Re: Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa Full Movie 18l

0 views
Skip to first unread message
Message has been deleted

Arnau Cyr

unread,
Jul 10, 2024, 1:10:58 AM7/10/24
to consforlahalf

Ipinakita ang tatlong tauhan sa unang eksena: si Karen (Jean Garcia), guro sa literatura na tinatalakay sa klase ang tula ni Ruth Elynia Mabanglo na Kinukumutan Ka ng Aking Titig; si Marlon (Rocco Nacino) na tumititig sa guro at pautal-utal sa pagsagot sa talakayan; at si Dennis (Paulo Avelino) na tumititig naman kay Marlon. Epektibo ang simula ng kuwento dahil naihain agad ang sari-sariling problema pati ang karakterisasyon ng bawat tauhan. May pagkiling sa peministang tula at paniniwala si Karen, balakid kay Marlon ang di niya mahusay na pagkaintindi sa panitikan para magpakitang-gilas kay Karen, at malayo naman si Dennis kay Marlon.

Malinis ang pelikula bilang naratibo. Linear ang kuwento at may maayos na pagpapalakas bago tumungo sa climax. Sa mga sumunod na eksena ay isinalaysay ang mga ginawa ni Marlon para makuha niya ang gusto niya: si Karen. Lagi niyang inaabangan ang guro tuwing papuntang sa dance studio. Kinuntsaba niya si Dennis para turuan siya ng sayaw para pagdating niya sa klase ng guro ay mahusay na siya. May mga eksena rin na nagpapatulong si Marlon kay Dennis tungkol sa mga takda nila literatura. Kasabay nito ay sunod-sunod rin ang pagbuo ng tensiyon sa gitna ng dalawang lalaki.

Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa Full Movie 18l


DOWNLOAD ->->->-> https://ckonti.com/2yLvl8



Sa kabilang banda, marahan ding nabuo ang lungkot sa puso ni Dennis hanggang sa isinayaw na lang niya ang pananaghoy na ito. Ang mga eksenang bumuo dito ay ang pagsama ni Marlon sa kaparehang babae, ang pagpapansin sa guro, ang pag-aaway ng dalawa at ang tuluyang pag-alis ni Marlon sa klase ng sayaw.

Huling eksena ng pelikula ang luhang bumalong sa mata ni Marlon habang hawak si Dennis sa huli nilang sayaw sa produksiyon ng epiko. Open-ended ang eksenang ito at maraming naging mga katanungan sa kung ano ba talaga ang wakas ng kuwento. Laging iminungkahi ni Yapan sa mga interbyu at balitaktakan na ibinibigay niya sa manonood ang pagwawakas ng kuwento at bukas ito sa maraming interpretasyon.

Gusto ko ring purihin ang mga temang pinili ng palabas. Una, sinuri ng pelikula ang isyu ng LGBT pero kakaiba ito sa maraming likhang sining na sa pagtatalik ng dalawang lalaki o dalawang babae umiikot ang kuwento. Katulad na rin ng sinabi ng direktor, ganoon ang pamagat ng pelikula dahil sa galaw ng kaliwang paa ng lalaki nagsisimula ang isang sayaw. Sa pelikula, ibinigay niya ang tanong na kung dalawang lalaki ang sasayaw, sino ang magsisimula o kailangan bang may magsimula? Ito ang ideyolohiyang isinusulong ng peminismo at ng komunidad ng LGBT na sa relasyon ay hindi kailangan magkaroon ng puwesto ng kapangyarihan. Maging dalawang lalaki, dalawang babae, o babae at lalaki, maaaring maging pantay lamang sila sa pagsasama. Makikita ito sa eksenang tinuturuan ni Dennis si Marlon ng pagsayaw. Kailangan nilang magpanggap na ang isa ay babae dahil ganoon ang nakagisnan para sa mga sayaw ng dalawang tao. Nakagisnan na ang lalaki ang may hawak sa babae at ang magsisimula ng sayaw. Sa eksenang ito nagtanong si Marlon kung bakit pa kailangang ganoon ang mangyari.

Ang magandang kuwento at tema ng Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa ay napabigat din ng galing ng mga artista, ng tugtog at ng cinematography. Sinaklaw ng mga tula nila Ruth Mabanglo, Ophelia Dimalanta, Rebecca Aonuevo, Merlinda Bobis, Joi Barrios at Benilda Santos ang buong kuwento at ang mga ito rin ang nagpatakbo sa kuwento, isang ekphrasis. Ang lahat ng ito ay napagsama-sama ng direktor upang mapalapot ang isang napakagandang pelikula.

Before the rise of BL, we had very few LGBT-themed Filipino films, and Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa (The Dance of Two Left Feet) exceeds expectations by becoming an intricate and brilliantly crafted story that it's poeticness is not only driven from ambiguous poems but also from the graceful dances and folklore. Though it is pretty implied how Rocco's character has feelings for Paulo's, the film presents it through ambiguity and poetry, and a slight steps of homoerotic subtext that never goes far enough to make it seem like the cheap gay-porn films, and rather a film way ahead of its time with romance so passionate and sensual.

It is so rare to find a gender-sensitive film in the Philippines, and even rarer to find one that's beautifully paced, well-acted and with relatable characters to boot. The narrative is clear and I love the dance sequences and how minimal dialogue were used on important scenes. Jean Garcia is a great support for fetus Paulo Avelino and Rocco Nacino; both these newcomers (at that time) know how to carry a shot despite lacking in solid chemistry.

lyrical and beautiful, ang sayaw ng dalawang kaliwang paa is one of the earliest lgbt+ filipino films that really pull some heartstrings. the marriage of poetry and dance in this film plays so well, carrying so much weight and emotions. rocco nacino's and paulo avelino's chemistry is undeniable. their performances in this film prove that they can act alongside greats (by great, i mean jean garcia). the masterful acting from jean garcia is nothing short of fantastic.

I have no idea how Alvin Yapan went from creating this delicate dance-drama to a fairly standard biopic drama in Oro considering how unique and vibrant The Dance of Two Left Feet is both as a subtle love triangle and an emotionally charged subtext on art and the circumstances around sinking into it.

Napakaganda. Kahit gasgas na gasgas na ang salita, ayun talaga ang masasabi ko sa pelikulang ito. Bilang isang mananayaw, ako ay naenganyo sa buong daloy ng pelikula; mula sa malalagkit na tinginan ng tatlong pangunahing bida hanggang sa kanya-kanya nilang pagkumpas ng kamay at pagtadyak ng paa sa awiting nanghehele. Ang galing galing, kaya pala nating mga Filipino makagawa ng isang akda tulad nito? Wala akong pake kung medyo mababa lang 'yung kalidad, lakas nga maka-Dogme na para bang Dancer in the Dark. Nagawa ni Yapan na gawing sayaw ang tula at tula ang sayaw.

May ilang isyu na tinutukoy ang pelikula: ang makauring isyu ng kaibahan ng individual na ahensya nina Marlon at Dennis, at ang kaibahan ng rekurso sa kanilang predikamento at damdamin; at ang queer na paggamit sa feministang tula nina Rebecca Anonuevo, Joi Barrios, Merlinda Bobis, Ophelia Dimalanta, Ruth Elynia Mabanglo at Benilda Santos bilang dalumat ng pag-aangkat ng tunay na damdamin, lalo na ng homoerotisismo ng dalawang lalake.

Ang kapangyarihan ng literary mode ay ang kapasidad nitong gawing abstrakto ang naratibong kondisyon, at kung gayon, magkaroon ng espasyong makakahinga mula sa lipunan at kasaysayan. Ang limitasyon nito ay nasarhan ang posibilidad na makalabas sa kulungan ng literary mode, ng mismong panitikan at sining.

Sa pelikula, tula, sayaw at sining ang repositoryo ng tunay na damdamin. Ang sandali ng eros at erotisismo ay nagaganap sa bisa ng pagtingin at pagtunghay, sa pakikipagkapwa ng mga tauhan na tinitimbre ng pagbigkas ng tula at pagsasayaw. Hinuhudyat ang eros ng slow motion bilang ritmikong kasangkapan para pahabain ang sensation ng sandali.

Alam ni Yapan bilang guro rin ng panitikan ang limitasyon ng literary mode. Kaya nga sa closing credits, bilang Brechtian self-reflexive gesture, ay nagpasok siya ng production footage. Para maiugnay ang naestapwerang panlipunang antas, pwes, ang paalaala na ang natunghayan ay isang pelikula lang, na ang kontexto ng literary mode ay ang mismong lipunan at kasaysayan, kasama ang maggagawa nito, na umakda sa pelikula.

Mahalagang interbensyon ang pelikula ni Yapan dahil may inaalok itong bago, at mula rito, maari pang pagyamanin ang potensyalidad ng literary mode. Sa dagdag pang bisa ng sinematograpiya ni Arvin Viola, editing ni Mai Dionisio, at musika nina Christine Muyco at Jema Pamintuan tunay na nagningning ang Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa, at masasabing mahalagang pelikula ito sa ginintuang edad ng indie cinema.

Makapukaw-atensyon ang titulo nito. Ito ang ikalawang nakakuha ng atensyon ko sa lahat ng kalakok sa Cinemalaya 2011. Una ang Ang Babae sa Septic Tank at ikatlo ang Ligo na U, Dito na Me.

Andito si Madam Claudia Jean Garcia. Sawang-sawa na ako na puro ang papel na binibigay kay Jean sa mga teleserye ay ubod ng bait nanay na nawawalan ng anak o ubod ng samang nanay na nawawalan ng anak. Natuwa ako nang malaman ko na isa siyang guro dito na single. Wala naman akong masabi sa pag-arte ni Jean Garcia. Mahusay talaga siyang aktres.

Hitik ito sa mga Filipinong tula at kanta. Ito marahil ang katangi-tanging ikinatuwa ko sa ASNDKP. Para akong ibinalik sa sarili kong pag-aaral noon ng literaturang Pilipino. Para tuloy gusto kong halukayin sa baul ang mga malamang inaamag ko ng mga libro at magbasa muli ng mga tulang nanunuot sa buto at nangungusap sa diwa. Maganda ang pagkalapat ng musika sa mga tula at kung sino man ang mga nakuha nilang kumanta, dapat silang palakpakan. Congratulations, nanalo daw ito ng Best Musical Score sa festival. Hindi ko akalain na mahahagip ang damdamin ko ng musikang Pilipino na hindi katunog ng Eraserheads o ni Gary V.

Mga simpleng bagay lang ito na napansin ko na nakabawas sa pagka-authentic ng mga eksena sa aking opinyon. Dumayo na tayo sa mga hindi kasimplehang bagay na dahilan kung bakit ayaw ko sa Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa.

Wala na sana akong pakialam kung hindi na nagsalita ang mga bida. Kahit nga nagsayaw nalang sila at magtitigan, kaya ko na sanang malaman ang pinatunguhan ng istorya base doon. Pero ang panghuling sayaw ay walang naiparamdam sa akin. Kahit ang pagtitinginan nila Dennis at Marlon doon, walang naidulot. Walang naipakitang pagkapoot, pagkasabik, pag-aalala o kung ano pa man. Mas may tensyon pa noong nagsayaw sila sa kotilyon. O dahil siguro nagsasalita sila doon. Ewan ko ba kung bakit pilit gustong kapusin ang mga dayalogo dito. Kung gustong kapusin ang salita, sana isipin na gawing makapangyarihan ang galaw ng mga artista!

Ang huling eksena ay si Marlon na lumuha. Lumuha ba siya dahil hanggang pagkakaibigan lang ang gusto niya kay Dennis? Dahil naramdaman niyang mahal na rin niya si Dennis? Dahil ba natutuwa siya na nakaganap siya sa isang epiko? Dahil ba ramdam niya ang analohiya ng kutsilyo, kaymito at dagta? O dahil saksakan ng panget ang ending? Siguro, kung ipinakita ang eksena na ginawa kong pula sa unang talata, hindi ako umalis ng Glorietta Cinema 4 na nanungayaw at nanghinayang sa dalawang daang piso binayad ko para mapanood ito.

7fc3f7cf58
Reply all
Reply to author
Forward
0 new messages