Magandang Hapon po!
Hinggil sa kahilingan ni Prop. Summer Parcon, ito po ang aking maiaambag:
1. Kagaya ng mga nakaraang taon, ako pa rin po ang naka-asayn sa asembli ng mga tao sa labas ng theater. Ako pa din po ang magsisignal kung magsisimula na ang prosesyunal.
2. Sa announcer naman po, minumungkahi ko po na tanungin ng Program Committee ang student council tungkol dito.
3. Sa mga direktor po ng stage, Program at Physical Set-up Committee po ang magtatakda nito.
4. Ang pangalan po ng mga chairs at kinatawan ng bawat departamento ay maaaring hilingin din ng Program Committee.
5. Tungkol naman po sa kinatawan ng mga magsisipagtapos na mag-aaral, hihingin/hiningi na po namin sa sampung may pinakamataas na GWA mula sa Kolehiyo na maghanda ng talumpati. Hinihingi po namin na ipasa ito sa April 15 thru e-mail sa akin at pagkatapos ay icocollate ko po at ifoforward ito sa mga kasapi ng People Committee.
Gusto ko na rin pong ipagbigay alam na sa April 18, 10 am ay aming ipapatawag ang
mga piling mag-aaral para ipabigkas sa kanila ang kanilang talumpati. Matapos po ang "audition" na ito, pipiliin na ang magtatalumpati at ang magbibigay ng inbokasyon. Kung mayroon pong interesado sa ating komite na samahan kami sa 18 sa pagpili, mangyari lamang pong magkumento dito para maisama ko sa papadalhan ng soft copy ng mga talumpati sa April 15 at mabigyan ko ng detalye para sa 18.
Salamat po.
Bernard