Mapagpalang araw po!!
3 tulog na lang ay gaganapin na ang ating pagdiriwang ng ika6 na taong anibersaryo ng pagkakatatag ng day by day-Qatar. Kaya naman po bilang paghahanda ay narito po ang ating mga schedules:
Mar 4 - 8pm Prayer & Fasting
Church villa
(Sa gabi po na ito ay ating sama-samang ilalapit sa Diyos ang mga katagumpayan ng ating pagdiriwang, pagdedicate at paghingi ng annointing mula sa ating Fiyos sa bawat bahagi ng programa, mga gaganap o may gampanin at lahat ng mga gagamitin (props, costumes, instruments, at iba pa). KITA KITS PO TAYO MAMAYANG GABI NANG MAY NAGKAKAISANG PUSO AT ESPIRITU.
Mar 5 - final Practise of PW with Kaloob (@ church villa)
Mar 6 - 5pm Children Ministry Practice (@ church villa)
8pm decoration & stage set up (@ Century Hotel)
maari po tayong maging bahagi ng paghahanda sa pamamagitan po ng ating pisikal lakas para po sa pagbubuhat at paglilipat ng ating mga gamit sa Century Hotel gayon din ang magset up ng stage backdrop & light effects.
Lahat po ng ating nais na gawin at naitulong ay kagalakan po ng mga kapatiran para sa kapurihan ng ating Diyos!!
Ika nga sa ating tema " Magkaisa, Magdamayan, Magmahalan, Magpakumbaba, 1 Pedro 3:8"
Mar 7 - 1:00pm Ang Pagdiriwang - DBDQ ika-6 na taong anibersaryo
CENTURY HOTEL @ Old Salata
Kita kits po tayo upang sama-samang ipapadala at sa Diyos ang Kanyang kabutihan, kapangyarihan, pagpapala at pagmamahal sa Kanyang mga Anak sa DAY BY DAY-Qatar!
Para po sa lokasyon ng ating hotel na pagdarausan ng pagdiriwang, kasama rin po rito ang mapa.
Sa ating Diyos ang lahat ng papuri!!!