Tulong para sa Kaibigan

20 views
Skip to first unread message

Almondz

unread,
Aug 3, 2011, 12:32:22 AM8/3/11
to cpu...@googlegroups.com
Agosto 03, 2011


Mga Kaibigan at Kasama,

Ang Computer Professionals' Union ay nakikidalamhati at nakikiramay sa pagpanaw ng butihing ama ng ating kaibigang si Rick Bahague, Jr. Ang kanyang ama ay na-cardiac arrest noong Lunes, Agosto 01, 1:15nh, sanhi ng kanyang stroke attack noong Biernes ng nakaraang linggo, Hulyo 29.

Hindi kailanman naging madali ang mawalan ng mahal sa buhay, kaya naman kami ay lumalapit ngayon para humingi ng suportang moral gayundin, ng tulong-pinansyal.

Ang lugar ng burol ay sa 3rd Street Greenstone Greenvalley, Molino 2, Bacoor, Cavite.
  • Sa mga manggagaling sa Norte (Maynila, Quezon City, atbp):
    • May mga byahe ng jeep/van sa Pasay Rotonda papuntang Paliparan. Magpababa sa Jollibee Molino at mula doon ay sumakay muli ng jeep na byaheng SM Southmall. Magpababa sa kanto ng Soldiers 4 at ipagtanong na lang ang address.
  • Sa mga manggagaling sa direksyon ng Alabang:
    • May mga byahe ng jeep sa Alabang papuntang Baclaran at Zapote. Magpababa sa Moonwalk at mula doon ay sumakay muli ng jeep na byaheng Molino. Magpababa sa kanto ng Soldiers 4 (may iba pang byahe ng jeep bukod sa Molino, tanungin na lang ang driver kung dadaan ng kanto ng Soldiers 4).
  • Sa mga manggagaling sa direksyon ng Imus, Cavite:
    • Maaaring kunin ang ruta pa-Bacoor > Zapote (to Alabang) > Moonwalk 
Para sa mga tulong-pinansyal, maaari itong idaan sa aming opisina sa 10-B P.Burgos Street, corner Calderon Street, Project 4, Quezon City. Maaari rin itong ihulog sa aming bank account:

Account name: CP-UNION.ORG INC.
Account number: 003988006344
Bank: Banco de Oro (BDO)
Bank address: BDO Anonas-Kamias Branch, Security Bank Bldg., Anonas St., Cor K-6 St., East Kamias 1102 Quezon City
SWIFT CODE: BNORPHMM

Maaari kaming ma-contact sa:
O: (02) 440-1430
M: (SM) 09078621800, (GL) 09161213645, (SN) 09321848807
E: secretariat(at)cp-union(dot)
com

Anumang ayuda o halaga ay lubos na makatutulong. Hangad po namin ang inyong positibo at maagap na tugon. Maraming salamat po!


--
Team CPU
Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages