'Pag-IBIG para sa lahat: ‘Maging Sino Ka Man, May Pag-IBIG Ka!’

72 views
Skip to first unread message

ddcland inc

unread,
Jun 2, 2010, 3:33:12 AM6/2/10
to DDCLAND UPDATES
Mas lalo pang pinalawak similar Enero 2010, ang mga sektor na dapat
maging myembro ng Pag-IBIG Fund, alinsunod sa mandatory membership
coverage ng Home Development Mutual Fund Law of 2009 (Republic Act
9679).

Muli itong pinaalala ni Vice President Noli “Kabayan” De Castro,
Chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC)
at ng Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG Fund) Board of Trustees.

“Sa ilalim ng RA 9679, kung kumikita ka ng P1,000 pataas kada buwan,
qualified ka na bilang Pag-IBIG member. Kasama na dito ang mga
kasambahay, family driver, yaya, hardinero, kahit mga magsasaka at
mangingisda,” dagdag ni De Castro.

Ayon kay Jaime Fabiaña, Chief Executive Officer ng Pag-IBIG Fund, “sa
ilalim ng Implementing Rules and Regulations na ipinahayag ng Board,
kasama rin sa mandatory membership ang mga self-employed na may
kitang hindi bababa sa isang libong piso (P1,000) kada buwan, pati na
ang mga self-employed professional, mga sosyo sa negosyo, solong
negosyante at board director, artista, direktor, manunulat at taga-
ulat ng balita na hindi sumasailalim sa employer-employee
relationship, atleta, coach, trainer at hinete, at mga manggagawa sa
informal sector o yung mga walang pormal na kita tulad ng nagbebenta
ng sigarilyo at taga-bantay ng kotse.”

“Kahit na ang mga full-time na magulang o kaya’y mga asawang hindi
nagtatrabaho ay puwede nang maging miyembro ng Pag-IBIG, kasama ang
mga pinuno o miyembro ng mga samahang panrelihiyon at mga kawani na
hindi sakop ng GSIS tulad ng mga opisyal ng barangay,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni De Castro na ang pangkalahatang pagsaklaw sa pagsapi sa
Pag-IBIG Fund ng lahat ng uri ng mga manggagawa ay naglalayon na
palakasin ang membership base ng Pag-IBIG at palawakin ang “pwedeng
makinabang sa abot-kayang pabahay at mga short-term loan program na
may mababang interes.”

Maaaring mapakinabangan ng mga miyembro ang mga sumusunod na programa:
savings na kumikita ng taunang dibidendo at garantisado ng pamahalaan;
short-term loans na tutugon sa mabilisang pangangailangang
pampinansiyal tulad ng pambayad sa eskuwela at ospital, pambili ng mga
kagamitan, pagpapaayos ng bahay, pati na kapital para sa maliit na
negosyo; at pautang sa Pabahay na may interest rate mula 6% hanggang
11.5% at puwedeng bayaran sa loob ng 30 taon.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa bagong membership program
ng Pag-IBIG Fund, maaaring tumawag sa Pag-IBIG Call Center sa
724-4244, pumunta sa pinakamalapit na sangay sa inyong lugar, o kaya
ay mag-log on sa www.pagibigfund.gov.ph.
Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages