Dear Bowlers,
Narito na po ang ating Round 10 Results for your reference.
Susunod na po ang ating Round 11. Abangan!!!
Regards
Mario Magdaluyo
Sports & Tournament Director
DFBC UAE <
dfbc...@yahoo.com> wrote:
Naghuramentado Ang Haris Al Afaq !
Nagmistulang malupit na mandirigma ang Haris Al Afaq noong 10th round (1st session ng September 22nd double header) sa ongoing Western Union Cup 2nd Conference 2006 ng Dubai Filipino Bowling Club. Halos "walang ulirat" (Ngek!) nang tantanan nila ang Palmon Group (13-0) kaya (1) nanatili sila sa itaas ng team standing, (2) sila ang tinanghal na Team of the Week at (3) nabura nila ang conference records na hawak ng Dante's Peak (high series handicap, high game scratch at high game handicap). Hmm, super lakas ang dating ng tropa ni Vic Abejero ... mukhang desidido silang makamit ang kanilang first ever championship sa DFBC. Abangan ang mga susunod na pakikipagsapalaran nila sa kanilang mga susunod na katunggali.
Matatalas din ang mga kuko ng pumapangalawang D'Falcon, na walang awang kinalmot-kalmot ang Terry Boy Team (8-0); birthday pa naman ni Manang Terry Bernardo ! Hindi rin natinag sa pangatlong puwesto ang Toyota, matapos nitong magwagi against Electromec (7-2) ... na sa kasalukuyan ay nasa panlimang puwesto na. Nagtagumpay din ang Dante's Peak against Philcongen Equitable/ PCI Bank (7-2), kaya umakyat nang bahagya ang koponan ng inyong lingkod from 5th to 4th place.
Ginulpi ng Dubai Bowling Centre ang Sunpower-Gen Systems (9-1) kaya umangat sila from 7th to 6th position. Humataw din nang husto ang Al Jazeerah Bowling Centre against Western Union (10-0) kaya pumanhik na rin sila from 9th to 7th place. Kahit naitlog ay nasa 9th spot pa rin ang koponan ng ating major sponsor. Di naman natinag ang Edmond Ruz Design sa ikawalong puwesto, matapos nilang magwagi against Port & Starboard (7-2). Umakyat na sa 10th place ang The Storm na nanalanta nang husto sa DHL Mission: Possible (10-0). Dispensa nga po pala sa barangay ni Xavier Puno dahil mali ang announcement ng inyong lingkod in my last e-mail tungkol sa naging puwesto ng team nila sa pagandahan ng uniporme. Ang DHL Mission: Possible po ang 1 st runner up at ang NDO Extreme ang 2nd runner up. Western Union ang may best uniform.
Dumako naman tayo sa mga natatanging individual performances noong 10th round. Tinanghal na bowlers of the week sina Art Oberio at Andy Erena , na parehong mga alas ng Haris Al Afaq, at Kathleen Raymundo ng Philcongen Equitable/ PCI Bank. Ang prizes for high series scratch ay napanalunan ni Mel Aviles ng Al Jazeerah Bowling Centre at Clarisse Corpuz ng TFC FPC. Ang mga premyo naman for high series handicap ay nadale ni Ramon Yniguez ng Electromec at ni Clarisse Corpuz (pa rin). Ang Accumulator Prize ay solong napanalunan ni Andy Erena. Walang pagbabago sa mga holders ng conference records.
Narito ang top ten teams after the 10th round:
- Haris Al Afaq – 76 points
- D'Falcon – 69 points
- Toyota – 66 points
- Dante's Peak – 64 points
- Electromec – 60 points
- Dubai Bowling Centre – 59 points
- Al Jazeerah Bowling Centre – 59 points
- Edmond Ruz Design – 57 points
- Western Union – 56 points
- The Storm – 56 points
The rest: 11. Chivas Regal 12 Yrs Old (54 points); 12. Pin Masters (53 points); 13. TFC FPC (52 points); 14. Port & Starboard (51 points); 15. EPCI GK 777 (50 points); 16. Unbowlievables (48 points); 17. Philcongen Equitable/ PCI Bank (47 points); 18. UIPS (47 points); 19. NDO Extreme (41 points); 20. Terry Boy Team (40 points); 21. DHL Mission: Possible (39 points); 22. Jebel Ali Club (37 points); 23. NDO Revive (31 points); 24. Eraser X (30 points) 25. Sunpower-Gen Systems (26 points); 26. D'Navigators (21 points) and (27) Palmon Group (13 points).
Ang ating 10th round winners:
Team of the Week – Haris Al Afaq (3,433 pinfalls)
Accumulator Prize (Male Class B) – Andy Erena of Haris Al Afaq (278 pinfalls)
High Series Scratch of the Week – Ramon Yniguez of Electromec (719 pinfalls) and Clarisse Corpuz of TFC FPC (668 pinfalls)
High Series of the Week – Mel Aviles of Al Jazeerah Bowling Centre (744 pinfalls) and Clarisse Corpuz of TFC FPC (692 pinfalls)
Bowlers of the Week – Art Oberio & Andy Erena of Haris Al Afaq (278 pinfalls) and Kathleen Raymundo of Philcongen Equitable/ PCI Bank (260 pinfalls)
Narito naman ang mga nagtala ng 6 consecutive strikes sa male division at 5 consecutive strikes sa ladies division : Ariel Serrano of Western Union, Ramon Yniguez of Electromec, Ben Descargar of DHL Mission: Possible, Mel Fernandez of The Storm, Elsie Marcial of Dubai Bowling Centre, Eric Baeto of Dubai Bowling Centre, Dennis Gustilo of Dubai Bowling Centre, Clarisse Corpus of TFC/ FPC, Rica Asuncion of TFC/ FPC, Art Oberio of Haris Al Afaq, Andy Erena of Haris Al Afaq and Roland Detaro of Haris Al Afaq.
Congratulations sa inyong lahat!
Double-header na naman po tayo sa darating na Biyernes kaya huwag masyadong magpupuyat nang husto sa Huwebes. Kitakits po tayo sa Dubai Bowling Centre sa Friday, 29 th of September ... 1:45 pm .
Ramadan Kareem,
Dante
Please visit our website: http://www.dfbc-uae.com
FYI, The Team Roster print out is until Team 23 only.
DFBC UAE < dfb...@gmail.com> wrote:
Dear Bowlers,Narito na po ang ating Round 10 Results for your reference.Susunod na po ang ating Round 11. Abangan!!!RegardsMario MagdaluyoSports & Tournament Director
DFBC UAE < dfbc...@yahoo.com> wrote:
Naghuramentado Ang Haris Al Afaq !Nagmistulang malupit na mandirigma ang Haris Al Afaq noong 10th round (1st session ng September 22nd double header) sa ongoing Western Union Cup 2nd Conference 2006 ng Dubai Filipino Bowling Club. Halos "walang ulirat" (Ngek!) nang tantanan nila ang Palmon Group (13-0) kaya (1) nanatili sila sa itaas ng team standing, (2) sila ang tinanghal na Team of the Week at (3) nabura nila ang conference records na hawak ng Dante's Peak (high series handicap, high game scratch at high game handicap). Hmm, super lakas ang dating ng tropa ni Vic Abejero ... mukhang desidido silang makamit ang kanilang first ever championship sa DFBC. Abangan ang mga susunod na pakikipagsapalaran nila sa kanilang mga susunod na katunggali.Matatalas din ang mga kuko ng pumapangalawang D'Falcon, na walang awang kinalmot-kalmot ang Terry Boy Team (8-0); birthday pa naman ni Manang Terry Bernardo ! Hindi rin natinag sa pangatlong puwesto ang Toyota, matapos nitong magwagi against Electromec (7-2) ... na sa kasalukuyan ay nasa panlimang puwesto na. Nagtagumpay din ang Dante's Peak against Philcongen Equitable/ PCI Bank (7-2), kaya umakyat nang bahagya ang koponan ng inyong lingkod from 5th to 4th place.
Ginulpi ng Dubai Bowling Centre ang Sunpower-Gen Systems (9-1) kaya umangat sila from 7th to 6th position. Humataw din nang husto ang Al Jazeerah Bowling Centre against Western Union (10-0) kaya pumanhik na rin sila from 9th to 7th place. Kahit naitlog ay nasa 9th spot pa rin ang koponan ng ating major sponsor. Di naman natinag ang Edmond Ruz Design sa ikawalong puwesto, matapos nilang magwagi against Port & Starboard (7-2). Umakyat na sa 10th place ang The Storm na nanalanta nang husto sa DHL Mission: Possible (10-0). Dispensa nga po pala sa barangay ni Xavier Puno dahil mali ang announcement ng inyong lingkod in my last e-mail tungkol sa naging puwesto ng team nila sa pagandahan ng uniporme. Ang DHL Mission: Possible po ang 1 st runner up at ang NDO Extreme ang 2nd runner up . Western Union ang may best uniform.
Olan Baldivino
P.O. Box 55609
Dubai, UAE
+ 971 50 5530294
Email 1 : groovem...@yahoo.com
"Good people are good because they've come to wisdom through failure."
How low will we go? Check out Yahoo! Messenger�s low PC-to-Phone call rates.