ang katatayuan ng maraming mga mahihirap, lalo na ang nagdurusang mga kababaihan na nagususmikap upang gumanda ang buhay at kailangang mangibang-bayan upang kamtin ito o pumasok sa hindi disenteng paghahanap-buhay.

2. Manindigan sa buhay ng tao mula sa sandali ng paglilihi hanggang sa natural na katapusan nito.

3. Manindigan sa responsible at natural na pagsasaayos ng bilang at panahon ng pagsisilang sa pamamagitan ng Natural Family Planning.

4. Ang tao’y tagapangasiwa lamang ng kanyang katawan; dapat itong umalinsunod sa kalooban ng Diyos na nakikipag-usap sa atin sa pamamagitan ng budhi.

5. Nararapat na ang budhi ay may sapat na kabatiran at ito’y ginagabagayan ng mga turo ng pananampalataya.

6. Manindigan sa kalayaan sa relihiyon at sa karapatang tumutol ayon sa budhi sa mga bagay na labag sa sariling pananampalataya. Ang mga nakapataw na parusa na napapaloob sa minumungkahing RH Bill ang dahilan ng ating pagtutol dito.

Panawagan ng CBCP: “Sama-sama tayong manalangin, sama-sama tayong magmuni, sama-sama tayong magpasya, sama-sama tayong kumilos, lagi sa layuning ang katotohanan ay mamayani” sa harap ng maraming banta laban sa buhay ng tao at laban sa ating mga itinataguyod na mga halagang pantao at pang-kultura.”

--
Posted By josephdream to Filipinism Homepage at 2/05/2011 01:24:00 AM
Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages